Raven's POV
Hey! I'm Raven Reams, one of the trios *wink*
nasa school kami ngayon. Nauna na sila Scar saakin or baka si Scar lang ang nauna na sa room. Eh sa kung saan saan nagsususuot basta nasa skwelahan si Eme eh -.- ewan ko kung saang lupalop ng university yun pumupunta.
pagdating ko sa room ay tama nga ako si Scar lang ang nandito nakaupo habang nagbabasa ng libro at naka-earphones may pagkamaldita kasi to or should I say maldita talaga :3 We're a walking disaster, right? pero hindi kami nangunguna dahil may repustasyon kami sa skwelahang to na pinapangalagahan namin.
"Scar!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi naman ako narinig -.- tsk grabe talaga tong babaeng to paano to nakakapagbasa ng maayos kung ang lakas lakas ng music na lumalabas sa earphones niya? Ni hindi na nga ako naririnig oh tsk "hey" sabi ko sabay tapik sakanya, tinignan lang niya ako with her plain expression saka umayos ng upo
"Hey" sabi nya sakin saka ako bineso at tinanggal ang earphones niya "Where's Eme?" tanong niya habang nakatingin sa paligid
"I don't know, alam mo naman yun, kung saan saan napapadpad kapag nasa eskwelahan na" yan nalang ang sinabi ko saka kumuha narin ng libro at nag basa.
'guys narinig niyo na ba ang balita?'
heto nanaman tayo sa mga bubuyog sa university hinayaan ko nalang sila saka nag patuloy sa pagbabasa
'the queen of university is back'
kumunot naman ang noo ko sa narinig. Nilingon ko naman si Scar at tulad ko ay tila ba nagtataka rin ito sa narinig. Anong ibig nilang sabihin? Sinong queen? hayst Anyway, that's none of my business anymore and i don't fvcking care who she is.
"Girls" napalingon naman kami sa likod at nakita namin si Eme na may abot langit na ngiti, hulaan ko napaaway nanaman to, eh sa addict to sa away eh. Hindi na matanggal ang ngiti sa mukha kapag napapaaway. Isa sa mga dahilan bakit naiinsulto lalo ang mga kalaban niya sino ba namang nasa katinuan ang di maiinsulto kung natalo ka na nga pagtatawanan ka pa?
"Saan ka galing?" cold na tanong si Scar. teka ano bang nangyari dito? kanina pato ah, walang emosyon, halatang wala sa mood.
"Girl yung noo mo kumukunot" bumalik naman ako sa realidad ng maramdaman kong may nagstretch ng noo ko tinapik ko naman ang kamay niya :3
"saan ka nga ba galing?" pagbalik ko sa tanong ni Scar kasi mukhang hindi niya narinig
"Sa tabi-tabi lang nagpapakasaya" nakangiti parin niyang sabi tsk if i know nakipag-away kamo, buti nalang di kami nalalaglag sa ranking dahil sa mga studyanteng nadadala sa clinic dahil samin
'girls nandito nadaw ang queen'
napalingon naman kami sa babaeng nag salita atsaka kami nag katinginan halata ba masyadong wala kaming alam?
"Good morning class" sabi ni miss nagsitayuan naman kami at binati rin siya
"Miss papasok po ba ngayon si queen?" tanong ng isa naming kaklase
"No Ms. Pendelton wouldn't attend the class for today" sagot ni miss sa kaklase namin
'sayang naman namiss ko na ang queen natin'
'oo nga eh 4 years narin siyang nawala pati narin sina king and princes natin'
Ow so hindi talaga namin siya o sila kilala kasi 3 years ago lang ng pumasok kami dito and wait? Sino nanaman yung king and princes daw? hayst nakakalito ang history ng skwelahang ito at bakit ba may pa queen queen, at king king na nauuso sa isang university tsk hindi ko na pinakinggan ang mga kaklase ko at binaling na ang atensyon kay miss na ngayon ay nagtuturo na.
*lunch time*
"hey, let's go" yaya saamin ni Eme
tumayo naman kami ni Scar at nag lakad narin papuntang cafeteria. Hanggang ngayon wala parin imik si Scar ano kaya ang problema niya? tanongin ko nalang mamaya sa bahay
"Ako na o-order" pagrespresenta ko mukha naman kasing wala sa mood si Scar para magorder baka mapagbuntungan ang tindera. tumango naman sila saakin bilang sagot.
pagkatapos kong umorder ay pinuntahan ko na sila saka nilapag ang tray na hawak ko
'oh my god! the queen is here'
'wala paring pinagbago ang ganda parin niya'
'i miss her'
'oh my! our queen is back'
ilan lang yan sa mga bulong bulongan na narinig namin. Napatigil naman kaming tatlo sa pagkain ng may mga babaeng tumigil sa gilid namin.
"What do you need?" walang emosyong tanong ni scar. seriously anong meron ngayon sa babaeng ito?
"oh so you're the trio nerds? ang nagrereyna reynahan habang wala ako" bagot naman na tumayo si scar pati narin kami ni Eme
"for your information the crown is still yours, we don't need that fvcking position and attention" cold na saad ni Scar
"no one-" natigilan naman ang sinasabi nilang reyna sa pagsasalita ng tinignan siya ni Scar.
maganda naman siya, matangkad like us maputi, matangos ang ilong , pinkish cheeks, brown eyes and black wavy hair mukhang sosyalin din ang dating.
Tinignan lang ito ni Scar sa mata at napanganga naman ang babae sa gulat. Teka? kala ko ba queen nila to eh bakit ngayon nakanganga?
"R-" hindi ulit natuloy ng babae ang sasabihin niya ng magsalita si scar
"Kung gusto mong kumain, kumain ka hindi yung nganganga kajan kasi walang mag-aatubiling sumubo sayo" cold parin na sabi ni scar "wala na akong ganang kumain, umalis na tayo dito" sumunod naman kami ni Eme sakanya.
"hey what's going on? Are you ok?" nag-aalalang tanong ko kanina pa kasi siya parang ang init ng ulo
"Just don't mind me" yan lang ang sinabi niya atsaka pinaslak naman ang earphones niya sa magkabilang tainga niya.
"Ano problema nun?" tanong saakin ni eme, tinaas ko nalang ang dalawang balikat ko, nagpapahiwatig na hindi ko alam.
"baka meron" sabi ni eme. sguro nga baka araw niya ngayon naglalakad kami ni eme nang biglang
*boooggssh*
"What the fvck!" galit kong sigaw sa animo'y pader na lalaking nabangga ko and base sa mga paang nakikita ko marami sila
'oh my gaadd! they are really back'
'oh sh*t ang hot nila'
"miss ok ka lang?" tanga ba ang isang 'to? malamang sa malamang hindi! tumayo naman ako at pinagpagan ang palda ko saka ko sinamaan ng tingin ang lalaking nasa harap ko. Nanlaki naman ang mata ko sh*t ang gwapo men nakakalaglag panty ang hot niya!
"miss?" nabalik naman ako sa katinuan ng magsalita ulit ito.
"ah-eh oo" sabi ko saka umalis. Wala rin ako sa mood makipag-away ngayon dahil nag-aalala parin ako kay scar
sa nakikita ko kanina 5 lalaki at 1 babae ang nasa groupo nila siguro sikat sila. Kitang kita naman sa mga bulungan kanina na talagang sikat nga sila.
hindi ko na sila inintindi dahil nakakasayang lang sila ng oras.
--