Pagkatapos ipaalam ni Dana ang kanyang desisyon sa kanyang mga magulang ay kinausap siya ng kanyang kapatid. Nasa loob ng bahay ang kanilang mga magulang. May kausap sa telepono ang kanilang ama at ang kanilang ina naman ay naghanda ng kanilang hapunan kasama si jelly. Nakatayo sa pool side si Dana at nagcross ng kanyang kamay sa dibdib habang nakatingin sa tubig. “sigurado ka na ba sa desisyon mo? Hindi madaling mamuhay ng mag-isa sa ibang bansa. And that baby, hindi madaling maging single mom Dan. Why don’t you just tell him about the child.? May karapatan din siya sa bata.” Wika ng kanyang kapatid at napalingon naman siya dito. “Kuya. Nag-usap na tayo tungkol diyan hindi ba? Ayoko! Maghihiwalay na rin kami. Mabuti na rin ang ganito na wala siyang alam tungkol sa bata. Hindi niya na kai

