“Sh*t Zack! Ano ba? Ibaba mo nga ako! Ano bang problema mo?” Inis na sigaw ni Faith nang walang sabi siyang buhatin ni Zack, tila balewala pa rito ang bigat niya dahil tila isa lamang siyang sako ng bigas na isinabit nito sa balikat nito. Naka dagdag pa sa inis ni Faith ang sunod-sunod at malalakas na asaran ng mga taong kasalukuyang nasa kubo matapos makita ng mga ito ang ayos nila ni Zack. “Huwag ka ngang malikot! Mahuhulog ka!” Inis rin na ganting sigaw sa kanya ng lalaki. “Wala akong pakealam! Sini ba kasi ang may sabing buhatin mo ako?” “Walang may sabi! Gusto kong buhatin ka dahil alam kong kahit anong pilit ko sa iyo ay hindi ka rin naman susunod, matigas pa sa bati iyang ulo moo eh! And I already warned you Faith, as far as I can remember I did asked you POLITELY to change yo

