Masaya kaming namuhay ng tahimik sa Batangas at naging abala naman si Marco sa pamamahala ng kanilang kumpanya maging sa bagong bukas lang na Apartel ng kanilang pamilya. Dahil sa maselan ang aking pagbubuntis ay sa bahay lang ako at inaalagaan ni Manang Vivian. Kabuwanan ko na rin ngayon kaya madalas ay tinatawagan ako ng asawa ko para kamustahin. Kapag andito lang ako sa bahay ay inaaliw ko lang ang sarili ko sa mga tanim kong bulaklak sa aming Mini Garden. Nagtatanggal ako ng mga tuyong dahon ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking tiyan. Noong una ay akala ko ay sumipa lang si Baby pero ng maramdaman kong mas lalo siyang sumakit ay napaupo na lang ako dahil namimilipit na ako sa sakit. “Manang! Manang, manganganak na po yata ako.” Sigaw ko. Dali-dali namang tumakbo palabas ang mata

