Chapter Six: Like Her
_______________________________________
"MA, AALIS po muna ako. Pupuntahan ko lang po si Mavien sa bahay nila," sigaw ko kay Mama na nagluluto sa kusina.
"Okay, anak. Just make sure to come home before eight," sigaw niya pabalik.
Lumabas na ako ng bahay at agad na nagtungo sa sasakyan ko. It's been five days since the last time I saw Mavien. Ang sabi ni Tita Belle sa akin ay hindi raw lumalabas ng kwarto niya si Mavien. Hindi na nga rin ito pumupunta sa bahay namin ngayon simula nang malaman niya ang balitang 'yon. Alam kong nasasaktan siya ngayon nang dahil sa pagkawala ni Samantha. Matagal na niyang pangarap na makasal silang dalawa at ganito pa ang mangyayari.
Kahit na nasasaktan akong makita silang magkasama noon ay tinitiis ko basta't huwag ko lang siyang makitang nasasaktan.
I love him. Yes, I do. That I can't even bear to see him hurting.
Kung may magagawa lang sana ako...
Nang makarating kami sa harap ng grand entrance ng Montenegro Mansion ay agad na huminto ang golf cart na sumundo kanina sa akin sa gate ng Isla. Katulad nang palagi kong ginagawa tuwing pumupunta ako rito ay iniiwan ko ang sasakyan ko sa parking area ng Rancho del Rio malapit sa dinadaungan ng cruise patungong Montenegro Island Estate.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago bumaba ng golf cart. Nagpasalamat ako sa driver ng golf cart na naghatid sa akin bago nagtungo sa pintuan ng Mansion. I pushed the doorbell button. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko si Tita Belle.
"Scarlet, hija, mabuti at nakadalaw ka," malumanay na saad nito.
Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga.
"Kamusta po si Mavien, Tita Belle?" I asked worriedly.
Pumasok kami sa loob ng Mansion at naglakad patungo sa pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Mavien. Mababakas ang lungkot sa mukha ni Tita Belle para sa anak.
"Wala paring ipinagbago. Nandoon parin siya sa kwarto niya at nagkukulong. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanya. I know he's hurt and I understand him."
Alam kong nahihirapan ngayon si Mavien nang dahil sa nangyari. Samantha used to be his ideal girl eversince when we were still young. Mula noon, mga katulad na ni Samantha ang pinapangarap niyang babae.
"I know you're the only one who can help my son, Scarlet. Sa 'yo lang naman nakikinig ang batang 'yon."
"I don't know, Tita, dahil sa mga oras na 'to alam kong hindi ako ang makakatulong sa kanya. Because the person he need is already gone."
I really felt sorry for Sam. Oo at naiinis ako noon.
Ginusto kong magkahiwalay silang dalawa but not in this kind of situation.
"Please, try to talk to my son, Scarlet. I know he will listen to you. He needs you now."
I don't know kung makakatulong ba ako sa kanya o hindi. But I hope I can. Kahit na masaktan ako, okay lang.
"I'll try, Tita Belle," I said using a weak voice.
She nodded as if she already felt relieved. Relieve for what? There is no assurance that I can help Mavien to get over with it.
"Ikaw na ang bahalang kumausap sa kanya," saad niya nang tuluyan kaming nakarating sa kwarto ni Mavien.
Napatango nalang ako sa sinabi ni Tita Belle. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago tuluyang umalis. I take a deep breathe before I knock the door. Binuksan ko ang pinto at sumakit bigla ang ulo ko nang maamoy ang sigarilyo pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni Mavien.
What the hell is this?
Halos hindi ako makapaniwala sa nadatnan kong kalagayan ng mini living room na nasa loob ng kwarto niya. Nagkalat ang mga bote ng alak at kung ano-ano pang klase ng brand ng sigarilyo.
This is bad, very bad! Kailan ba natutong manigarilyo si Mavien?
Naglakad naman ako patungo sa kama ni Mavien. And there I saw him drinking his life to death. Pakiramdam nito sa alak ay parang tubig lang na kung makalaklak akala mo naman hindi siya malalasing.
He's so wasted!
Ano ba ang ginagawa niya sa buhay niya? Sa tingin ba niya maaayos ang problema niya sa ginagawa niyang 'to? Hindi! Sinisira lang niya nang tuluyan ang sarili niya!
