Matapos yakapin ng kanyang mga magulang ay nagpaalam muna si Dana sa mga ito at nilapitan ang mga malalapit na kaibigan niya para yakapin pati ang kanyang mga boss. Ilang sandali siyang nakipag-usap sa kanyang mga bisita nang makita niya si Maxine at nilapitan niya ito na nakatayo sa may table sa likod kaya nagpalaam muna siya. Habang papalapit naman sa kanya si Dana ay nginitian siya ni Maxine at tinugon naman iyon ni Dana. “Hey!” sambit ni Dana at niyakap si Maxine. It’s too awkward for them but its good to see na okay na sila ngayon. “Mukhang buo na talaga ang desisyon mong iwan ang lahat dito.” Wika ni Maxine at napangiti naman ng tipid si Dana at napayuko. “Masyado na ring maraming nangyari and I want to start my life abroad again. By the way, andito ka rin lang. I would also like to

