Pagkatapos ng pahayag ni Marco ay lumabas ako sa Cafe at dumiretso sa parking area. Hindi ko na hinintay sina Mark at Sam. Dinala na rin pauwi ni Alfred si Maxine na nagwawala pa rin dahil sa nalaman. Sinundan naman ako ni Marco papunta sa parking area. I was so upset ng malaman kung magkapatid pala silang dalawa ni Maxine. All this time ay niloloko lang pala niya ako. Siguro ay sinasabi niya sa kapatid niya ang lahat ng mga sinasabi ko at nangyayari sa akin. “Dana.. Mag-usap muna tayo.” Tawag niya sa akin at nilingon ko siya. “What are you doing? Ano yung sinabi mo?” tumingin naman siya sa akin ng diretso. “Dan.. Let me explain. I just want to help you.” Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Help me? Sa tingin mo natulungan mo ako sa ginawa mo? Mas lalo mo lang pinagulo ng sitwasyon. At hindi ko kailangan ang tulong mo. Lalo pa ngayong alam kong magkapatid kayo ni Maxine. Manloloko ka. I trusted you Marco.” Sabay talikod ko pero mabilis niya akong hinarang. “Dan.. Listen to me first. I don’t want to hide it from you. Kaya hindi ko sinabi sayo na kapatid ko si Maxine dahil alam kong iiwasan mo ako kapag nalaman mo. I know you hate my sister at ayokong masira ang pagkakaibigan natin kapag sinabi ko sayo ang totoo.” “Stop lying! Wala na akong tiwala sayo. Siguro ay pinagtatawanan niyo akong dalawa.” “Of course not!” umiwas naman ako sa kanya at napahawak sa noo ko. “Just leave me alone. Please lang!” pero lumapit siya sa akin. “No. I won’t! I just announced that we’re getting married.” Napalingon naman ako sa kanya. “Are you crazy?! That won’t happen..i won’t marry you.” Saka ako tumalikod. “Dana please..” huminto naman ako pero hindi ko siya nilingon. “Huwag ka ng lalapit sa akin kahit kailan. Ayaw na kitang makita pa. And don’t worry about what you said. I can clear it!” at sumakay na ako sa kotse ko at umalis. I was in pained. Sakit dahil matagal na pala niya akong niloloko. He hid it from me na magkapatid sila ng mortal enemy ko. Mabilis namang kumalat sa social media ang video na nakuha sa Café at ang anunsyo ni Marco na magpapakasal na sila ni Dana at umabot iyon sa kaalaman ng kuya ni Dana kaya pumunta siya agad sa bahay nila para ipaalam sa kanilang ama. Pagdating naman sa kanilang bahay ay nadatnan ni Marco ang kanyang magulang sa Living room kasama si Ella at nakatingin sa kanya. Lumapit naman siya sa mga ito. “Why are you looking me like that?” tumayo naman ang kanyang ama papalapit sa kanya at inakbayan siya. “Anak bakit hindi mo sinabi sa amin na may relasyon na pala kayo ni Dana? Ginulat mo naman kami anak na may balak na pala kayong magpakasal.” Masayang sabi ng kanyang ama at napalingon siya dito. “Oo nga naman anak. Talagang nasorpresa kami ng daddy mo.” Dugtong ng kanyang ina. “Bakit parang gulat ka kuya? diba ikaw din naman ang nag-announced na magpapakasal na kayo ni Dana?” napalingon naman siya sa pinsan. “Paano niyo nalaman?” tanong ng binata. Tumayo naman si ella at lumapit sa pinsan. “Ano ka ba kuya..kalat na kalat na sa social media ang video ng Announcement mo.” At ipinakita nito ang video. Nagulat naman siya na nakuhanan pala ng video ang nangyari sa café At napatingin siya sa pinsa. “Im so happy for you kuya.. Excited na akong maging ate si Dana..” napapatalon naman sa saya si Ella. “Tumawag na rin dito si kumpareng Ferdie at masayang-masaya siya sa nalaman niyang balak niyong pagpapakasal ng anak niya..ikaw anak ha. Kaya pala ayaw mo kaming gumalaw ng mommy mo para sa magiging asawa mo kasi napa-oo mo na pala siya. Im so proud of you Son.” Bakas naman sa mukha ng ama ang saya pati ang kanyang ina. “Oo nga pala anak. Birthday ng tito ferdie mo bukas at inimbitahan niya tayo. Gusto niya ring pormal na i-anunsyo ang kasal niyo ni Dana.” Sambit ng ina. Hindi naman malaman ni Marco kung magiging masaya ba siya o malulungkot dahil sa kabila ng sayang nakikita niya sa mga magulang niya ay ang galit sa kanya ng dalaga. Walang kaalam-alam si Dana na kalat na ang video sa social media. