Nilapitan niya ako at hinigit sa aking kwelyo. Laking gulat ko na lamang ng magtama ang mga mata namin sa isa't-isa at sobrang lapit ng mukha niya sa akin, na halos dama ko na pati ang mainit niyang paghinga. Napamaang na lamang ako sa kaniya habang hinihila niya ako papunta sa kama. Tinulak niya ako ng malakas dahilan upang matumba ako at mapahiga na lang sa higaan. Walang imik siyang pumaibabaw sa akin at may malagkit na titig sa kaniyang mga mata. Nakatingin pa rin ako sa kaniya at hindi ko alam ang aking gagawin. Tila nanigs ako na parang bato at hindi man lang makagalaw sa pwesto ko. Nang bigla niyang tanggalin ang aking sinturon at binaba ang zipper sa aking pantalon. "Stop! please, stop." Pagpipigil ko sa kaniya ngunit ngumiwi lang ito sa kaniyang labi at ipinagpatuloy ang ginaga

