Chapter 1
A U D R E Y
"Girl, kailan ka ba talaga uuwi? May balak ka pa bang umuwi?"
Tumingin ako sa screen ng phone ko upang makita ang iritableng mukha ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong naisipan nito at bigla na lang akong pinipilit na umuwi ng Pinas gayong ilang taon na din naman ako dito, at sa ilang taon ko dito ay hindi naman niya ako kailanman pinilit na pauwiin. Ngayon lang talaga at hindi ko pa alam kung ano ang dahilan pero malamang ay may matindi siyang rason kung bakit.
"I don't know with Riley. Uuwi siguro ako kapag umuwi na din siya."
Riley is my husband. Unfortunately, we're victims of fixed marriage. Pinagkasundo lang kami at hindi namin mahal ang isat-isa.
Tatlong taon na kaming kasal at tatlong taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong pero kahit kailan ay wala pang nangyari sa aming dalawa sa tatlong taon na iyon na nagsasama kami. May kasunduan kami na hindi namin pakikialaman ang isat-isa sa lahat ng bagay. Nangako din siya sa akin na hindi niya ako gagalawin basta hindi ako makikialam sa mga babaeng inuuwi niya sa sarili naming pamamahay. Pumayag ako sa kasunduan na iyon dahil wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Kahit sino pa ang iuwi niyang babae ay wala akong pakialam. Basta huwag niya lang din akong pakikialaman sa mga bagay na gusto kong gawin. Tulad na lang ng pagwawaldas ng pera niya.
Wala naman din talaga siyang pakialam sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko, kahit yata araw-arawin ko ang pagwawaldas sa pera namin, wala siyang masasabi. Sa dami ng pera niya imposibleng maubos iyon ng basta-basta lang. Kaya nga ako sa kanya ipinakasal ng parents ko dahil mayaman ang pamilya niya. Mayaman ang mga magulang ko pero mas higit na mas mayaman ang pamilya nina Riley at mas maimpluwensyang mga tao. S'yempre hindi papayag ang mga magulang ko na mapunta ang anak nila sa mas mababa sa kanila. Dapat lang na mas mataas sa kanila ang makatuluyan ng kanilang anak. Ganoon naman yata talaga ang tingin ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak. Investment… bagay na pakikinabangan nila.
At dahil ako ang pinakamapalad na anak, ang kalayaan ko ang napili nilang isakripisyo, ako ang napiling ipakasal kay Riley kahit pa alam nilang may boyfriend ako noong mga panahong ipinagkasundo nila ako sa taong hindi ko mahal at kahit kailan hindi ko mamahalin.
Hindi nila ako pinakinggan kahit ilang beses akong umiyak at nagmakaawa sa harapan nila. Ayokong magpakasal para lang sa negosyo at kapangyarihan. At kung magpapakasal man ako gusto ko sa boyfriend ko at hindi sa lalaking hindi ko naman kilala. Pero dahil sa kagustuhan ko ding mahalin at pagtuunan ng pansin ng mga magulang ko, pumayag na lang ako sa kagustuhan nila.
Nagpakasal ako sa lalaking hindi ko kilala at iniwan ko sa Pilipinas ang lalaking mahal na mahal ko, para lang sa pamilya ko. Dahil iyon ang gusto nila para sa akin. Naisip ko din ang dalawa kong kapatid, kung pipilitin kong tumutol sa kagustuhan ng parents ko… baka sila naman ang ipakasal sa taong hindi naman nila kilala o mahal. Ayokong mangyari sa kanila iyon lalo pa at mas bata sila kaysa sa akin, kaya pumayag na din ako sa huli at wala ng nagawa pa. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko at hindi ako papayag na gamitin lang sila ng mga magulang namin.
Akala ko pagkatapos kong maikasal, pagtuunan na ako ng pansin ng parents ko… akala ko mararamdaman ko na sa wakas ang pagmamahal nila sa akin, pero nagkamali ako. Hindi pa rin pala. Hindi ko pa rin naramdaman sa kanila na mahal nila ako…
Para akong isang kasangkapan lang para sa kanila. Pagkatapos kong ikasal, mula nang tumira ako kasama si Riley sa iisang bahay, kahit kailan hindi nila ako kinumusta. Kahit ng mga kapatid ko… wala man lang nagtanong sa akin kung kumusta ba ako dito? Kung ayos lang ba ako? Wala. Wala akong narinig na kahit ano sa kanila.
