Maagang nagising si Marco dahil sa sigaw na naririnig niya galing kay Dana. bumangon siya agad at nilapitan ang asawa. Sumisigaw at pinaghahampas ang kamay sa hangin habang nakapikit ito. napapanaginipan niyang hinahalikan siya ni Marco ng sapilitan. Sinubukan naman ni Marco na gisingin ang asawa. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Dana para gisingin. “Dana wake up..Dan..” gising nito at biglang dumilat ito at nagulat sa mukha ni Marco. Mabilis na napabangon si Dana. “hey! Pervert.” At itinulak niya si marco sa kama at nahulog sa sahig. “Araay ko..ano bang problema mo?” mabilis namang bumaba at patakbong lalabas si Dana sa kwarto dahil ang akala niya ay totoong hinahalikan siya ni Marco. Lalabas na sana siya ng kwarto ng harangan ni Marco ang pinto at napahinto si Dana. takot na takot naman ang mukha nito at tumakbo ulit papunta ng banyo pero hinabol siya ni Marco at niyakap sa likod. Nagsisisigaw naman si Dana. “Let me go!. Help!.help me..please!” iniharap naman siya ni Marco. “Stop! Why are you screaming? You’ll startle the entire hotel. I didn’t do anything to you.” Paliwanag ni Marco pero kinagat siya ni Dana sa braso kaya nabitawan niya ito. “Liar!” napahawak naman sa kanyang braso si Marco at naiinis na. “Hey! You hurt me twice already!” hingal na hingal naman si Dana. “Because you were going to r**e me!” singhal ni Dana. napakunot noo naman si Marco. “Sira ka ba? how could i r**e you? Natutulog ako kanina at narinig kitang sumisigaw kaya nilapitan kita para gisingin ka. You’re just having a nightmare.” Tugon ni Marco at natigilan si Dana. “Nightmare?” tanong nito. Napanganga namang nakatingin sa kanya si Marco at napatayo ng tuwid. Nag-aalangan naman ang mukha ni Dana sa pag-iisip. “Maybe.. probably a nightmare.” Napatingin naman siya kay Marco ng bumuntong hininga ito. Hiyang-hiya namang napaupo sa couch si Dana. “Well, I had a nightmare because of you! You made me mistrust you.” Dugtong pa niya at lumapit sa kanya si Marco. “What? Anong ginawa ko?” tumingin naman ng diretso sa kanya si Dana. “If you didn’t lie to me. I wouldn’t be doubtful and mistrust you.” Tumayo naman si Dana at napaatras si Marco. “Dahil sayo..dahil sayo kaya ako nananaginip ng masama. You made me like this! You caused me nightmare!.” Pinaghahampas naman niya ng kanyang kamay si marco. “Hey Dan..stop! I said stop! And listen to me. I didn’t intended to lie to you. Ayoko lang na isipin mo na dahil magkapatid kami ni Maxine ay katulad din niya ako sayo. Ayoko lang maapektuhan ang nasimulan nating pagkakaibigan dahil sa away niyo ng kapatid ko. that’s why di ko na sinasabi sayo ang totoo.” Nanlalaki naman ang mata ni Dana sa inis. Hindi na ito nagsalita pa at lumakad papunta ng banyo. Nakasunod lang na nakatingin sa kanya si Marco. Mahigit isang oras ding nasa banyo si Dana ng lumabas ito. Nasa gilid naman ng pinto si Marco at naka cross ang kamay sa dibdib habang nakasandal sa pader. Nagulat naman si Dana ng makita ang Asawa at mabilis na lumabas sa banyo. “why are you waiting here?” napahawak naman siya sa kanyang bathrobe. Nakatingin lang sa kanya si Marco. “waiting for you to finished showering. Para makaligo na rin ako.” Habang papalapit sa kanya si Marco at napaatras siya. “Kung pumasok ako na hindi ka pa tapos maligo baka pagbintangan mo na naman ako.” Dugtong pa niya pero kunwaring hindi affected si Dana at nagtaas pa ng kilay at pinagcross ang kanyang kamay sa dibdib. “Well, being careful is how i guard myself. You should learn it, My husband.” Taray nito na may dalang pang-iinis. Lumapit naman ng konti si Marco at inilalayo ni Dana ang mukha nito dahil sobrang lapit na ng mukha ni marco. “Kung ganun.. kapag ba lumayo ako sayo ng 5 meters babalik ulit