Dahan-dahan lumingon si Patsie at nakita niya si Alfred at Maxine. Lumapit naman si alfred at inabot kay Dana ang hawak nitong papel. “This is your script.” Sambit ni Alfred at hindi nakagalaw si Patsie habang nakatingin kay Maxine. Bahagya namang humarap si Alfred kay Patsie at nagulat ito at nanlaki ang mata nang makita si Maxine. “Max..” sambit ni Alfred. Hindi naman napigilan ni Maxine ang kanyang emosyon at patakbong umalis ng conference room. mabilis naman siyang hinabol ni Alfred at naiwan sa room si Dana at patsie. “So, we’re even now.” Wika ni Dana at nilagpasan si patsie at diretsong lumabas ng kwarto. Hindi na nagawa pa ni Patsie na sagutin si Dana dahil sa gulat niya. hinabol naman ni Alfred si Maxine at hinawakan niya sa braso si maxine. “Max..wait! let me explain..” wika ni A

