“Masarap ba? Ako mismo ang nagtimpla niyan para sa iyo,” tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at tumango. Hindi ako makapagsalita dahil puno ang bibig ko. Nginuya ko munang mabuti iyon saka nilunok. Pagkatapos ay uminom din ako ng tubig bago sumagot. “Yeah! This is like that of a grill house. Paano ka pala natutong magluto?” natanong ko. Kami kasi ni Ayanna ay hindi mahilig sa kusina kaya pareho rin kaming walang alam sa pagluluto. “Well, both my Mom and my Dad can cook very well. Lagi nilang sinasabi sa aming mga magkakapatid na kahit marami kaming mga maids na gagawa ng mga bagay para sa amin, dapat daw ay marunong o kaya kahit papaano ay alam pa rin naming gawin kahit man lang iyong mga simpleng gawaing bahay gaya ng pagluluto…” sagot niya. “And I’m glad that I can cook, because look,

