Bumalik na sa kanilang bahay si Dana. Pagdating nito sa bahay ay wala pa ang kanyang parents na dumalo sa birthday ng family friend nila. Habang sa mansyon naman ng mga Sandoval ay nakaupo sa living room ang mag-amang Antonio at Marco at masayang nag-uusap ng biglang dumating si Maxine na nakasimangot at nagdadabog na umupo sa tabi ng kanyang kapatid. “Hey! Why are look so pissed?” Tanong ni marco. Nilingon naman niya ang kapatid nito. “May nakakainis lang na model sa event kanina. She ruined my mood!.” Nakasandal naman ito sa upuan at hindi maipinta ang mukha. “yan ang napapala mo d'yan sa pinili mong career. Kung inaasikaso mo lang sana ang ibang business natin hindi ka sana nagkakaganyan..tingnan mo nga yang sarili mo, stress na ang mukha mo dahil d'yan sa mga fashion show na yan. ” sermon naman ng kanyang daddy Antonio. Bumuntong hining naman ito sa sermon sa kanya. “But dad. You can't force anyone lalo na sa mga gusto nilang gawin. Hindi lang talaga linya ni Maxine ang family business natin. At isa pa, she's happy with what she's doing.” Pagtatangol naman ni marco sa kapatid at napangiti naman si maxine. “Oo nga dad. Dapat maging happy ka na lang for me. Buti pa si kuya naaappreciate ako. ” pagtatampo naman nito sa ama. “Happy? Mukha bang happy yang itsura mo ngayon? Eh mukhang pasan mo ang buong mundo sa itsura mo.” dugtong naman ng ama. “I’m just tired dad.” Sagot naman nito at nilingon naman siya ni marco na nakasimangot na naman. “O siya-siya! Kamusta naman ang plano niyo ni alfred sa engagement niyo? Bakit niyo pa yan pinapatagal?” dad asked.. “We’re already planning dad. Tsaka kakarating lang ni alfred sa bansa. I'm just giving him time to rest first. ” tinitigan naman siya ng kanyang ama. “Nagsasayang lang kayo ng oras niyo. I want your engagement with him as soon as possible.” Utos ng kanyang ama. “bakit niyo ba kami minamadali dad? Isa pa.. ikaw kuya kailan mo ba balak mag-asawa? Ni wala ka pa pinapakilala sa amin. ” baling naman nito sa kapatid at napailing naman si marco. “Ako na naman ang nakita mo. ” sagot ni marco. “Oo nga naman anak. Dapat mag-asawa ka na rin. Sandali.. may girlfriend ka na ba anak? ” dad asked me at napalingon naman ako sa kanya. “Soon dad ipapakilala ko siya sa inyo. ” sagot ko na lang kahit ang totoo ay wala naman talaga akong girlfriend para hindi na nila ako kulitin. “So may girlfriend ka na nga?” nakangiting tanong naman ni maxine pero ngumiti lang ang kapatid nito.. “kung ganun eh gusto kong makilala yang maswerteng babaeng nagustuhan mo anak. I want to meet her as soon as possible.” Sambit ng kanyang ama. “Yes dad. ” habang nakatingin lang ako sa kanya. Lumapit naman agad si mommy sa amin. “Dinner is ready. ” tumayo naman kaming tatlo at sumunod na sa dining area at nag-umpisa ng kumain. Habang si Dana naman ay nakaupo sa couch sa kanyang kwarto at nagche-check ng kanyang email at pinag-iisipan kong tatanggapin ba niya ang alok ni Iñigo sa kanya sa New York. Hanggang sa hindi na muna niya ito sinagot at isinara ang kanyang laptop. Maya-maya pa ay bumaba na rin siya para mag dinner. Mag-isa lang siya kumain dahil wala ang kanyang mga magulang. Pagkatapos niyang kumain ay umakyat na rin ulit siya sa kanyang kwarto at nagbasa ng libro. Nakahiligan na niya ang magbasa ng libro simula pa noong bata pa siya kaya kapag wala siyang ginagawa ay nagbabasa na lang ito hanggang sa makaramdam na siya ng antok at itinabi na rin niya ang libro at nag-umpisang matulog.
Nagising naman sa tunog ng alarm clock nito si Dana at agad na dumilat. Hindi siya agad bumangon at nanatili lang siyang nakahiga habang nakatingin sa kisame. I grab my phone at my side table to check my schedule today. At may schedule nga ako para isukat ang gown na isusuot ko sa Opening ng isang Resort. Tumayo na rin ako agad at nagprepare. Pag baba ko sa living room ay nandoon si papa na may kausap sa phone. I just kissed him at dumiretso na ako sa dining area para mag breakfast. Busy na rin si mama sa kanyang mga alagang orchids sa kanyang garden. Agad naman akong nagpaalam kay papa pagkatapos kong kumain. “Pa. Aalis na po ako.” Napalingon naman si papa sa akin. “Mag-iingat ka.” Bilin niya at dumiretso na ako sa aking sasakyan at umalis na. Pagdating ko sa Office ng manager ko ay inabutan ko si Diana na inaayos ang Gown na