"Adante," unang bigkas pa lamang niya sa pangalan ko ay nakilala ko na siya kaagad. Mabilis kong hininto ang sasakyan na minamaneho ko at gulat na gulat ako sa aking narinig. "Paano mo nalaman ang phone number ko?" tanong ko naman sa kaniya. "Kung gusto mo malaman, magkita tayong dalawa ngayon." "Makinig ka sa akin, Gwen. Tapos na ang lahat sa ating dalawa at wala na akong balak na makipagkita pa sa'yo kahit kailan!" tipong bababaan ko na sana siya ng tawag, ngunit muli itong nagsalita na mas lalong ikinagulat ko. "Sa ayaw mo man o sa hindi, Dante. Magkikita at magkikita pa rin tayong dalawa. Ayaw mo bang malaman kung nasaan ako ngayon?" turan nito at tiyak ko na nakangisi siya ngayon. "Tumigil ka na, Gwen. Sa susunod na-" naputol din naman kaagad ang aking sinasabi nang pangunahan n