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang mga magulang at kuya Daniel na kumakain sa Dining. “Kuya...what bring you here?” bungad ni Dana. “Umupo ka na dito anak.” Yaya ng ina at tumugon naman siya. Napansin naman niyang nakatingin sa kanya ang kanyang ama at kapatid habang papaupo siya. “May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?” ngumiti naman ang kanyang kuya. “Akala ko ba ayaw mo makilala ang anak ni tito Antonio?” napataas naman ang kilay ng dalaga. “What do you mean kuya?” huminto naman sa pagsubo ang kanyang kapatid. “Well. He just announced na magpapakasal na kayo, right?” nanlaki naman ang mata ni Dana sa narinig. “Hindi mo naman sinasabi sa amin anak na may relasyon na pala kayong dalawa.” Dugtong ng ama at napasulyap siya dito. “How did you know that?” gulat naman siya. “So it’s true. You’re getting married with Marco.” Sambit na kanyang kuya at masayang-masaya naman ang kanyang mga magulang. Napapikit naman ang dalaga dahil naguguluhan na siya. “Sandali nga kuya..paano niyo nalaman yan?” tumingin naman sa kanya ang kanyang kapatid. “Well it’s trending on social media.. here.” At inabot naman ni Daniel ang cellphone nito para ipakita ang video. Napapikit na lang siya sa inis at ibinalik sa kanyang kuya ang cellphone at bumuntong-hininga siya. “That’s not true. It was just a misunderstanding. Wala kaming relasyon ni Marco.” Paliwanag niya. Napatingin naman sa kanya ang kanyang mga magulang at kapatid. “Awww.. kung wala kayong relasyon ni Marco, bakit niya inanunsyo na magpapakasal na kayo?” taka ng kanyang ina. “He just saved me from humiliation and from her sister Maxine.” Natahimik naman silang lahat sa sinabi niya. “kung ganun.. Si Marco ang solusyon sa lahat ng problemang ito.” Ang kanyang ama at napalingon siya dito. “What do you mean Pa?” pilyong ngiti naman ang ama nito at napaupo ng maayos si Dana. “Parang hindi ko gusto ang ngiting yan papa.” Banta niya. “You need to marry Marco para mabura sa isip ng tao na kabit ka ni Alfred. Marco is the only answer for this Dan.” Kuya said at napatayo ako sa upuan ko. “No!. I won’t marry him kuya..” sininyasan naman siya ng kanyang ama na maupo. “Calm down Anak. Kailangan mong magpakasal kay Marco para malinis mo ang pangalan mo. Besides, nasa tamang edad ka na at kailangan mo ng mag-asawa. Gusto rin namin ng mama mo na si Marco ang mapangasawa mo simula pa noon pero ayaw mo. Isipin mo ang career mo at ang pamilya natin anak. Masyado ng Malaki ang damaged sa business natin dahil sa Issue.” Natahimik naman siya sa sinabi ng kanyang ama at napasandal sa upuan. “Please anak. This is for your own good.” Dugtong ng ina at nanghina naman siya. “I don’t know Ma. Pagod na po ako. Gusto ko na magpahinga.” At tumayo na siya agad at umakyat sa kanyang kwarto. Nanatili lang silang nakatingin sa dalaga. At nang makaakyat na ito ay masayang-masaya silang tatlo sa dining dahil mukhang nakumbinsi nila ito. Buong gabi namang hindi makatulog si Dana sa mga nangyayari. Galit siya dahil niloko siya ng taong pinagkatiwalaan niya at ang hindi niya matanggap ay magkapatid si Maxine at Marco. At kapag nagkataong ikasal nga sila ni Marco ay magiging sister in law niya si Maxine at iyon ang hindi niya gusto dahil siguradong impyerno lang ang mangyayari sa kanya araw-araw. Pati si Marco ay hindi rin nakatulog sa kakaisip sa naging reaksyon ni Dana ng malaman niya ang totoo. Galit na galit ito at ayaw na siyang Makita pa. Kinabukasan ay abala sina Dana para maghanda sa kaarawan ng kanyang ama. Hindi na muna niya inisip ang mga nangyari kahapon dahil mahalaga ang araw na ito at ayaw niyang masira ang kanyang mood. Pinadalhan siya ni Allison ng masusuot na dress na bagong gawa nito. Isang Elegant Deep V-cut Green-Silver sequins dress. Tinulungan siya ni Jelly na isuot sa kanya ang dress and it looks good on her. “Wow ma’am Dana bagay-bagay po sa inyo ang dress. Parang isinukat po talaga sa katawan niyo.” Puna ni Jelly. “Talaga?” tumango naman si Jelly. “Opo ma’am. Mas lalo po kayong gumanda.” Dugtong ni Jelly nang pumasok ang kanyang ina. “Are you ready? Oh wow..you’re so pretty anak.” mama said. “Thanks ma.” Sagot niya at nginitian siya ng ina. “Let’s go. It’s already 5pm at baka magsidatingan na ang mga bisita sa hotel. Naghihintay na rin ang papa mo sa baba.” Yaya ng ina at sumunod naman siya. “Ikaw na ang bahala dito Jelly.” Utos niya. “Opo ma’am. Ingat po kayo.” Umalis din sila agad at tinungo ang