[ S K Y ' S P O V ] "Ano po, mom? Natatandaan niyo pa po ba kung paano basahin ang librong 'yan? Ayon po kasi sa tradisyon ng pamilya, hindi pwedeng turuan ang mga lalaking miyembro ng pamilya o ni tingnan man lang ang loob niyan. Bakit po ba parang sobrang halaga niyan noon pa lang?" pang-uusisa ko habang pinagmamasdan ko si mom na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang pinagmamasdan ang laman ng librong tinutukoy ni Alex sa akin ilang taon na ang nakakaraan. Sa totoo lang, medyo nawi-weirduhan pa rin ako sa tuwing tumitingin ako sa mom ko. Dahil nga namatay siya nang ipinanganak niya ako, siyempre hindi ko talaga alam ang itsura niya. May mga pictures at paintings, oo. Pero lagi ko ring nakakalimutan ang mukha niya at minsan ay sadyang hindi ko na ito sinisi