Gusto kong pagsisihan ang naging desisyon ko, na isinakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa kanila, pero masyado ng huli ang lahat para gawin ko pa iyon. Huli na ang lahat para magsisi pa ako sa mga naging desisyon ko sa buhay. Huli na dahil may mahal nang iba ang lalaking naiwan ko sa Pilipinas. Masaya na siya ngayon sa piling ng ibang babae.
"Bakit? Pinagbabawalan ka ba niyang asawa mong umuwi mag-isa? Akala ko ba wala naman kayong pakialamanan sa isat-isa?"
"Wala naman talaga. Hindi ko nga halos makausap ang taong 'yon. Magkasama kami sa iisang bubong ngunit hindi kami halos nagkakausap."
Hindi din kami madalas magkita kahit nasa iisang bahay lang kami nakatira, siguro dahil masyado siyang tutok sa trabaho, lagi siyang wala sa bahay. Mas mabuti na iyon dahil hindi ko din naman gustong lagi siyang nakikita. I don't like him. I actually hate him.
"Gano'n naman pala bakit kailangan mo pa siyang hintaying umuwi bago ka umuwi dito? Umuwi ka na please. Kahit sandali lang…"
"Alam mo naman ang parents ko. Paniguradong magagalit ang mga iyon sa akin kapag nalaman nilang umuwi ako ng Pilipinas at iniwan ko dito ang asawa ko. Isa pa, wala na ding dahilan para bumalik pa ako d'yan. Lalo lang akong magsisisi sa pinili kong desisyon."
Napasinghap si Gail. Kitang-kita ko ang kagustuhan niyang umuwi ako ng Pilipinas. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit. Bakit bigla-bigla na lang na gusto niya akong pauwiin?
"Bakit ba kasi pursigido kang umuwi ako? Ilang taon na ako dito ngayon mo lang ako kinumbinsing umuwi ng Pilipinas. Really, Gail?"
Natahimik siya ng ilang sandali bago malalim na bumuntong hininga at nagsalita.
"Ang totoo niyan... Nalaman ko kasi na ikakasal na si Cole."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa sinabi niyang iyon.
Alam ko naman na may girlfriend na si Cole, nagulat lang siguro ako na magpapakasal na siya ngayon. Hindi ko naisip na seryoso pala talaga siya sa girlfriend niya… Akala ko kasi hanggang ngayon…
Bumuntong hininga ako.
Ang tanga mo din, Audrey! Ilang taon na kayong hiwalay no'ng tao at ikaw ang nakipaghiwalay sa kanya para magpakasal sa ibang lalaki kaya bakit iniisip mo na hanggang ngayon ikaw pa din?
Kinagat ko ang labi ko at malungkot na ngumiti.
"Then good for him. He deserves to be happy, Gail," I said sincerely.
"Yes, I know that, but how about you? Paano ka naman? Hindi ba nasabi mo noon na gusto mong balikan si Cole?"
"Yes, sinabi ko nga iyon. Babalikan ko si Cole dahil siya lang ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko pero kung may mahal na siyang iba... Wala na akong magagawa pa. Hindi ko siya pwedeng pigilang magmahal ng iba, wala akong karapatang gawin iyon dahil ako ang nang-iwan sa kanya. Iniwan ko siya ng basta-basta na lang. Wala akong karapatang pigilan siya sa pagpapakasal niya dahil maging ako din naman ay kasal na sa ibang lalaki. Wala na din akong magagawa pa kundi ang tanggapin na lang ang lahat. Hindi na kami pwede. Isa pa, matagal-tagal na din naman sila ng girlfriend niya. Kaya naiintindihan ko kung gusto na nilang magpakasal. Baka mahal na mahal na niya iyon…"
"Alam ko naman 'yon pero hindi ka ba talaga uuwi? Hindi ka manlang magpapakita sa kanya bago siya ikasal?"
"Hindi ko alam, Gail. Para saan pa? Magbabago ko ba ang isip niya sa pagpapakasal kung uuwi ako? Hindi mo ba nakikita? Mukhang masaya na siya sa mapapangasawa niya. Saka ang kapal naman ng mukha ko kung bigla na lang akong magpapakita sa kanya kung kailan ikakasal na siya."
