Mahigit dalawang oras ang inabot ng paghihintay nina Bon, sa labas ng silid ni Hera. Hindi ito mapakali at palakad-lakad na lang, habang nakahawak sa kaniyang noo gamit ang isang kamay. Nakasunod naman ng tingin si Owen sa kaniya at nagbuga ng malalim na paghinga. "Puwede ba, Bon? umupo ka na muna sandali at kumalma. Ako tuloy ang nahihilo sa kakaikot mo riyan," turan nito sa kaniya. Saglit namang natigilan sa paglalakad ang binata at lumingon ito sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang mga kamay. "Owen, sabihin mo nga sa akin. Wala ka bang napapansin na kakaiba? o baka naman may ibang taong pumasok sa loob ng kwarto niya?" usisa niya habang napailing naman sa ulo si Owen at nanliliit ang mga mata. "Kakaiba? wala naman. Bakit?" mabilis nitong tinugon sa kaniya. "Sigurado ka ba? wala kan

