“Doc. jerry..” sambit ng kanyang ama at hindi naman makapagsalita si Daniel at Maurielle. Wala namang reaksiyon ang mukha ni Dana na nakatayo lang sa tabi ng Doktor. “Long time no see Mr.Dela fuente.” Wika ng doktor sabay lapit kay Ferdie at nakipagkamay. Tipid namang ngumiti ito at tinugon ang doktor. Bahagya pa siyang napatingin kay Dana na humakbang malapit sa hagdan at tinitingnan silang dalawa. “What brings you here Doc.? hindi ka man lang nagsabi na dadalaw ka dito.” Tugon ni ferdie kay Doc.jerry at napangiti naman ang doktor. “Actually it’s not my plan. Kaya lang ay sa di inaasahan ay nagkita kami nitong anak mo at nakisuyo sa akin kung pwede ko siya ihatid dito sa bahay niyo dahil naiwan daw niya ang kotse niya. kakabalik ko lang din galing ng Vancouver. Kamusta na ang sakit mo? Ma