ang tiwala mo sa akin? My wife.” Ganti naman ni Marco at napapakagat ng kanyang labi si Dana sa inis. Saka itinulak niya si Marco. “lumayo ka nga sa akin. Maligo ka na!” At tinungo ni Dana ang closet para makapagbihis na. Natatawa namang nakatingin sa kanya si Marco. “Wait for me to finish my shower and get dressed. So we can go get breakfast and then go our own way to work.” Nilingon naman siya ni Dana. “No need. I can go by myself. I can find breakfast by myself at the agency. If no one sees then there’s no reason to pretend and act like couples having breakfast together.” Sambit ni Dana at tumalikod agad. “Wait.” Napatigil naman si Dana pero hindi niya nilingon si Marco. “Ano?!” tugon niya. “Punit ang likod ng bathrobe mo.” tukso ni Marco at tumawa bago siya pumasok ng banyo para maligo. Nanlaki naman ang mata ni Dana at agad na tiningnan sa salamin ang kanyang likod. Wala namang nakitang punit si Dana at inis na napasigaw. “Wala namang punit eh. Sira ulo ka talaga!” tawang-tawa namang pumasok sa banyo si Marco. Pagkalabas ni marco sa banyo ay wala na sa kwarto si Dana. nauna na itong umalis ng hotel at pumunta sa Agency. Pagdating ni Dana sa Agency ay naabutan niya si Alfred na nakaupo sa lobby na nakaupo. Agad itong tumayo ng makita niya si Dana. “Dan..” sambit niya habang papalapit ito sa kanya. Pero naglakad agad papasok ng elevator si Dana ng hawakan siya nito sa kamay. “Dan..please talk to me first.” Napahinto naman si Dana at nilingon siya. hinatak naman niya ang kanyang kamay. “You leave or i’ll call the security? Stop bothering me Alfred. I had so much problem because of you at ayoko ng maulit pa iyon. Please! Just leave.” Pakiusap naman ni Dana pero nananatili pa rin sa kanyang kinatatayuan si Alfred. Napansin naman ni Dana ang stressed na mukha ni Alfred at mukha na itong ermitanyo dahil sa haba ng kanyang balbas. “Dan..i know i caused you so much problem and i really sorry for that. I just can’t stop my feelings about you. Even we’re not lovers, but i don’t want to lose the friendship between us. If i need to beg for you to forgive me i’ll be willing.” Naawa namang nakatingin si Dana kay Alfred. Kasalukuyan namang papunta ng Agency si Marco para ibigay ang cellphone ni Dana dahil naiwan niya ito sa kanilang kwarto. “Anong ba ang kailangan mo sa akin? Sabihin mo na. May trabaho pa ako.” Lumapit naman si Alfred at hinawakan ang kamay ni Dana. “Dan.. i just want you to know that i don’t love Maxine. Pinilit lang ako ng daddy ko na pakasalan siya. Ikaw ang gusto ko Dan..ikaw lang..” hinatak naman ulit ni Dana ang kamay niya. “Why are you telling me this? Wala akong pakialam sa inyong dalawa ni maxine and stop associating with me. Masyado nang nagulo ang buhay ko dahil sayo, dahil sa inyo ni Maxine. And stop doing this to me Alfred dahil kahit anong gawin mo hindi kita magugustuhan and I’m married.” Sambit ni Dana at ipinakita nito ang suot niyang singsing. Napatingin naman si Alfred sa singsing at agad na ibinaling ang tingin kay Dana. “NO, it’s not true.” Napaatras naman si Alfred. “Hindi kita pipiliting maniwala sa akin. But I just got married yesterday. And please, tigilan mo na ako.” At tumalikod na si Dana. papasok naman ng lobby si Marco ng makita niyang si Dana at Alfred sa harap ng elevator. At pilit na niyayakap ni Alfred si Dana. patakbo namang humakbang si Marco papunta sa kanila at hinatak si Dana at inakay palabas ng building. “Hey, i’m still talking to her. Stop! Let go of her.” Agad na hinawakan ni Alfred ang kamay ni Dana kaya napatigil sila sa paglakad. Inis namang iniwaksi ni Marco ang kamay ni Alfred sa pagkakahawak ky Dana. nakatingin naman sa kanila ang ibang staffs at ang iba ay kumukuha ng pictures at video. “Let go of