[ M A R C ' S P O V ] "Ouch! Dammit!" agad akong naalerto at napalingon sa likod ko kung saan natagpuan ko si Janice na may iniindang sakit. Mabilis namang napalapit sa kanya ang iba pa naming kasamahan pati na rin ako upang tingnan ang kalagayan niya. "What happened?" may pag-aalalang tanong ni Sky sa kanya sabay patong pa ng kamay sa balikat nito. Bago pa man makag-utal ng kahit anong salita ay pansinin na ang hapdi na nararamdaman niya. Kahit ano namang sabi namin na ipapauwi na lang namin siya at doon na muna magpahinga ay ayaw naman niya sang-ayunan. Tila may napansin naman si Sky at pumaupo siya at dahan dahang iniangat ang paa ni Janice. Napasinghap naman sina Dereen na agad namang pinatalikod ni Dash nang hindi niya makita a

