Chapter Eighteen : Between Life and Death _______________________________________ "NANA Carmen, magpapabili po sana ako sa inyo ng pinya, naubos na po kasi 'yong stock dito sa bahay," pakiusap ko kay Nana Carmen na kasalukuyang nagdidilig ng halaman sa labas. Tumigil naman ito sa ginagawa at agad na lumapit sa akin. "Hay naku, hija, bakit ka naglalakad na ikaw lang mag-isa? Alam mo namang buntis ka at anumang oras ay maaari ka nang manganak. Sana tinawagan mo nalang ako sa cellphone kagaya ng sabi ni Sir Mavien at ako nalang ang pupunta doon sa kwarto niyo," sermon ni Nana Carmen sa akin. I just shrugged. "Gusto ko po ng pinya, Nana Camen." "Hala, paano 'yan? Kung aalis ako wala kang kasama dito. Sabi pa naman ni Sir Mavien huwag kang iiwang mag-isa dito sa bahay. Umalis pa naman nga

