Kabanata 1

2342 Words
"The greatest gift a parent can give a child is unconditional love. As a child wanders and strays, finding his bearings, he needs a sense of absolute love from a parent. There's nothing wrong with tough love, as long as the love is unconditional." -Reign- NANUNUOT ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang nakaupo ako sa sanga nang punong mangga. Hinanap ng aking mga mata ang naggagandahang tanawin na gustong-gusto ko sa aming probinsiya dito sa Sta. Rosa, Coron Visayas. Ang probinsiya namin ay napapalibutan nang karagatan dahil kasalukuyan kaming nasa maliit na Isla. Kaya naman halos pangingisda, pagtitinda, paghahayupan at pagtatanim ang karaniwang hanap-buhay namin dito. Tulad namin ni Nanay, may maliit na puwesto kami sa palengke. Umaangkat kami nang mga gulay at prutas para magtinda. Kailan man ay hindi sumagi sa aking isipan na umalis sa lugar na kinalakihan ko, ngunit nagbago ang mga pananaw ko simula kahapon. Marahil hinayaan ng Diyos na malaman ko ang katotohanan. Ngunit nagtatalo ang puso at isipan ko dahil sa kauna-uhang pagkakataon, mapapalayo ako sa aking Nanay. Gustohin ko man na manatili sa piling niya, ngunit kailangan ko munang buoin ang nawawalang bahagi nang pagkatao ko. As a child, I wondered why my mother and I didn't look alike? She was half-Filipino and half-Chinese. Lumaki akong walang ama dahil ipinagdamot sa akin ni Nanay na makilala siya. Sa tuwing magtatanong ako, lagi siyang umiiwas. I knew there was something she was hiding from me. But I hope someday she tells me the truth. As I grew up, I began to compare myself with others. I know, my foreign blood is running through my veins. I'm not pure Filipino, but how did that happen? I don't look Chinese. Did I inherit from my father? Nalilito ako ngunit wala akong mapagsabihan. Hindi ko masabi sa kaniya ang kaguluhan sa isipan ko. Yesterday when I got home, I hurried into the house to tell my mother that the fruits had been sold. When I opened the door, I suddenly stopped because we had a visitor. She wore an elegant corporate attire and was stranded on the Island. Foreigner? How did I say that? Because of the strange color of her eyes. She had sea rover-blue eyes and they were almond shaped. She had a pointed nose. Her soft lips is blossom pink. Manipis at korteng puso. I was also amazed at her porcelain complexion skin, soft and obviously taken care with beauty products. Sa lahat nang napansin ko, isa lamang ang nakomperma ko. She's dropped-dead gorgeous rich. But who is she? Magkaibigan ba sila o magkakilala? How did they meet? As I watched them, they were talking seriously. They both side view at the door so they definitely won't notice me. Kaya patuloy pa rin ang usapan nila. "Don't say that, Lina! You're good enough. I see the way you care for her. Don't worry, she will understand you," kumunot ang noo ko. Mauunawaan ko ang alin? And why is my mother crying? Nanay Lina turned to the window so I could confirm she was crying. I was about to call her, but I was stunned. Nalaglag ang panga ko sa narinig. "Veron, matalino si Reign. Hindi siya papayag na sumama sa'yo kung walang mabigat na dahilan! Paniguradong magtataka siya dahil hindi ako kasama sa siyudad. Anong gagawin ko? Hindi ko kayang saktan ang anak ko! Itinuring ko siyang anak! Kahit na hindi ako ang totoo. Natatakot ako na lumayo ang loob niya." My eyes widened with surprise. Nanlambot ang tuhod ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. She's not my mother? Kasabay ng paghikbi niya ang pagbagsak ng dala kong basket dahil nabitawan sa gulat. Fruits spread on the floor, others rolled at their feet. So, they quickly turned to the door. They were both shocked. My mother stood up quickly. Marahan siyang lumapit sa akin. I was confused just looking at her. My expression is full of questions. "A-nak, magpapaliwanag ako!" There was fear in her eyes. Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay. Sinamantala niya ang pagkakataong ito habang tulala ako at gulat na gulat. Then my mother explained everything to me. My mother had problems with the ovary and it was difficult for her to have children. She was forced to separate from her fiancee and chose not to marry. That was the reason why she ended up in the province of Sta. Rosa or better known as Isla. She prefers to hide in a secluded place because her fiancee is rich. Madali siyang makikita nang kasintahan kung sa bayan lamang siya maninirahan. Years passed before I came into her life. Nanay Lina saw me in the sea, drifting in the boat when I was a baby. She dreamed of having children. Kaya