hotel habang Ang pamilya Sandoval naman ay Naghahanda na rin para dumalo sa Kaarawan ng kumpare nitong si Ferdie. Bumaba naman si Marco suot ang kanyang Plaid Suits khaki tuxedo na nakadagdag pa sa kanyang kaguapohan. Napatingin naman sa kanya si Ella na nakaupo sa couch Kasama ang kanyang ina at ama. “Wow kuya..ang guapo mo sa suot mo. Para ka nang mamamanhikan ah.” Sambit ng pinsan at ngumiti lang ang binata. “Tara na at baka ma-trafiic pa tayo.” Utos ng kanyang ama at lumabas na silang lahat. Habang nasa biyahe ay hindi malaman ni Marco kung ano ang kanyang gagawin kapag nagkaharap sila ulit ni Dana. Napansin naman siya ng kanyang ina. “Are you okay anak?” napalingon naman siya. “Opo. Why mom?” “Mukha ka kasing tensed.” Napatingin naman sa kanya ang pinsan. “Baka excited lang siyang Makita si Dana.” Singit ni ella. “Tumigil ka na nga. Okay lang ako Mom.” Sagot nito at naupo ng maayos. Dumating naman sa hotel sina Dana at napansin nila na ang daming media sa labas ng hotel. “Ang dami namang media dito sa labas. Magca-capture ba yan ng birthday ng papa mo anak?” nilingon niya ang kanyang ina. “Siguro po ma.” Sagot niya at dumiretso na ang kanilang sasakyan sa parking area. Tinungo nila agad ang venue at nadatnan na nila doon ang iilang bisita at ang kanyang kuya Daniel at Maurielle. Sinalubong naman sila ng mga ito at nagbeso. “Happy birthday Pa.” bati ni Daniel at Maurielle. “Thank you anak..kanina pa ba kayo dito?” tanong ng ama. “Hindi naman po masyado Pa. Mga 15mins. pa lang po siguro.” Sagot ni Daniel. At nahagilap naman ni Ferdinand ang mga nagdadatingan na nitong mga kaibigan. “Let’s go Pa. doon na po muna tayo sa entrance para masalubong natin ang mga bisita mo.” Yaya ni Daniel at tinungo nila ang entrance dahil sa kabilang pintuan sila dumaan kanina at hindi sa entrance para umiwas sa reporters. Nakasunod naman sa kanilang likuran sina Dana at Maurielle. “Okay ka lang ba?” maurielle ask at nilingon ko siya. “Yeah..” tipid nitong sagot pero alam ni Maurielle na hindi Ok si Dana dahil sa mga nangyari. Hindi naman na siya tinanong ni maurielle tungkol sa video dahil baka masira pa ang mood nito. Masaya nilang sinalubong ang mga bisita at ilang sandali lang ay dumating na ang pamilya Sandoval. Hindi agad nakita ni Dana ang pagdating nila dahil abala ito sa kanilang pag-uusap ni Maurielle. “Kumpare..maligayang kaarawan.“ bati ni Antonio at nagyakapan sila ni Ferdinand. “Salamat kumpare..” tugon nito at bumati din sa kanya ang asawa ni Antonio. “Marco…” sambit ni Ferdinand at agad na napalingon si Dana na kasalukuyang nakikipagtawanan kay Maurielle nang marinig niya ang panagaln ni marco at biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha ng Makita niya ang binata. “Happy birthday po tito.” Bati ng binata at ini-abot ang kanyang regalo at tinanggap naman ito ng matanda. “Thank you hijo.” Napatingin naman si Marco sa dalaga na kasalukuyang nakatingin sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ng dalaga at napatingin naman sa kanya ang kanyang mga magulang pati ang kapatid nito ganoon din ang mga magulang ni Marco. Lumapit naman si Daniel kay Dana. “Dan…What are you doing?” bulong ng kanyang kuya at nilingon niya ito. “What is he doing here kuya?” nilingon naman ni Daniel ang kanyang Ama. “I invited them Anak.” papa said at nilapitan ako ni Mama. “Anak...It’s your papa’s birthday. Pakiusap huminahon ka muna.” Bulong ng kanyang ina at sinulyapan si Marco. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang huwag magalit kaya umalis na lang siya. “Excuse me.” Paalam niya at agad na umalis. Bumuntong hininga naman ang kanyang kapatid. Napailing naman ang kanyang Ama. “Pasensya na kumpare sa inaasal ng anak ko. Masyado lang siyang maraming iniisip ngayon.” Paumanhin ni Ferdinand kina Antonio. “Okay lang yon kumpare. Naiintindihan naman namin kung bakit nagkakaganyan si Dana. Pasensya na rin sa mga ginawa ng anak kong si Maxine.” Tugon naman ni Antonio. Nagpaalam naman si Marco para sundan si Dana. “Excuse me po tito. Pwede ko po bang makausap si Dana?” tumango naman ang ama ng dalaga. “Go ahead hijo.” “Excuse me po.” At agad na sinundan niya ang dalaga. Naiwan namang nakatingin lang ang magkabilang pamilya sa dalawa.