"Pero hindi mo pa din pwedeng itanggi na mas matagal kayong nagkasama ni Cole at talagang minahal niyo ang isat-isa. Lalo na siya. Nakita ko kung paano ka niya sobrang minahal. Halos gibain niya ang bahay namin noon sa pag-aakalang itinatago lang kita. Kung nakita mo lang ang itsura niya no'n. Dinampot pa nga siya ng mga pulis dahil sa pag-iiskandalong ginawa niya. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon, Audrey,” bakas sa boses ng kaibigan ko ang determinasyon na maayos kami ni Cole pero para sa akin ay imposible na iyon. “Mahal na mahal ka no'ng tao. He was so in love with you at alam kong gano'n ka din sa kanya. Wala ka lang choice dahil ayaw mong madamay ang mga kapatid mo sa pagiging tuso ng mga magulang mo sa kapangyarihan. Hindi natin alam, baka hanggang ngayon mahal ka pa din pala niya. Mas lalo lang siyang kawawa kung magpapakasal siya sa babaeng hindi naman pala niya totoong mahal… Gusto mo bang mangyari iyon?"
"Anong gusto mong gawin ko? Bumalik ng Pilipinas at tumutol sa kasal nilang dalawa? Sa tingin mo ba mahal pa din ako hanggang ngayon ni Cole pagkatapos ng ginawa ko sa kanyang pananakit? Hindi ako nagpaalam sa kanya, basta ko na lang siyang iniwan at nagpakasal sa iba. Malamang galit iyon sa akin ngayon. At hindi pa yata ako handang harapin siya ulit pagkatapos ng lahat ng nangyari. Pagkatapos ng mga nagawa ko sa kanya. Mahirap din ito para sa akin, Gail. Sobrang hirap tanggapin na magpapakasal na siya pero ano bang magagawa ko? Nakatali na din ako kaya wala na akong kakayahang bawiin pa siya kahit gaano ko pa gustuhin. Wala na akong magagawa."
Hindi naman na ako kinulit pa ni Gail na bumalik ng Pilipinas pagkatapos ng sinabi kong iyon. Siguro na-realize niya ang mga sinabi ko, na wala naman na talaga akong magagawa kung magpapakasal na si Cole.
Ang dapat ko na lang gawin ay ang maging masaya para sa kanya. Ngunit kaya ko ba talaga iyon? Kaya ko bang maging masaya na lang para sa kanya? Kaya ko bang maging masaya na ikakasal na siya sa ibang babae? S'yempre hindi…
Kaya imbes na pagurin ang sarili sa pag-iisip ng kung ano-ano at pagmumukmok sa kwarto, naisip kong lumabas ng gabing iyon. Gusto kong uminom at makalimot kahit isang gabi lang.
Pakiramdam ko mababaliw ako sa pag-iisip na ikakasal sa ibang babae ang pinakamamahal ko. Ang lalaking ako lang ang mahal na mahal noon…
Pero sino bang may kasalanan kung bakit nangyayari ito? Iniwan mo siya, Audrey at nagpakasal ka sa ibang lalaki. Anong gusto mong gawin niya? Maghintay at umasa pa din sa'yo kahit may iba ka na?
Pero siya pa din ang mahal ko at kahit kailan hindi nagbago iyon. Siya lang ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko.
Nagpunta ako sa pinakamalapit na bar sa place namin. Mag-isa lang ako sa lamesa ko dahil wala naman akong kaibigan dito. Isa lang ang kaibigan ko, si Gail lang at nasa Pilipinas siya. Dito sa States wala akong naging kaibigan kahit tatlong taon na akong nakatira dito. Siguro dahil hindi din naman ako palalabas na tao, wala din akong trabaho at palagi lang nasa bahay.
Minsan naisip kong magtrabaho para naman may mapaglibangan ako at hindi ko na maisip ng maisip si Cole pero wala naman akong lakas ng loob na maghanap ng trabaho sa lugar na ito. Hindi ko alam sa sarili ko… Mula nang tumira ako dito sa America at nagpakasal ako dito, parang hindi na ako marunong makihalubilo sa ibang tao. Iwas na ako sa lahat. Ngayon na nga lang ako ulit nakapunta sa bar pagkatapos ng ilang taon.
