Third Person POV “Kumusta? May balita na ba kung sino ang dumukot sa anak natin?” tanong ni Raiza kay Stan. Tumalim naman ang mga mata nito at parehong kumuyom ang mga kamao. “Sigurado akong ang Charlie na iyon ang dumukot kay Lily. Wala nang ibang gagawa no’n kung hindi siya!” gigil sa inis na sagot ni Stan. Napapikit naman si Raiza sa sagot ng asawa. “It’s because you triggered him. Bakit ka nagsinungaling tungkol sa pagpapakasal ni Lily sa ibang lalaki. That might be the reason why–” “Hindi ako nagsisinungaling, Little Fairy… I’d rather arrange a marriage for Lily than let Charlie get her,” putol naman niya sa asawa kaya napaawang ang mga labi nito. “Nababaliw ka na ba? At sa palagay mo ba ay papayag ako sa gusto mo? Lalo mo lang sasaktan ang damdamin ni Lily kapag pinakialaman mo

