Gabi-gabi na lamang umiiyak si Hera, pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Madalas din itong nagwawala at tinataboy ang kahit sino mang lalapit sa kaniya. Wala rin itong ganang kumain at madalas ay tinatapon lang niya ito sa kung saan-saan. Saksi si Adante sa hirap na pinagdadaanan ng dalaga. Ramdam niya ang bigat na nararamdaman nito sa kaniyang dibdib at ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Isang sikat at mahusay na balerina si Hera, ngunit ngayong hindi na ito nakakakita pa ay tila unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na makamtin ang pinapangarap niya na makapag-perform sa ibang bansa. "Sino 'yan? kung maaari lang ay lumabas ka na. Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa loob ng silid ko." Ani ng dalaga sa kaniya nang marinig nito ang pagpihi

