Pagkatapos namin ipaalam sa mga magulang namin ang aming planong pagpapakasal ay nagpasya din kaming magpatawag ng press conference sa aming hotel para pormal na i-announce ang kasal namin ni Marco. Nasa kwarto ako ng hotel at nakatingin sa window habang iniisip ang mga sasabihin ko sa press nang biglang pumasok si Marco at papalapit sa akin. “Are you ready?” he ask at napalingon ako sa kanya. “What will i do? Hindi ako sanay magsinungaling sa harap ng maraming tao.” Tugon ko. “Kailangan mo lang kalmahin ang sarili mo. Just act normal. Don’t worry, andito lang ako.” Sabay hawak niya sa kamay ko. sa sobrang kaba ko ay nanlalamig ang kamay ko. “Relax.. Sandali lang naman ‘to. Kailangan lang natin itong gawin para matigil na ang lahat ng doubts nila sayo, sa atin.” Napatingin naman ako sa kanyang mga mata. “But don’t be afraid. Just hold my hand and think that we’re real couple.” I stared at him and he’s eyes is telling me to trust him. Ilang sandali pa kaming nagtitigan bago kami nagpasyang lumabas ng kwarto papunta sa mga press. Hawak kamay kaming pumasok sa venue at andoon din sina Dino at Diana. Umupo din kami agad at humarap sa press. “Why there is a sudden announcement about your wedding when there’s no news about you two are dating?” tanong ng reporter. “Well. Dana and I know each other for months now.” Sagot ni Marco. Nanatili lang ako tahimik at hinahayaan lang siyang sagutin ang mga tanong. “and how long have you been dating?” tanong ulit ng reporter. “Since we first Met.” Naalala naman ni Marco nang una niyang makita si Dana sa isang restaurant at agad na nakuha ng dalaga ang atensyon niya. “so It means, it’s love at first sight, right?” napatingin naman ako sa kanya. “I never knew what love at first sight was, until i met the woman name Dana Marie.” Sagot ni Marco at nilingon niya ako kaya nagsalubong ang mga mata namin. Masaya naman at tumango-tango ang mga reporters sa sagot niya. hindi ko akalaing magaling pala siyang gumawa ng kwento. Nakatingin pa rin siya sa akin at nagsalita. “I don’t know if it was fate or what that made me meet you by coincidence. You stole my heart immediately.” Di ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng sincerity sa mga sinabi niya that i almost forgot na galit ako sa kanya and he’s Maxine’s Brother. He grab my hand again at hinalikan sa harap ng mga reporters. my heart melts from what he does. Kinikilig naman sa gilid si Diana at napahawak sa braso ni Dino na kinikilig din. Kasalukuyan namang nakaupo sa gilid si Maxine at nag disguise lamang ito para makinig sa announcement ng dalawa. “Dated for a months? Kaya naman pala lagi niyang pinagtatanggol ang babaeng yan dahil may relasyon sila. Napaka walang hiyang babae. Inakit na niya ang asawa ko pati ang kuya ko inakit niya pa.” Inis na bulong ni Maxine at galit na nakatingin sa dalaga habang nakaupo ito sa harapan. “then why did you have to hide your relationship?” “Yes. Why conceal it? There’s even a gossip that you Ms. Dana is having an affair with Alfred Montilibano who is the husband of your boyfriend’s sister Maxine Sandoval.” Napaupo naman ako ng maayos at napatingin sa akin si Marco. “Is that true Ms. Dana?” “please answer..” nagkakagulo naman ang mga reporters. lumunok naman muna ako bago sumagot. “You conclude that just from leaked video? That’s not true. Alfred and I are just friends and we don’t have relationship.” Sagot ko. nahalata naman ni marco na naiinis ang mukha ko kaya hinawakan niya ang kamay ko para pigilan at hinarap niya ulit ang media. “Ako ang boyfriend ni Dana kaya alam ko kung ano ang totoo. Wala silang relasyon ng Brother in