Kahit na nasa malalim akong pag-iisip ay hindi ko napigilan ang mapangiti nang mapadakong muli ang mga mata ko sa mga bulaklak. Sabi ni Charlie ay paborito rin daw ni Tita Kristine ang pink roses. Pero ako talaga, kahit noon pa ay iyan na iyong gustong-gusto kong nakikita sa bahay. Kaya nga maraming tanim na pink roses sa garden namin sa Pilipinas. Napasinghap ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. At speaking of the handsome devil, tumatawag nga si Charlie ngayon. “Good morning there, my Lily…” salubong agad nito sa akin. “Teka, paano mo nalamang nandito na ako? Saka hindi ba ala-una na ng madaling araw diyan? Gising ka pa rin?” gulat kong tanong. “I just finished reading some documents because I am planning to buy a shipping company,” sagot naman niya. Narinig ko pa ang paghikab

