Pagdating nila marco sa mansyon ay sabay na silang pumasok sa bahay at nadatnan nila ang kanilang mga magulang na naghahanda na para sa dinner. Napalingon naman sa kanila ang kanilang ina ng pumasok sila sa pinto at biglang sumigla ang mukha ng kanyang ina ng makita si Marco at patakbong lumapit dito. “Anak..i’m so glad you’re here. nag-alala ako sayo. pumayat ka anak.” Sambit ng kanyang ina at niyakap naman niya ito ng mahigpit. Somehow, he misses his mothers’ touch. Habang yakap naman niya ang kanyang mommy ay nilingon lang siya saglit ng kanyang ama at agad din humarap sa table. Pansin naman ni Marco na iba ang pakikitungo sa kanya ng kanyang ama ngayon. dahil na rin sa mga nangyayari kaya galit ang kanyang ama. Bumitaw naman siya sa kanyang ina at humalik naman si Maxine sa kanyang ina

