Chapter Four

3181 Words

HINDI mawala ang mga ngiti sa labi ni Marisse. Wala siyang pakialam kahit pagkamalan siyang baliw, basta ang mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon. Siya ang pinakamasayang babae sa buong Tanangco. Naputol ang pag-iisip niya ng pumasok doon sa kuwarto niya si Jester, kasama si Marvin. "Hey! You're here!" masayang bati niya sa mga ito. "You seems very happy." Puna sa kanya ni Marvin. "Ilang araw na kitang napapansin na ganyan. Anong nangyayari?" seryosong tanong nito sa kanya. Nagkibit-balikat siya, pagkatapos ay muling humarap sa salamin. At nginitian ang sarili. "Wala naman. Ayaw mo ba na ganito kasaya ang kakambal mo, B1?" sagot niya. "Be honest with me, Marisse. What's going on with you and Kevin? Ilang araw na namin napapansin lahat na madalas kayong magkasama. Kayo na ba ulit?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD