Jacob Luis Peterson Sabay na kaming umalis ni April sa Music Bar gusto ko pa nga sana siyang ihatid sa bahay nila para masigurado kong safe itong makakauwi pero, ayaw niya. Nagpumilit pa ako nung una pero sadyang mahirap ding baliin ang desisyon niya kaya siya pa rin ang nasunod sa aming dalawa. Umuwi na lang din ako dahil masakit pa rin ang ulo ko. Inumaga na kami nina Levi at Dale kakainon n'ung isang araw, kaya absent ako kahapon dahil sobrang sakit ng ulo at buong araw lang akong natulog buti na lang at wala akong mahalagang meeting kahapon. Pagdating ko sa bahay ay dumeritso na agad ako sa aking kwarto upang makapagpahinga at para maibalita ko muna sa parents ko ang tungkol sa pagpapakasal namin ni April. Nagbihis lang ako sandali at saka tinungo ang aking work room upang tawagan si