isusuot ko. “Finally, you're here. ” sambit ni dino. “This is the dress you're wearing at the event tomorrow. Do you like it? ” nilapitan niya ito at pinagmayabang sa akin. It's a Shiny beaded sequined bodice open back silver dress. Umupo naman ako at nagandahan naman sa dress. “What do you think? ” tanong uli ni dino. “Well, it's nice.. I like it! ” sagot ko naman at natuwa si dino at diana sa sagot ko. “Naku dana.. alam mo ba yang may-ari ng resort na magbubukas bukas ay may anak na lalakeng galing ng england? Naku..napakaguapo! ” sambit ni Diana na kinikilig. I look at her and rolled my eyes. “ito naman..wala ka ba talagang balak mamansin sa mga lalake? ” tanong nito sa akin. “Diana.. I don't have time for boys. Okay? So please. Tigilan mo ako d'yan..” pagsusungit ko naman. “Hay naku! Tumigil ka na nga Diana. Dana is only focused to her career at hindi d'yan sa kung sino-sinong lalake lang. ” dugtong naman ni Dino. “O siya.. Halika ka na at isukat na natin ang Gown para malaman natin kung meron pang kailangan ipa-adjust.” Tumayo naman ako agad at isinukat ang damit. Wala namang problema at sakto lang sa akin ang dress kaya umalis na rin ako agad sa office ni dino at dumiretso sa Gym para magpalipas ng oras. Habang nasa treadmill ako ay may Gumamit naman sa katabing treadmill. “Oh..Dana.. Dito ka rin pala naggi-gym?.” It's Kamila Madrigal. One of my Competitor in modelling industry. “Well obviously, yes!” ngumiti naman ito ng tipid at nakataas naman ang isang kilay nito. “I heard ikaw ang Finale ng Fashion Show bukas sa Opening ng Resort ng mga Montelibano.” Sambit ni kamila. “Ang bilis mo talaga makasagap ng balita. No wonder kaya ka tinawag na Queen of Talk. ” napalingon naman ito kay Dana na napakagat ng labi. “I’ll go ahead. Nawalan na rin kasi ako ng gana mag gym.” Napanganga lang si kamila dito at umalis na rin si Dana. “Tssss... napaka-arogante. Hindi ka naman maganda. ” inis na sabi ni kamila. Kinabukasan ay dinaanan na lang ni Dino si Dana sa kanilang bahay para siguraduhing hindi ito male-late sa fashion show. .habang si Alfred ay paalis na rin papunta ng resort pero hindi nito kasama si Maxine dahil nasa ibang bansa ito para sa kanyang bagong Open na branch sa Hongkong. Pagdating naman sa venue ng event ay dumiretso na sila Dino at Dana sa Dressing room para makapag-ayos at nadatnan nito si Kamila kasama ang ibang models sa loob. “Oh..the Queen is here.!” Sambit ni kamila na nakataas ang kilay. “Oh... at may kasali pa lang naipit na pusa dito sa event. I should know. ” natigilan naman si kamila sa sumbat ni dana. Naipit na pusa ang tawag niya kay kamila dahil sa maliit nitong boses. At agad na tumalikod si dana at naupo sa kanyang upuan. Inis na inis naman si Kamila sa kanya at napatingin siya sa gown na gagamitin ni Dana. Let's see kung hanggang saan yang arogante mong ugali. Nag-umpisa na rin silang ayusan si Dana at ang ibang models ay nasa waiting area na kasama si Kamila at tanging si Dana na lang ang nasa loob ng pumasok muna siya sa comfort room at lumabas si Dino para kausapin ang Organizer ng event. Inutusan at binayaran naman ni Kamila ang isang make-up artist na kunin ang susuoting gown ni Dana at alisin sa venue, ganti nito sa dalaga. Nang lumabas si Dana sa comfort room ay wala na ang Gown na susuotin niya. “Happy…..” tawag nito sa make-up artist niya. “Yes. Ms. Dana? ” patakbong sagot naman nito. “Where is my Gown? ” napatingin naman ang make-up artist sa Mannequin at wala na nga doon ang Gown.. napanganga lang ito at tumingin kay dana. “Kanina lang po andyan yung gown.” Napapikit naman si Dana sa galit. “Well it's not here anymore.” singhal nito sa make-up artist at patakbo namang pumasok sa dressing room si dino. “What is happening?” tanong ni dino at inabutan niya si Dana na galit na galit at nakayuko lang ang make-up artist. “My Gown is missing.” Dana said. Napatingin naman si dino sa Mannequin at wala na nga ang gown. “Sino ang kumuha ng gown?” sigaw ni dino at nilingon ang make-up artist “Hindi ko po alam sir Dino. Nasa labas na po ako kanina. Si Ms. Dana na lang po ang tao dito sa dressing room kanina. ” napatingin naman si Dana sa kanya. “I went to Comfort room at paglabas ko wala na ang Gown.” Inis naupo si Dana. Pumasok naman ang Organizer para magbigay ng signal na mag-uumpisa na ang