Ayokong mag-stay sa bahay dahil alam kong kakainin nanaman ako ng lungkot kung mananatili ako doon. Kaya sinubukan kong magpunta dito pagkatapos ng ilang taon na hindi ako nagawi sa lugar na ito.
Mga ilang minuto palang akong nakaupo sa lamesa ko ay may lumapit na sa akin, inaaya akong sumayaw. Tinanggihan ko siya pero masyadong mapilit ang lalaki, ayaw niya talagang tumigil sa pagkumbinsi sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang makipagsayaw na lang sa kanya.
Hindi na din siguro masama ito. Para naman hindi puro si Cole ang iniisip ko.
Sinubukan kong igalaw ang balakang ko kasabay ng musika. Pumikit pa ako upang damhin iyon at mas masabayan. Ngunit nang dumilat ako ay napadpad ang tingin ko sa lalaking nakaupo hindi kalayuan sa pwesto namin. May babae sa tabi nito na kulang na lang ay kumandong sa kanya. Humahalik ang babae sa kanyang leeg habang siya naman ay nakatuon ang tingin sa direksyon ko.
Hindi ko alam kung bakit para akong kinilabutan sa tingin niyang iyon. Hindi ko talaga kayang tagalan ang kanyang tingin. Kahit noong unang beses kaming pinakilala sa isat-isa, hindi ko magawang tumingin sa kanya. Kahit pa noong kinasal na kami.
Never na tumagal ang titigan namin kasi lagi akong nauunang mag-iwas. Ewan ko. Hindi ko gusto ang paraan ng tingin niya.
Okay, sige, aaminin ko, nai-intimidate ako sa tingin niya. Pero iyon lang 'yon. Wala akong pakialam sa kanya o kahit sa kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya.
Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang akong napangisi nang makita ang kamay ng babae na unti-unting bumababa sa pagitan ng kanyang mga hita.
Imbes na panoorin pa silang dalawa ay pumikit na lang ako ulit at muling dinama ang musika habang nagsasayaw. Naramdaman ko ang kamay ng kasayaw ko sa aking baywang, humahaplos iyon doon. Nagmulat ako at nagkatinginan kami.
Ngumisi ako nang nakita ang madilim niyang mga mata. Puno iyon ng makamundong pagnanasa.
"You're so hot," bulong niya sa tainga ko habang mas lalong pinag-igi ang pagtaas baba ng kanyang haplos sa aking baywang.
Ngumisi lamang ako lalo, hindi tinugunan ang sinabi niya. Mas lalo ko pang pinagbuti ang pag-indayog ng aking balakang hanggang sa marinig ko siyang umungol.
Bumalik muli ang tingin ko sa kanyang mga mata. Mas lalo pa iyong nagdilim ngayon.
"Do you want to go to my place?" aniya sa namamaos na paraan.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at ngumisi ng pilya.
"Hmm, I'm not sure," pagsubok kong mas lalo siyang baliwin pero ang totoo wala naman talaga akong balak na sumama sa kanya.
Ang totoo niyan wala akong lalaking gustong pag-alayan ng sarili ko kundi si Cole lang. Nahagip ko ng tingin si Riley na nakatingin pa din sa direksyon namin. Napairap ako.
"Excuse me… bathroom," paalam ko sabay bitaw sa kanya at diretso sa pinakamalapit na exit.
Tapos na ako sa gabing ito. Oo, alam kong kakasimula ko pa lang. Kapapasok ko pa nga lang, pero bigla akong nawalan ng gana. Parang gusto ko na lang na sa bahay mag-inom. Ayokong nakikita at tinitingnan ako ng gano'n ng Riley na iyon.
Tingin niya pa lang alam kong may kasama nang panghuhusga. Bakit? Siya lang ba ang pwedeng gumawa ng bagay na iyon? Siya lang ba ang pwedeng magpunta sa lugar na ito.
Hindi ako nagdala ng sasakyan papunta dito kaya mag-co-commute lang ako pauwi.
Nakakita na ako ng masasakyan nang may biglang sumulpot sa tabi ko at kumausap sa akin.
"What is my wife doing in this place?" aniya may nanunuyang ngisi sa labi.
Napairap ako.
"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng magpunta sa ganitong lugar, saka anong pakialam mo kung nandito ako, hindi ba may kasunduan tayo na hindi natin pwedeng pakialaman ang isat-isa?" Medyo napalakas ang boses ko.
