[ M A R C ' S P O V ] "Alex ..." isa ko pang huling naibulong nang unti unting lumulubog sa pagkatulala sa pigura ng babae ang mga kasamahan ko. Hindi ko nga alam pero para bang tumigil ang oras at nasa iisang lugar lang ang kinapapakuan ng mga tingin namin. Nananaginip ba ako? Siya na nga ba ang nasa harapan namin? Siya na nga ba talaga si Alex? Buhay ba talaga siya? Itong nakatayo sa harapan namin, si Alex ito hindi ba? Siya ito, hindi ba? Halos gusto ko na magpakurot o magpasampal. Gusto kong malaman kung nananaginip ba ako o tulala lang ako para magising naman ako at maitarak ko ulit sa utak ko na hindi maaaring mabuhay ang isang patay. Pero masama ba ang umasa? Hindi naman di ba? Nanginginig na pumorma ng kamao ang kamay ko habang iniisip ang m

