CHAPTER TWO: Runaway Fight

1396 Words
~Gangster's Point of view~ " Sinabi ko naman sa inyo diba? wala akong pipiliin......mas gusto ko pa ang tumakbo." sabi ko tsaka ko hinawakan ang blade ni Assassin ng sobrang higpit at hinila ko ito papunta kay Agent. " s**t!/ Damn!" sabay sabay na mura ng dalawa. tsaka ko sinipa ang baril ni Detective na tumilapon sa ere. gulat ang rumehistro sa mga mukha ng kaharap ko. Naikuyom ko ang palad ko sa kanang kamay ko dahil sa sobrang hapdi ng sugat ko mula sa blade ni Assassin. " Bye! hanggang sa muli!" sabi ko at tumakbo papalayo sa kanilang tatlo. Mabilis akong pumasok sa kotse ko at nag drive papunta sa condo unit ni Ms. Anna pero bago iyon sinigurado ko muna na hindi nila ako nasundan. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 25th floor kung saan nandoon ang unit ni Ms. Anna. Ng nakapasok na ako sa loob ay umupo ako sa sofa at hinintay syang lumabas sa kwarto nya. " Bakit nandito ka?" tanong nya sa akin. itinaas ko ang palad kung may sugat at ipinakita sa kanya. " Gamutin mo muna ako!" " Saan mo nakuha ang sugat na iyan?" tanong nya at nagmamadaling kumuha ng first aid. " Kay Assassin." " Akin na yang kamay mo!" tsaka nya nilinis ang sugat ko. " Sino si Assassin? yung bang pumatay sa governor?" tanong nya. " Hmm...." sabi ko habang tumatango tango sa kanya. at binendahan na nya ang sugat ko. " Psh.... gangster ka na nga mapapahamak ka pa." sabi ni Ms. Anna at tumayo't naglakad papunta sa kwarto nya. " Goodnight!" " Goodnight din!" sagot ko, at tuluyan na syang pumasok sa loob ng kwarto nya. Kinuha ko ang laptop ko at hinack ang isang organization kung saan nabibilang si Assassin. Paano ko nalaman? kasi nakita ko ang red rose tattoo sa index finger nya. Ng mapasok ko ang system nila ay tiningnan ko lahat ang mga files doon. " Hmm.....ano kaya 'to?" curious kong sabi. pinindot ko ang D-FOLDER at nakita ko ang mga pangalan ng bawat organization na bibiktimahin ng Red rose Org. Hinack ko ang CCTV footage ng organization nila para hanapin kung nandoon ba si Assassin. ...May nakita akong tatlong lalaki sa camera 5 na nag uusap sa gitna ng hallway. tsk... masyado naman yatang kampante ang mga 'to ah!. Kinalikot ko ang laptop ko para may marinig ako sa pinag uusapan nila. " After she kills that gangster woman! we'll kill her!" sabi ng isang lalaki. " Ok.!" sang ayon nung dalawa pang lalaki. Hmm....manakaw nga ang footage na 'to. Napangiti ako.... They give Assassin an order to kill me and after that they'll kill her...what a demon!....bakit kaya nila papatayin si Assassin pagkatapos akong patayin ni Assassin?.....Well..... KUNG mapapatay ako ni Assassin. Tsk...kay Agent kaya? hinack ko ang system ng organization nila....ang Martial Organization na may connection sa loob ng Underground Gangster. Ang kwintas na suot suot ni Agent ay isang black jade pendant na may nakaukit na M.O ~Runaway Fight: Chapter two~ That time alam kung nandoon si Agent sa loob ng arena minamanmanan ako. Bago pa sya napunta sa punong iyon...at si Assassin naman ay nandoon sa isa sa mga upuan sa bar sa sulok nakaupo at minamanmanan din ako. May nakita akong isang email kaya ko ito in-open.....and there binasa ko ang message na sa boss i-se send. " After agent get the Gangster we'll discard her immediately!" tsk....Naman oh! bakit yung mga boss nila pagkatapos akong makuha o mapatay ay papatayin din nila sila. Aish! ang sama naman!. Makatulog na nga....bukas pupunta ako sa police headquarters para manmanan si Detective . should i put them in my palm? naah... that's bad. ~Kinabukasan~ " Saan ka pupunta?" Ms. Anna. " Hmm...sa police headquarters." sagot ko sa tanong nya at sinuot ang high heeled boots ko isang itim na palda na hanggang sa taas ng tuhod isang itim na t-shirt at isang itim na leader jacket kumuha ako ng isang surgical mask at lumabas na ng unit. Ng nakarating ako sa police headquarters para hanapin sya..and there sa isang hallway na may kausap na kapwa nya detective. ~Oh..well wala akong makukuha dito. sana pala hinack ko nalang ang system