Hindi na alam ni Faith kung ilang oras na nga ba ang itinagal nila sa loob ng palengke, sa hindi rin kasi malamag dahilan ay hindi niya na makuha pa ang makapag focus, paano ba naman, sa ilang oras n nilang nag lalakad at nag iikot sa bayan ay tanging na kay Zack lamang ang kanyang atensyon. Katulad na lamang ngayon, kanina pang masama ang tingin niya sa binata, kung tunay nga lamang na nakaka matay ang masamang titig malamang sa hindi ay kanina pa itong bumulagta sa lupa. Isa pa sa nakaka inis, kanina niya pang sinasamaan ng tingin ang lalaki ay tila wala oa rin itong kaalam-alam. Kung sabagay… Paano nga ba naman nitong mapapansin na hindi na siya natutuiwa sa mga nangyayari gayong abalang-abala ito sa pakikipag ngitian sa babaeng hindi niya kilala na basta na lamang lumapit kina nanay