law ko. hindi na rin namin pinapatulan ang issue dahil wala naman talagang katotohanan iyon. At isa pa. Busy kaming pareho ni Dana para magbigay ng comment sa mga nangyayari. Everyone knows that i do business and Dana has a busy schedules. And we hardly make interview or give press conference so that we decided not to press the issue. So this is how it is.” Nakahinga naman ako ng mabuti sa dinahilan ni Marco at ngumiti. “Yes. That’s why we decided to get married para matigil na rin ang mga false accusations sa akin.” Pahayag ko naman. “Since andito na rin naman kayo. Ako at si Dana ay masayang ipapaalam sa inyo na we’re going to get Married nextweek. And we hope that you will congratulate us.” Dugtong naman ni Marco at nagpalakpakan ang mga reporters at kitang satisfied naman sila sa mga sinagot namin. Inis namang umalis si Maxine sa loob at nagdadabog palabas. Lumabas din kami agad at bumalik sa kwarto kasama sina Dino at Diana. “oh my god Dana..hindi ko akalain na magkakatuluyan kayo ni sir Marco.” Sambit ni Dino. “Pasensya ka na kung hindi ko sinabi sayo. nahihiya kasi akong sabihin. Hindi ka naman kasi sanay na may karelasyon ako.” kunwari ko naman. “Ok lang yon ang importante ay Alam na ng lahat at nalinis mo na rin ang pangalan mo sa lahat ng ibinibintang nila sayo na hindi totoo.” Ganti naman ni Dino. Tahimik lang namang nakamasid sa amin si Marco. Pagkatapos ng Press conference ay nagpahatid na rin ako sa bahay para makapagpahinga dahil sumakit ang ulo ko. Ilang araw na ang lumipas nang ipaalam nila Marco sa publiko ang plano nilang pagpapakasal. Papunta ng Shop ni Allison si Dana para isukat ang damit na susuotin niya sa kasal nila ni Marco. Paalis naman ng Bahay si Marco nang tawagan niya si Dana. “Hello..Saan ka na? Yes..sa shop ni Allison? Ok sige..pupunta muna ako ng Batangas para bisitahin ang site, babalik din ako mamayang hapon. Magkita na lang tayo sa hotel.” Sambit ni Marco habang kausap si Dana sa phone. Narinig naman ni Maxine ang sabi ng kanyang kuya habang nasa Dining area siya. Bumalik naman ang binata sa batangas para bisitahin ulit ang site. Maya-maya pa ay umakyat si Maxine sa kanyang kwarto para kunin ang susi ng kanyang sasakyan at agad na umalis ng bahay para sundan si Dana sa shop ni Allison. Pagkarating ko sa shop ni Allison ay inabutan ko siyang inaayos ang dress na susuotin ko. “Alli..” nilingon naman niya ako. “Dan...ikaw ha, hindi mo naman sinasabi sa akin na nagkakamabutihan na pala kayo ni Marco. Ginulat mo naman kami sa pagpapakasal niyo.” Habang papalapit siya sa akin at nagbeso. Umupo naman ako sa couch at nilapag ang purse ko sa table. “We want our relationship to be private Alli..kilala mo naman ako.” Napanguso naman siyang napahawak sa beywang niya. “Kaya naman pala di mo pinapatulan ang mga issue sayo. pero bakit ngayon niyo lang in-announced ang relasyon niyo? Tsaka alam mo na ba dati pa na magkapatid sila ni Maxine?” tanong ni Alli at napahinto naman ako sa pagkuha ng phone ko sa purse. Kung alam ko lang na magkapatid sila hindi ko hahayaang makalapit sa akin si Marco. Sa isip ko. “Yes. But Maxine doesn’t know about us. Itinago namin sa kanya dahil alam naming magwawala siya na may relasyon kami ng kapatid niya.” pagsisinungaling ko. “Kita naman din sa video ang gulat ni maxine ng sabihin ni Marco ang tungkol sa pagpapakasal niyo. Para siyang sinabugan ng bomba.” Tumayo naman ako at lumapit sa Dress. “huwag na lang natin pag-usapan yan Alli.. Ok na ba ‘to?” tukoy ko sa dress. “Oh yes..sinimplehan ko lang. Civil wedding lang naman di ba? asan nga pala si Marco?” sinulyapan ko naman siya habang hinahawakan ko