April Lacsamana Peterson MATULING, lumipas ang mga araw at ngayon ay dalawang buwan na pala kaming nagsasama ni JL, bilang mag-asawa. Sa loob ng dalawang buwan ay maayos naman ang pagsasama yun nga lang kapwa na kami naging busy sa aming trabaho. Lalong-lalo na si JL, dahil madalas na itong nag o-overtime dahil may panibagong project ang PMH. Kaya madalas na kaming hindi sabay umuwi pero, kahit ganun ay nag-uusap pa rin naman kami. Tulad na lang ngayon kahit araw ng sabado ay may meeting ito. "Gwapo na ba ako?" tanong niya sa akin, pagkatapos niyang suklayin ang kanyang buhok. "Hmmm???" kunwari'y nag-iisip kong tugon. "Pinag-iisipan pa ba iyan sweetheart ko?" malambing niyang tanong sabay lapit sa akin at kusang yumapos ang mga braso niya sa akin. "Alam ko na g-gwapuhan ka sa akin ka

