Mariin akong pumikit nang pasukin ng dila niya ang bibig ko. Napasinghap pa ako nang hagurin ng dila niya ang gitna ng dila ko. Tinutudyo-tudyo niya iyon na makipaglaro sa dila niya kaya ginaya ko ang ginagawa niya. We savor each other’s mouth’s juices. Hindi ko akalaing lalong magdadala ng nakatutupok na init iyon sa akin. Umalpas ang ungol ko nang sipsipin niya ang dila ko. Saka lang niya iyon tinigilan nang talagang nauubusan na ako ng hininga. Ngunit nang ako ay makasagap ng sapat na hangin ay agad din niyang siniil ng mapusok na halik ang mga labi ko. Tinapatan ko ang tindi ng mga halik niya kahit na pakiramdam ko ay namamaga na yata ang mga labi ko. “Damn! This is so good. So addictingly good!” muli ay ungol niya. Banayad niyang kinakagat-kagat ang mga labi ko saka sisipsipin at mu

