Lily’s POV “Hindi mapapanatag ang loob ko hangga’t wala akong siguradong karapatan sa iyo, Lily. Please, be my girlfriend. Kung gusto mong itago ang relasyon natin hanggang sa maka-graduate ka, I will agree. Just be mine in that way… please, Lily…” halos pagmamakaawa na ni Charlie sa akin. Napalunok naman ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin. Totoong handa akong ipagkaloob ng buo ang sarili ko sa kaniya. At dahil ito na ang huling sandaling pagbibigyan ko siya at pagkatapos nito ay wala na. Kaya hindi ko kayang pagbigyan ang hinihiling niya dahil lalo lang lalaki ang kasalanang nagawa ko – lalo na sa Daddy ko. “I am more than willing to give you myself. Hindi pa ba iyon sapat na assurance sa iyo? Isa pa–” “Erkhem tany yariag tasalsand uuchlaarai, gekhdee bid odoo yavakh kheregt

