"Naisip na rin namin na gawin ang bagay na iyan kaso imposibleng magawa pa natin iyon." wika ni Fiacre matapos kong sabihin sa kanila ang paraang naisip ko para mailayo ang kaibigan namin sa maaaring niyang kahinatnatan balang araw.
Napamaang naman ako sa sinabi niya. Paanong imposible? "Pinacheck na namin lahat ng laboratories na meron sa buong Pilipinas, mapa-ilegal o legal. Kahit sa ibang bansa naghanap na kami kung saan pwede makahanap ng sample ng infected blood pero wala." she added. Napabuntong hininga ako. Hindi naman pwedeng hayaan lang namin mamatay ang kaibigan namin ng ganun ganun lang di ba? There must be a way! Yes, there must be a way.
"Kinontak namin ulit kanina si Ashley kung may kahinaan ba ang mga naapektuhan nun. Ang sabi niya, hindi nakakaya ng isang infected individual ang maraming sugat o tama mula sa mga atake. Kaya naman para maiwasan iyon ay tinetrain ang lahat ng infected para i-master ang lahat ng klase ng depensa. These past five years with Alex, ilang beses siyang hinimatay, malaki ang posibilidad na iyon ang dahilan." Dereen explained. Things are getting clearer and clearer. But all of our questions' answers will only be answered fully once we get to know the council's real aim.
"Sa tingin ko hindi rin coincidence na sinunog na ang laboratory na Ms. Alexandra at ni Mr. Devroid noon." naibulalas ko na lang habang nakapatong ang baba ko sa likod ng kamay ko. Napapaisip tuloy ako kung talagang sinunog ba iyon ng dahil sa galit o may iba pang dahilan? Is it possible na may alam si Mr. Morleen tungkol sa blood disease kaya pagkatapos niyang mapatay ang ang dalawang scientists ay pinasigurado niya na walang matitirang bakas ng laboratoryong iyon kung saan matatagpuan ang isang sample?
"Are you thinking that Morleen knew something about this? Pero hindi na natin siya magagawang tanungin. Patay na siya." tama, patay na ang demonyong iyon. Hindi na namin siya magagawang tanungin pa.
Marami pa ba kaming hindi pa alam sa mga nangyari dati? Bakit parang hindi pa pala sapat ang mga nadiskubre namin noon? Malinis nga gumawa at kumilos ang Onyx Council. Kahit noong mga panahon na wala pa kaming alam sa kanila ay nasisigurado na nilang walang maiiwang bakas nila. Ganoon ba talaga sila kaimpluwensya at kaya nilang paikutin ang mga taong gusto nilang paglaruan?
"Rennei, watch out!" mabilis na bumalik ako sa wisyo at huli na nang maramdaman kong may papatama na sa akin na bala mula sa labas.
At sa isang iglap ay napahiga ako sa sahig. Namilipit kaagad ako sa sakit dahil hindi lang pala isang bala ang tumama sa akin bagkus dalawang bala. Ang isang bala ay tumama sa may tiyan ko. Para akong naparilasa. Hindi ko maigalaw kahit anong parte ng katawan ko. Nararamdama ko rin ang unti unting pagdaloy ng dugo mula sa tiyan at kaliwang braso ko.
Masyado kong iniinda ang sakit kaya naman sunod ko na lang na nakita ay ang pagbulagta ni Fiacre sa may sofa na may dumudugong binti. Lubos pa akong nag-alala nang makita ko na tila ba nasabuyan ng asido ang napakaputi niyang braso.
I forced myself to extend my arm on Fiacre's direction but to my surprise, biglaan na lang nakita ko ang mga namumulang mata ni Dereen na nakatingin sa akin habang nakahiga na rin sa sahig tulad ko. No! Dereen! Fiacre!