"Mavien, tama na 'yan," inis na sabi ko at inagaw sa kanya ang bote ng beer na hawak-hawak niya.
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko. Tumayo siya at naglakad palayo sa akin na para bang hindi ako nag-e-exist sa mundo niya. Inis na sumunod naman ako sa kanya. I saw him grab something to drink in his mini refrigerator.
Damn!
Inis na hinablot ko naman sa kanya ang bote ng beer na kinuha niya.
"What do you think you're doing, Mavien?" I hissed.
He just looked at me using his wary eyes. I can feel the pain he's feeling right now. Naaawa ako sa kanya at nasasaktan akong makita siyang ganito.
This is not the Mavien I used to know.
"Sa tingin mo ba nang dahil sa ginagawa mong 'to ay mababalik pa ang buhay ni Samantha? Do you really think na matutuwa siya kapag nalaman niyang sinisira mo ang buhay mo ng ga----"
"Shut up! Will you just f*****g shut up?! Wala kang alam! Wala kang alam sa nararamdaman ko!" he shouted, anger is very visible in his voice.
Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwalang sinigawan niya ako nang ganoon. Nanghihinang napaupo siya sa lapag at isinubsob ang mukha sa mga binti nito. My heart broke when I heard him cry.
Cried for someone he loves...
"Wala kayong alam! Wala kayong alam kung ano ang pakiramdam nang mawalan. I always dream to have her, to have a girl like her but in just one blink of an eye, nawala nalang bigla," nanghihinang usal niya.
I can feel his pain and sadness...
"I already planned everything, everything between us. But everything turned into a mess because of that stupid air crash!" paghuhumintaryo niya.
Alam ko namang napakahirap nito para sa kanya pero hindi niya dapat ginagawa ito sa sarili niya, not in this kind of things and behavior.
"Pero hindi mo pwedeng sirain ang buhay mo. Alam kong masaki----"
"Ano'ng alam mo?! Wala kang alam! Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka narin ba kaya mo na-----"
"Oo!" mariing sagot ko.
I don't know why tears started to fall from my cheeks. Siguro dahil sa sobra-sobrang emosyong nararamdaman ko.
"Oo! Nagmahal na ako!" I blurted painfully. "Oo! Nasaktan na ako! At sa isang gagong katulad mo!"
I just let my tears fell. Bakas ang gulat sa mukha ni Mavien at halos hindi ito makapagsalita nang dahil sa sinabi ko.
I can't hold my emotions right now.
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko at agad ding iminulat iyon. Sumisikip ang dibdib ko.
"For nine f*****g years, Mavien, nine f*****g years," nasasaktang usal ko. "Hindi ko alam kung manhid ka lang ba talaga o ako lang 'yong tanga. For godsake, Mavien, sa loob ng siyam na taon na nasaktan ako at patuloy na nasasaktan hanggang ngayon tapos sasabihin mo sa akin ang bagay na 'yan?"
Parang baliw na natawa naman ako sa sarili ko. I'm already confessing my true feelings for him that I hide for almost nine years.
"Kahit na parang mamamatay na ako sa sobrang sakit sa tuwing nakikita ko kayong magkasama, hindi ako umabot sa point na sisirain ko ang buhay ko nang dahil lang dito. Alam mo ba kung gaano kasakit na makita kang masaya sa piling ng iba? It's like torturing me every seconds and wouldn't allow me to heal," wala sa sariling lintantya ko. "And now your asking me that? Alam mo ba na punong-puno na ako nang sana sa utak ko. Na sana ako naman ang mahalin ni Mavien. Na sana makita man lang ako ni Mavien nang higit pa sa pagkakaibigan. Palagi kong tinatanong ang sarili ko, ano pa ba ang kulang sa akin at bakit hindi mo ako magawang mahalin?"
Nanghihinang napaupo ako sa lapag katulad niya na parang bata. I wiped my tears that fall into my cheeks. For nine years of my existence with him, nasabi ko rin, nasabi ko rin ang totoo kong nararamdaman sa kanya..
"Be like her," he suddenly uttered out of the blue.
Napaangat naman ako ng tingin nang dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya sa akin ang bagay na 'yon.
"You want me to love you then be like her! That's how I want you to do," he said with conviction. "Be like her, Scarlet, and I will love you."
-
♡lhorxie