ng police headquarters.... Tumalikod na ako para lumabas ng headquarters ng makita kung napansin nya ako. Pero bago ako makalabas may narinig akong usapan tungkol kay Detective. Hmm.....mukhang inggit na inggit sa kanya ang mga 'to. tsaka ko to ini-record. tsk...bakit ba lahat nalang sila may gustong tumapus sa kanila??. " tsk...pabida talaga ang babaeng yun. tayung mga matagal na dito at mas ma- experience kesa sa kanya sya palagi ang nakikita. masyadong pabida ang batang yun!" sabi nung isang lalaki. " Bakit hindi tayo gumawa ng paraan para mawala sya sa daan natin?" suggest nung isa pa nilang kasama na syang nag pangisi sa kanilang lahat at sumang ayun. " Excuse me miss?" napangiwi ako at mabilis na tumakbo palabas ng headquarters, dumaan ako don sa isang eskinita kaya lang nandoon si Assassin maging si Agent. babalik sana ako kaya lang nandoon na si Detective. shiii.....ang malas ko naman ngayong araw..... " Hanggang dyan ka na lang.!" detective habang unti unting lumalapit sa akin na may hawak na baril. " Naku naman oh! nagkita-kita pa tayo dito hahaha!" tumatawang sabi ni Agent. " I told you gangster.....i'm going to kill you!" sabi ni Assassin habang hawak nya ang kanyang katana. " Tumigil kana Assassin! hindi mo sya mapapatay hanggat nandito ako!" sabi naman ni detective at lumapit sa akin. " Haish....hindi mo makukuha si Gangster! Detective at hindi mo sya mapapatay Assassin dahil bago nyo pa sya makuha at mapatay.!" ngumiti ito habang malapit na ito sa akin kagaya ni Assassin at Detective. " Nakuha ko na sya.....!" pagkasabing pagkasabi ni Agent non ay hinawakan nya ang braso ko at hinila at binaril si Assassin at sinipa si Detective. " f**k!/s**t!" sabay na mura ng dalawa. " Sasama ka sa akin!" sabi ni Agent. Tiningnan ko ang kamay nya at ngumiti tsaka ko ito hinawakan at sinipa ang paa nya , hanggang sa gilid ng tyan nya habang hawak ko pa ang kamay nya. " Ahhrrrggg!" daing nya tsaka ko nilingon si Assassin at binaril sya na tinamaan sa braso nya. " f**k!" mura nya, " Damnit!" daing ko dahil tinamaan ako ng blade nya. tiningnan ko si Detective ng kumilos sya. Binitawan ko si Agent ng patulak at sinugod si Detective ng suntok na naiwasan nya. Ngumiti ako at sinikmuraan sya. " Arrhhg!" daing nya sabay sipa ko kay Agent sa mukha nya at sinipa ko rin si Assassin. " Namumuro kana!" sabi ni Agent, itinaas ko ang kanang braso ko para sana suntukin ulit si Agent ng maramdaman kung may malamig na bagay na pumalibot sa aking palapulsuhan. Mabilis kung nilingon si Detective na hawak ang kabila ng handcuff. " Huli ka!" sabi nya ng nakangiti. napatingala ako ng kaunti ng maramdaman ko ang lamig ng blade ni Assassin sa leeg ko at ang tip ng baril ni Agent ay nasa ulo ko. Tiningnan ko si Assassin at si Agent...at kay Assassin ulit. " I told you Gangster! I'll kill you!" sabi nya, napangisi naman ako sa sinabi nya. " Psh....baka nakalimutan mo Assassin na may dalawa kang kaagaw!" sabi ni Agent. " then....I'll kill you both!" balewalang sabi ni Assassin at idiniin ang blade sa leeg ko, ramdam ko ang hapdi nito pati ang braso ko. " Alam mo Assassin?..... we're on the same field, me as a gangster.....also have the ability to kill too." sabi ko, ngumiti naman sya. " Na-ah! you're wrong gangster, I'm an Assassin and you're a gangster, malaki ang pagkakaiba nating dalawa." sabi nya. " Ibig sabihin non mas mataas ako sayo!" pagpapatuloy nya pa na syang nagpatawa sa akin. " hahaha mas mataas ka? ibig bang sabihin non ma-pride ka? sabi ko ng mas diniinan nya pa ang blade ng katana nya. Hinila ko ang kamay ko at nasama naman si Detective sa paghila ko. " s**t!" mura nya at itinulak sya kay Assassin tsaka ko sinipa si Agent nagkibit balikat ako at nagsalita. " hanggang sa muli nating pagkikita!" sabi ko at umalis na sa lugar na iyon ng matanggal ang handcuff sa pulsuhan ko.. Hahahaha.......nakakatuwa talaga silang paglaruan! Hanggang sa muli nating pagkikita...... Assassin, Agent, and Detective. ********** ********** ********** **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD