Pakiramdam ni Faith ay tila kakawala sa loob ng kanyang dibdib ang puso dahil sa lakas ng t***k niyon, isama pang pakiramdam niya ay agad nanlambot ang kanyang mga tuhod kasabay ng panlalamig ng buo niyang katawan nang pag pasok pa lamang sa loob ng hospital room ng ina ay agad nang bumungad sa kanya ang halos buto’t-balat na lamang niyang ina. Kasalukuyan itong naka higa sa hospital bed nito, naka pikit man at tila tulog ay bakas pa rin ang hirap na nararamdaman nito. Nahigit na lamang ni Faith ang pag hinga saka pilit na pinigil ang pamumuo ng ilang butil ng luha sa mata nang makita ang lagay ng ina, isama pa ang ilang aparatong naka kabit rito na siya lamang nag padagdag sa labis niyang kaba. Faith knew that her mother was sick, but she didn’t know that she was bad off like this. S

