Madilim pa ang langit nang magising si Faith mula sa hindi kahimbingan niyang tulog, agad pang nangunot ang kanyang noo nang maalalang kanina lamang ay nasa tabi siya ng dagat, tila basang sisiw na ang hihintay sa pag dating ni Zack. Zack… Agad siyang napa balikwas ng bangon nang sumagi sa kanyang isipan ang binata, binalot ng kaba ang kanyang puso saka mabilis na inalis ang makapal na kumot na naka balot sa kanyang katawan. Where the f*ck have you been? Papatayin mo ba ako sa pag aalala? Saka lamang siya naka hinga ng makuwag nang maalala ang naging eksena niya sa tabing dagat kanina, naka uwi nga pala si Zack ng ligtas, buong akala niya kasi ay kung ano nang nangyari rito. Malakas na napa buga ng hangin si Faith tapos ay wala sa sariling tinapunan ng tingin ang wall clock. Pasado a