"O-onyx C-coun... sil--" garalgal na ang boses ni Dereen habang sinasalita niya ang pangalang mas kinamuhian ko ngayon. Kung ganoon, planado nga nila ang lahat. Naghintay lamang sila ng panahon upang umatake. Nagmamasid kahit natutulog at naglalakad lamang kami. Sinusundan kami na parang anino hanggang sa makakuha sila tiyempo para mapatahimik ang mga taong nakakaalam na tungkol sa mga balak nila.
Napapikit ako sa sakit nang may mabigat na paang ang umapak sa naka-extend kong kamay. Kitang kita ko ang black boots na suot nito habang mas dinidiinan ang pagkakaapak sa akin. Damn. Gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko pero masyado na akong nanghihina para magsalita pa ng kahit kakaunti. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang panatilihin ko ang sarili ko na gising upang marinig ang kahit ano mula sa mga taong umatake sa amin. Kailangan may malaman ako sa kanila.
"So these are the girls who dared to look for any samples of an infected blood." I heard a girl's voice with a British accent. I tried to look up a bit. Siya nga iyong nakaapak sa kamay ko. She has this long and curly blonde hair na medyo tumatakip sa mukha niya sa anggulong kinapepwestuhan ko ngayon.
Narinig ko ang ilang yabag papunta sa akin. "Yes and they are really pretty, huh. Too bad, they need to be quiet." hindi ko na magawang ipanlingon pa ang ulo ko dahil sobra ang pananakit ng buong katawan ko kung kaya't napagdesisyunan ko na lang na makinig na lang at ipikit ang mga mata ko.
"Tsk, here's your hormones again. We need to exterminate them so that we can get our master's new toy. He said that that girl will be a a good human weapon for the council." she replied at tinanggal niya na ang paa niya sa kamay ko. Marahil ay dahil sa pagpikit ko at inakala niyang nawalan na ako ng malay.
"But due to his decision to get that girl, the duchesses were all in chaos. They are worried that they might get replaced soon. These days, the judge keeps replacing the duchesses without asking the opinions of others. He's a dictator and he orders as if he was an emperor. Why do we have to obey his orders, seriously? He's immature, inexperienced, and obsessed with women. What can he do for the council?" iritado namang saad ng lalaking nasa malapit sa akin.
Kung ganoon 'yung judge na iyon ang nagpautos na atakihin kami rito at ligpitin upang makuha niya na ng tuluyan si Alex. Ibig sabihin ay alam niya na rin ang kakayahan namin pagdating sa lakas at abilidad sa pakikipaglaban. Pero ang sabi ng isang ito ay immature at inexperienced ang judge. But how come he was able to do something unpredictable so well?
"I don't know what our master is thinking. We can't say he's not smart though. He's been trained eversince he was a kid to be the judge. The Brooven family is ready to do dirty works just to make their son the judge. They don't want to hand the position over to anyone because it will affect their family's standing in the underground society. Is he playing dumb or is he manipulating everyone without us knowing?" the girl tsk-ed.
Kung sila mismo na mga tauhan ng judge ay hindi kayang basahin ang sarili nilang master, paano pa kaya kami na never pang nakita o nakausap ang taong iyon? Nangangamba ako. Nangangamba ako na kahit ako ay walang magawa para kontrahin ang mga balak ng lalaking iyon. Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ko rin alam kung ano ang takbo ng pag-iisip niya.
"Just a few touches and Samara will be released from the training center. She will be our master's toy for the next years. Once we get Alexandria, she'll be next one. What will happen to Samara? Hmph, just like the previous ones, they'll get abandoned." halos mangining ako sa narinig ko mula roon sa lalaki.
Iyon ang mangyayari kay Alex sa oras na makuha siya at gamitin ng council na iyon? Iiwan at itatapon na parang basura at lumang gamit? Hindi. Hindi ako makakapayag. Dapat ko sila pigilan. Pero bakit ganoon? Ayaw kumilos ng katawan ko? Bakit sa ganitong sitwasyon pa ako walang magawa? Bakit?
Alex will never be a toy of anyone!