Lalong lumawak ang ngisi niya. Nagtaas siya ng kamay, parang sumusuko.
"Relax. I was just asking why you're here. Seriously, there's no need for you to shout."
Umirap akong muli, pinagkrus ang mga braso sa dibdib at hindi na nagsalita.
"So tell me, why are you here?"
Tumikom ang mga labi ko at hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lamang siya ng matalim. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa lalaking ito. Kaya nga hindi kami madalas mag-usap kapag nasa bahay kami dahil hindi din naman kami magkasundo sa napakaraming bagay, siguro dahil simula pa lang ayaw ko na talaga siya. May nadadama akong ibang energy sa kanya na nagpapairita sa akin. Basta ayoko sa kanya.
"Hindi mo na kayang tiisin?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niyang iyon, hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin sa tanong na iyon.
"What are you saying?"
"I'm implying that you being here might be motivated by lust."
My lips parted at his vulgarity. The heck! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito para sabihin iyon na para bang wala lang sa kanta ang sinabi niyang iyon.
"Excuse me?" pagalit at hindi makapaniwalang tanong ko.
"You can always tell me if you're horny, you know. Perhaps I can help you."
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko sa sobrang pagkainis ko sa lalaking ito. Ang kapal pala talaga ng mukha ng isang ito. Napaka bastos! Hinahayaan ko siyang gawin ang mga kahalayan niya sa bahay namin pero ito, hindi na tama ito. Ako na mismo ang binabastos niya. Walanghiya siya! Wala siyang karapatang bastusin ako ng ganito o itulad ako sa mga babaeng pumapatol sa kanya. Asawa niya lang ako sa papel. Hindi ako papayag na gaganituhin niya ako.
Pero imbes na ipakita ko sa kanya ang galit ko ay sinakyan ko na lang ang kagaguhan niya. Gusto niya ng ganito, pwes sasabayan ko siya.
Hindi ko hahayaang ipakita sa kanya na apektado ako sa mga sinasabi niyang ito.
"No, it's okay. If I get horny, I'll get a man to pleasure me. You don't have to worry about that," may ngising sinabi ko.
Kitang-kita ko ang pagkawala ng ngisi sa kanyang mga labi, pero sandali lang iyon at agad ding naibalik.
"Really, huh?"
Nagpeke ako ng ngiti.
"Really, Riley."
Nagkibit balikat lamang siya at kinuha ang susi ng sasakyan sa kanyang bulsa.
"Let's go, sumabay ka na sa akin pauwi."
Tumaas ang magkabilang kilay ko. Bumaling siyang muli sa akin nang walang makuhang tugon mula sa akun.
"Why?"
"Isasabay mo ako? Nasaan ang babae mo?"
Dumaan ang iritasyon sa kanyang mga mata bago muling inalis sa akin ang mga iyon.
"I'm tired, Audrey. Gusto kong umuwi at magpahinga."
"Bago 'yan, ah. Tuwing nagpupunta ka sa lugar na ito, may inuuwi kang babae sa bahay. Anong nangyari doon sa babaeng kasama mo kanina? Hindi mo type? Hindi ba magaling humalik?"
"Sasabay ka ba o hindi?"
Umiling ako.
"No, thank you. Baka mamaya may kapalit pa 'yan. Huwag na lang."
Tiningnan niya ako ng matalim bago umiling-iling.
"Ikaw ang bahala," aniya at nagsimula nang maglakad papunta sa kanyang sasakyan.
Napairap ako nang nakasakay na siya sa sasakyan niya at sinimulan na iyong paandarin.
What the fvck! Hindi man lang ako pinilit! Wala talagang kwenta ang lalaking iyon! Pero kung sa bagay, ayoko din naman talagang sumabay sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang presensya niya. Mas gugustuhin kong mag cab na lang kaysa sumabay sa kanya. Saka ayoko ngang sumakay sa sasakyan niya, kung sino-sinong babae ang naisakay niya doon. Mamaya, kung ano pa ang mga pinaggagawa nila ng babae niya do'n.
Ew! Huwag na lang. Sa susunod, dadalhin ko na lang ang sasakyan ko. Akala ko kasi uuwi ako ng lasing ngayong gabi kaya hindi na ako nagdala ng sasakyan.