show. “Paano ako lalabas kung wala akong gown?” galit na sabi ni Dana. “Ok, ok...kalma na muna tayo ngayon mamaya na natin hanapin ang gown. Ang extra gown na lang sa sasakyan ang suotin mo.” agad na lumabas si Dino at tinungo ang kanyang sasakyan kasama si Happy para kunin ang gown. Mabuti na lang at lagi itong may dalang extra sa kanyang sasakyan. Nag-umpisa na rin maglabasan ang mga models sa runway at tuwang-tuwa naman ang mga bisita. Hanggang sa Finale na at lumabas na si Dana. Suot nito ang sexy plunging V-neck beaded Champagne tulle Gown. Napanganga naman si Kamila ng makita niyang nakagawa pa rin ng paraan si Dana kahit inalis niya ang susuotin nitong gown. Palakpakan naman ang mga panauhin sa paglabas ni Dana at natulala naman ang binatang si Alfred ng makita muli ang dalagang si Dana. Nang magkasalubong sila Dana at kamila sa runway ay binigyan ni Dana ng matalim at pang-inis na ngiti si Kamila. Pilit na ngiti naman siya kay dana kahit gustong-gusto na niya sumigaw. Nakasunod lang ang paningin ni alfred sa modelo at nakangiti. She's really beautiful. Sa isip nito. Huminto si Dana sa gitna ng runway at lumabas lahat ng models sa likod nito. Hudyat ng pagtatapos ng fashion show at agad na nagsitayuan ang mga bisita at nagpalakpakan. Hindi naman maikakailang may pagtingin ang binatang si Alfred sa modelang si Dana dahil sa pagtitig nito rito. Pagkapasok naman ng mga models sa dressing room ay hinablot ni Dana si Kamila. “Hey! What's wrong with you?” Tanong ni kamila na hawak ni dana ang kanyang braso. “You think you can pull me down? Stop dreaming.” Hinatak naman ni kamila ang braso nito at nakatingin lang sa kanila ang ibang models. “I don't know what you're talking about.” Pagmamalinis naman ni kamila. “Oh..really? You think I don't know? ” tumuwid naman ng tayo si kamila at nagtaas noo. “You’re accusing me that I took your dress didn't you? ” nagcross naman ng kamay si Dana at lumapit kay kamila. “ My gown is missing because of a backstabbing b***h. Who likes to steal from others? There's a lot of coward these days. And Use other people as a tool to their dirty methods.” Inis at binigyan naman ng matalim na tingin ni kamila si dana. “Hey! Don't accuse me.” “Oh…you're doing this because I'm more famous than you that you intended to be.” taray naman ni dana dito. Napatawa naman si kamila sa sambit ni dana. “More famous than me?..Oh come on dana..” patawang sabi ni kamila. “If I'm not, then you wouldn't be shaking like this much.” Sagot naman ni dana na nakataas ang kilay at di natitinag sa kanyang posisyon. Di naman nakapagtimpi si kamila at akmang sasampalin si Dana pero sinalubong nito ang kamay ni kamila at hinawakan. “Don’t pick a fight with me kamila. Hindi mo gugustuhing makalaban ako. And if you don't want to see my face then stay away. ” babala ni dana sabay tapon sa kamay ni kamila at tumalikod na si dana. Napatingin lang si kamila dito na galit na galit at susugurin sana ng biglang pumasok ang organizer na may dalang bulaklak. Napahinto naman si kamila at napatingin sa bulaklak. Agad itong inabot ng organizer kay Dana ang dalang bulaklak at nagpasalamat naman ang dalaga. At lumabas naman si kamila dala ang kanyang gamit. I look at the flowers at may nakitang akong maliit na papel. Kinuha ko at binasa ang nakasulat. For the most beautiful woman in this evening! From: Alfred Montilibano. Lumapit naman sa akin si Dino at sinilip ang papel. “Sino daw nagpabigay?” tanong niya kay Dana. Inabot naman ni dana ang bulaklak at papel kay dino at nagulat ito sa nakalagay na pangalan ng nagbigay. “Dana... anak ng may-ari ng resort na ito si Alfred Montilibano.” sambit ni dino na nakasunod kay dana. “I don’t care! Gusto ko na magpalit ng damit para makaalis na dito.” Tugon naman ng dalaga. “Pero gusto kang ma interview at makuhanan ng litrato ng mga reporters sa labas.” dino said. Nilingon naman siya ng dalaga. “No! I don't want to. And I’m too tired. Gusto ko na rin makaalis dito dahil maraming nakapaligid na snakes.” Sambit ng dalaga at agad na nagpalit ng damit. Wala na rin nagawa si Dino at agad na umalis na ng venue si Dana at nagpahatid na ng kanilang bahay. hinanap ng binatang si Alfred ang dalaga pero ang sabi ng organizer ay umalis na ito. nanghinayang naman ang binata na hindi man lang nito nakausap ang dalaga.