[ R E N N E I ' S P O V ] "Aw!" agad kaming napatingil sa malakas na usal na nanggaling sa likod ng aming grupo. It's Mir, another former personal reaper of Alex. Mabilis naman kaming nagtungo sa kanya at tinanong kung ano ang nangyari. We can't afford to lose anyone anymore. Not another reaper. Not another friend. Not another part of our family. Nang makapagtipon tipon na kami sa paligid niya ay bakas sa kanyang mukha ang labis na sakit at hapdi na kanyang iniinda. Tila ba patuloy siyang tinutusok ng napakaraming karayom na siyang nakakapagpapikit pa sa kanya sa sobrang sakit. Maagap na humakbang papalapit si Janice upang alalayan si Vladimir. Gayon na rin sina Kuya Xander at ang iba pang natitirang reapers. Napansin namin na tumitindi ang pamimili