kinupkop niya ako. It's not strict in the Visayas, so even if they adopt without a document, there is no case against them. "N-ay 'wag naman po kayong nagbibiro ng ganiyan," halos pumiyok ang boses ko dahil sa pagbalot ng mahigpit na yakap. Mga yakap na kailan man hindi niya ipinagkait sa akin. Kaya paano ako magagalit sa kaniya? She's not my biological mother, ngunit higit pa sa pagiging Ina ang ginawa niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinahid ang luha. "Anak, galit ka ba sa akin?" Bumuntong hininga ako at marahan na umiling. I sweetly smiled at her. Bakas ang matinding pagkagulat sa kaniya. Marahil taliwas sa inaasahan niya ang magiging reaksiyon ko, ngunit sino ako para maghinanakit sa kaniya? Ang mga ngiti ko ay napakahalaga kay Nanay. Kahit ang maliliit na kasiyahan sa buhay ko at mga achievements sa paaralan ay napaka-importante para sa kaniya. Gusto niya na lagi siyang naroon. I gently helped her to stand up. Instead of being disappointed, I was even more impressed because she took care of me even though we're not relatives. Proud ako dahil napakabusilak ng kaniyang puso. "I'm blessed two times over, 'Nay. You're a wonderful mother and an amazing father to me. You always love me unconditionally. Kaya sino po ako para magalit sa'yo," bulong ko nang yakapin niya. Samantalang nanonood naman sa amin ang magandang bisita. Bigla akong nahiya. My mother introduced me to her bestfriend. She's Tita Veron Dela Cruz Davis. She has a cheerful character. In her status in life, she is a very humble person. Sabi ni Nanay, galing daw ito sa mayamang pamilya at tumutulong sa mga mahirap. "Oh my God Lina! She's very beautiful, I think she's perfect for him," she said with a wide smile, It's like she's planning something. Napawi ang ngiti ko at naguguluhang bumaling kay Nanay. But my mother looked away. Wala akong naging reaksiyon nang haplusin niya ang palad ko. "Finally, I'm so glad we met. When we talk on the phone, Lina always tells me about you. She was right, you are indeed a very kind woman and have a good heart full of love." Marahan niyang hinawi ang buhok na nakakalat sa aking mukha at isiningit ito sa aking tainga. Nakaawang ang labi ko sa pagkamangha. Ang flawless ng kaniyang balat! "Napaka-swerte ni Lina at nagkaroon siya nang malambing na anak." Biglang nagbago ang ekspresyon niya at napabuntong hininga. "Katulad mo, inosente at malambing din siya noong bata pa, ngunit lahat ay nagbabago kapag nasasaktan. Kaya pagdating mo sa Manila, tatagan mo sana ang loob mo iha." Natulala ako habang siya naman ay umiwas ng tingin. Nagkatinginan kami ni Nanay. I didn't expect her friend to be like this. Kanina ay walang pagsidlan ang kasiyahan nang kaibigan niya at ayon sa antas nito sa buhay ay nasa kaniya na ang lahat. Pera, pamilya at maayos na kalusugan. Ngunit nang makita ko ang nakatagong kalungkutan sa kaniyang mga mata ay agad kong nakomperma, hindi pala lahat ng bagay ay perpekto. Kahit anong klaseng antas sa lipunan ay daranas ng matinding pagsubok para hubugin at patatagin bilang tao. Bumalik sa kasalukuyan ang aking isipan. Muli kong sinamyo ang hangin na amoy dagat. This is my fate. Tama si Tita Veron, paano ko nga naman mahahanap ang tunay kong pamilya kung umiikot lamang ang buhay ko dito sa loob ng Isla? Napabuntong-hininga ako at muling inisip ang mangyayari bukas. Nawala ang pagkakatulala ko dahil sumampa si Chian sa aking mga braso. Bigla akong napangiti sa kakulitan niya. He's my pet. Bigay siya ni Mang Daniel sa akin noong birthday ko. Lagi ko siyang kasama dito sa tree house. Minsan ay nauuna pa siyang umuwi sa bahay kapag natatagalan ako dahil sa dami ng mga assignments. Matalino siya at malambing. Kasama ko siya sa pamimitas ng mga prutas para may pasalubong kami kay Nanay. Ang malaking ektarya na tinatambayan namin ay sa amo ni Mang Daniel. May permiso rin sa kaniya na p'wede daw akong mamitas dahil siya ang nag-aalaga ng mga pananim. Ilang oras pa at nagyaya na si Chian na umuwi. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Nanay na nag-iimpake ng mga gamit ko. Sumilip ako sa pintuan. Napasinghap ako dahil nakita ko siyang nagpapahid ng luha. I know she was crying. Nataranta ako at mabilis na lumapit sa kan'ya. She was suddenly surprised when I hugged her from behind. I gently laid my head on her shoulder. Bigla siyang nataranta at kunwari ay abala. Pasimple niyang pinunasan ang tumakas na luha. Napanguso ako. Lumipas ang isang oras at kumalma na rin siya. "Bakit kasi ayaw niyo pong sumama? Napapa-isip tuloy ako. 