her. Dana is my wife. you don’t have the rights to order me.” Galit na dinuro naman ni Marco si Alfred. “Marco. Wala akong pakialam kong asawa ka niya. gusto ko siyang makausap kaya huwag kang makialam.” Binitawan naman ni Marco ang kamay ni Dana at lumapit kay alfred. “Gusto mong kausapin ang asawa ko pero wala kang balak kausapin ang kapatid ko? you’re making my sister miserable dahil sa kagaguhan mo. Niloko mo ang kapatid ko tapos ngayon ang asawa ko na naman ang guguluhin mo? you think you can come and go whenever you want? Or ask anything you want? You’re selfish!” singhal ni Marco at dinuro ulit si Alfred. “Don’t talk so much! I will talk to Dana.” akma namang lalapit si Alfred kay Dana pero itinulak siya ni Marco palayo. “I won’t let Dana get involved with you again. And you have to repent to my sister for what you did to her. Or else..ako ang makakabangga mo.” Pagbabanta ni marco. “I don’t want to talk to you at wala kaming dapat pag-usapan ni Maxine.” Pinipilit pa ring lumapit ni Alfred kay Dana. itinulak siya ni Marco ng malakas kaya napasandal siya sa pader. Awang-awa namang nakatingin si Dana kay Alfred. Akma namang susuntukin ni Marco si Alfred pero mabilis siyang hinawakan ni Dana sa braso at napalingon siya sa asawa. Nakatingin naman sa kanya si Dana na umiiling. Nagpigil naman si Marco at nilingon ulit si Alfred. “i’m warning you. Stop messing with my wife. And you need to solve your problem with my sister. Stop involving Dana. she has nothing to do with you.” Nagpupumilit pa ring makalapit si Alfred kay Dana.. “Dan, please let’s talk.” Hindi naman nakapagpigil si Marco at sinuntok niya si Alfred. Napahawak naman sa kanyang panga si Alfred at mabilis na sinugod si Marco para gumanti ng suntok pero hindi niya ito tinamaan. Hinawakan ni Marco ang isang kamay ni Alfred at inilagay sa likod kaya nahihirapan itong gumalaw. Nagsisisigaw naman ng tulong si Dana para awatin ang dalawa. Maya-maya pa ay dumating ang security at lumapit ang ibang staffs ng agency at inawat agad silang dalawa. Hinatak naman ni Dana ang kanyang asawa at hinawakan nila palabas sa building si Alfred. Hinarap naman ni Marco ang asawa. “Hey! Are you okay?” tanong ni Dana. “Yes. You? Are you okay?” tumango naman si Dana. pumasok naman sa dressing room sina Dana at Marco para mag-usap. “Bakit mo sinuntok yung tao? Hindi naman dapat umabot sa ganun. Isa pa gusto lang siguro talaga niyang makipag-usap ng maayos.hinayaan mo na lang sana para matapos na ito.” sambit ni Dana. “Makipag-usap? Hindi lang basta makipag-usap ang pakay niya sayo. hindi mo ba nakikita kung gaano siya ka obsessed sayo. he even left my sister alone in their house. At hindi ako papayag na lumapit siya ulit sayo.” tugon ni Marco habang nakapameywang siya at nagpipigil ng galit dahil sa ginawa ni Alfred. kumatok naman sa pinto si Diana at pumasok. Napatingin naman sa kanya ang mag-asawa. “Excuse me. Pero may leaked photo na naman.” Ini-abot naman ni Diana ang kanyang cellphone kay Marco para ipakita ang picture ni Dana habang yakap ni Alfred. Napapikit naman siya ng makita ang picture at iniharap kay Dana. “look at this.” Natigilan naman si Dana at napaangat ng tingin sa asawa. Binalik naman ni Marco ang cellphone ni Diana at agad na lumabas ng kwarto ang assistant. “Even if i’m not your real husband, i won’t lose dignity for other to laugh at me that you’re cheating on me. You choose. you will listen to me and continue playing this act, or you really want to talk to Alfred and call off the agreement here?” hindi naman nakapagsalita si Dana habang nakatingin sa kanya. Minabuti na lang niyang lumabas ng kwarto para matigil na ang kanilang pagtatalo. Naiwan naman sa loob ng kwarto si Marco na napapasipa sa inis.