Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas, magmula nung umalis si Bon at bigla na lang nawala. Tangging si Adante naman ang nag-aalaga kay Hera at kasalukuyan na nga niyang naigagalaw ng paunti-unti ang kaniyang katawan, subalit nakapiring pa rin ng puting bendahe ang kaniyang mga mata. Nakakaupo na siya ngayon at paunti-unti ay nakakalakad na ulit siya dahil sa tulong ng binata at sa palaging pag-aalalay nito sa kaniya. "Say ahh." Kasalukuyan nakaupo si Adante sa harap ni Hera, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang higaan. Sinusubuan niya ito ng isang kutsarita na may crab soup, pero tinatanggihan naman siya ng dalaga. "Tumigil ka na, hindi mo kailangang magbait-baitan sa akin ngayon. Alam ko namang walang tao sa paligid natin, kaya puwede ka ng huminto sa pag-aakting mo." Mahina ngu