ang dress. “Pumunta siya ng Batangas to visit their construction site. Babalik din siya mamayang hapon.” Tugon ko. “Gusto mo na ba isukat ang dress?” tanong niya. “Huwag na muna..” “Ok. May ibang lakad ka pa ba?” she ask. “Yes..gusto ko sana magpunta ng Gym ngayon. matagal na rin akong di nakakapunta.” Sagot ko. nag-ring naman ang phone ko at tumatawag si Karina. “Hello Rina. Napatawag ka?” dinig ko naman ang buntong-hininga niya. “Baka naman may gusto kang sabihin sa amin Dan.. about the wedding?” lumayo naman muna ako ky alli. “I’m sorry kung nabigla ko kayo. Sasabihin ko naman talaga kaya lang ay marami akong iniisip nitong nakaraang araw. Isa pa nasa probinsya kayo. Asan na ba kayo?” pagdadahilan ko naman. Alam kong hindi maniniwala agad si Karina sa akin dahil kilala niya ako. Never pa ako naglihim sa kanya. “Pabalik na kami ng Manila. Magkita na lang tayo d’yan. Kailangan mong ipaliwanag sa akin ang nangyayari.” Karina said at napapikit na lang ako dahil siguradong mahihirapan akong paniwalain siya. Naputol din agad ang usapan namin at agad akong nagpaalam kay Allison na aalis na at magkikita kami ni karina. “Aalis na ako. Balik na lang ulit ako bukas. Magkikita kami ni Karina ngayon.” paalam ko sabay dampot ko sa purse ko. “Akala ko ba ay sa gym ka pupunta?” “saka na.. alam mo naman si Karina. Sige alis na ako.” Paalis na si Dana ng dumating sa shop ni Allison si Maxine at pumarada sa kabilang kanto. Hindi nito sinakyan ang kanyang kotse sa halip ay nag rent a car siya para hindi siya makilala ni Dana habang sumusunod sa kanya. Mabilis namang tinungo ni Dana ang kanilang hotel para hintayin doon si Karina at Francis. Ilang sandali pa ay dumating na rin sila at lumapit sa table ko. “Hey..” pansin ko at tumayo ako para makipagbeso saka kami naupong tatlo. “Ginulat niyo naman kami sa announcement niyo ni Marco Dan.. in fairness, ang galing niyong magtago. Ni hindi man lang namin napansin na may relasyon na pala kayo.” Si francis. At nakatingin lang sa akin si Karina. “Pasensya na.sasabihin naman talaga namin kaya lang naghahanap lang kami ng tamang tiyempo. Alam niyo naman na ang daming lumalabas na issue.” Tugon ko. “Kaya naman pala parang wala lang sayo ang mga issue at di ka affected. By the way, congratulations. Masaya ako para sa inyo ng kaibigan ko and finally ikakasal ka na rin. Naunahan niyo pa kami ni Karina.” Biro naman ni Francis at tumawa si Dana. nasulyapan naman niya na kanina pa nakatingin sa kanya si Karina. “What?!” pinanliitan naman siya ng mata ni Karina. “Hindi ko alam na magaling ka rin pala magtago ng sekreto..ang akala ko ay wala ka ng balak mag-asawa. Pero masaya ako para sayo Dan.. naunahan mo pa ako.” Tukso naman ni Karina at lumapit siya sa akin at niyakap ako sa likod. Nagulat ako na ganun lang ang reaksyon ni karina. Ang akala ko ay mahihirapan akong kumbinsihin siya. Hindi na namin namalayan ang oras dahil napasarap ang kwentuhan namin ng mapansin ni Francis na it was already 4pm na at may ibang pupuntahan pa sila. Sabay naman kaming lumabas ng hotel ..una ng nagpaalam sina Karina at sumakay na sa kanilang sasakyan dahil nasa harap lang ito ng entrance at ang kotse ko ay nasa kabilang side pa. Papatawid na sana ako nang may biglang paparating na kotse at sobrang bilis ng takbo. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw at nakaalis sa kinatatayuan ko at nabundol ako. Napasigaw naman sa loob ng sasakyan si karina ng makita niyang nabundol si Dana at mabilis silang lumabas ni Francis sa kanilang sasakyan at tumakbo papunta sa kaibigan. mabilis namang humarurot ang kotseng bumangga kay Dana paalis sa lugar na iyon.