'Wag na lang kaya akong umalis? Baka kasi kapag umalis ako, malaman ko na lang na sumasayaw ka na pala sa palengke nang walang saplot dahil sa kaka-isip sa akin," napasimangot ako habang ini-imagine si Nanay na halos pagpiyestahan sa palengke. Parehas kaming natahimik at iniisip ang posibleng mangyari. Ngunit lumipas ang ilang sandali, naramdaman kong unti-unting umaalog ang balikat niya. Hanggang sa tuluyan na siyang humagalpak ng tawa. "Baliw kang bata ka! Anong tingin mo sa'kin bold star!" Naaaliw ko siyang sinulyapan at parehas kaming nagkatinginan. Then we laughed hard. Mabilis akong umilag sa paparating na hampas niya. "Sus 'wag nga kayo! Totoo naman 'Nay! Baka nga si Mang Daniel pa humila sa'yo sa palengke dahil sa kahihiyan!" Bigla akong napangiwi dahil sa muling pagtawa niya nang malakas. Mabuti sana kung tumatawa lang siya, kaso may kasamang paghampas pa sa balikat ko ang pagtawa niya. Mahilig talaga siyang manghampas at manggigil kapag masaya. Kaya nga kapag magkasama sila ni Mang Daniel at nahuhuli ko silang nagtatawanan, napapangiwi ako dahil paniguradong binubugbog niya ito. Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan siyang parang sinasapian sa katatawa. Ganito si Nanay sa mga kapilyahan ko at paniguradong ito ang mamimiss niya sa akin. Sa huli, nauwi sa asaran at biruan ang aming usapan habang nag-iimpake. Si Tita Veron naman ay umalis dahil kailangan niyang silipin ang mga planta nila sa probinsiya namin bago umalis. Kinabukasan, nagbibiruan kami ni Nanay sa hapag habang naghihintay na dumating si Tita Veron para sunduin ako. Napangiti ako kay Nanay, nakita ko sila kahapon ni Mang Daniel at nasaksihan ko rin ang pahaging na ka-sweet-an nilang dalawa. "Nanay, bakit po pala napadalaw dito si Mang Daniel? Anihan po ngayon 'di ba?" kaswal kong tanong pero bigla na lang siyang namula at nahiya. Kapag kasi ganitong anihan, busy si Mang Daniel sa hacienda. I looked teasing because she was starting to blush. Maging ang pagsandok niya ng ulam ay sumasala na. I couldn't help but raise an eyebrow. She replied without looking at me. "N-agtaka daw siya dahil hindi ako nagtitinda, inaka niya na may sakit ako," pag-amin niya. Sandali siyang lumingon sa akin at nakita ang pagngisi ko. Muntik na siyang masamid. Bigla akong napahalakhak sa kaniyang reaksiyon at sinundot ang tagiliran niya. "See? I told you so! He really likes you!" Inakbayan ko siya. Ngumiwi si Nanay dahil sa trying hard kong tono. "Don't worry 'Nay, because I want Mang Daniel for you. I like him better than Mang basilyo who was courting with you," she was suddenly stunned. Nagulat siya kung bakit ko nalaman. Simple lang naman dahil marami akong espiya sa palengke! I quickly signed peace with her and smiled. Maarte kong tinusok ng tinidor ang karne. Ginagaya ko ang mga kontrabida sa palabas na paborito ko. "Reign, magtigil ka nga sa kai-english mo! Sa sobrang panonood mo 'yan ng koreanobela kina Petra! Kung anu-ano tuloy ang napapansin mo! Magkaibigan lamang kami ni Daniel at hindi na ako mag-aasawa!" Mabilis siyang sumubo para pagtakpan ang nahihiyang expression. Kunwari ay maarte akong umirap at mabagal na ipinatong sa lamesa ang kutsara at tinidor. I simply looked at her. Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Tila naging desperada pa akong hanapan siya nang butas kung nag-aayos sa sarili. Even though she's older, I still really admire her. Maliit at singkit ang kan'yang mga mata na kapag ngumingiti ay halos mawala na. Manipis ang labi at maliit ang ilong. Korteng puso ang mukha niya at tuwid ang itim na buhok. Tipikal sa mga may dugong Chinese ay halos maganda pa rin at tila hindi tumatanda. Some of them use different cosmetics, but for my eyes, Mom has a unique beauty because she is a very simple woman. Hindi siya mahilig magpaganda na agad mong mapapansin sa kaniya. She is still beautiful even without makeup on her face. She's beautiful inside and out. Ginto ang puso niya. At ito ang napapansin ng mga nagkaka-interest sa kaniya. Marami siyang manliligaw at aware ako doon. Alam kong may gusto sa kan'ya si Mang Daniel. Wala namang kaso sa akin dahil pareho silang hindi nagka-asawa. Si Mang Daniel ay matalik niyang kaibigan na simpleng trabahador sa isang hacienda. Siya ay mabait, malambing at napakasipag na tao. Biglang bumalik sa aking isipan ang mga katanungan kung bakit ayaw niyang sumama sa Maynila. Is she afraid to leave her bestfriend? Is it the reason why my Mom doesn't want to go to the Manila? I looked at my mother again and at this point I realized something, why didn’t I think of it? My smile widened. Shit! It looks like I'm going to have a father!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD