Hindi na nag taka pa si Faith nang mauna nang umalis sa hapag kainan si Zack, hindi na rin siya nag taka pa kung bakit agad siyang pinanliitan ng mga mata nina Thalia at Jared. “Oo na, I know I f*cked up big time and you don’t need to say it in my face anymore…” Kagat-labing sabi ni Faith saka inis na tinusok ng tinidor ang kapirasong minihaw na bangus sa kanyang plato. “No, that’s not it, Faith…” Halos pabulong at malumanay na sabi ni Jared, nahihiya naman kaya’t hindi niya makuha itong tingnan. “Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay hindi mo pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol sa atin, I’m sorry I didn’t know that he still knew we were going to get marrie-” “Hindi mo kailangang mag sorry, Jared.. Wala ka namang kasalanan eh, ako nga itong dapat na mag sorry dahil sa kagagahan k

