Chapter 2 Lily’s 16th Birthday Celebration

2905 Words
Two years ago… “Ang cute mo, Lily!” Masayang papuri sa akin ni Ayanna. Napangiti ako habang nakatingin sa malaking salamin. Katatapos lang akong ayusan para sa 16th birthday ko na gaganapin ngayon sa Pavilion ng Diamond Paradise Hotel. “Excited na ako!” sambit ko naman. Excited ako kasi mag-a-attend iyong favorite kong painter na si Josh Espinosa. Isa sa mga namana ko sa Mommy ko ay ang galing sa arts. “Uy, masaya ka lang kasi mag-a-attend si Josh, eh,” kantyaw naman sa akin ni Ayanna, kaya agad uminit ang pisngi ko. Crush ko rin naman si Josh kasi nga ang galing-galing niya. Mahilig kasi sa candid moment paintings si Josh kaya maraming nakaka-relate talaga. “Why not? I heard he’s single by the way…” kinikilig na saad ko. Pero siyempre, joke lang iyon. “Ako rin. Meron akong crush mula pa noong 11 ako,” kinikilig ding saad ni Ayanna. Napangiti naman ako. “Sabihin mo na kung sino iyan,” pilit ko naman. Lagi niyang nababanggit ito nitong nakaraan. Lalo na noong 18th birthday niya pero ayaw man lang magbigay ng clue. “Ah, basta! Kapag 21st birthday ko sasabihin ko na sa kaniya ang feelings ko,” nakangiti sa kawalang sagot ni Ayanna. Napangiti na lamang ako kasi sigurado akong hindi magsasalita itong si Ayanna kapag ayaw niya. Pagbaba ko ay nasa dulo ng hagdan si Kuya Charlie. Lumapad ang ngiti namin pareho ni Ayanna. “Iyan ang totoong guwapo,” komento niya kaya natawa ako. “Siyempre naman. Anak yata ni Tito Charles at Tita Kristine iyan. Both are exuding an almost immeasurable elegance at gorgeousness,” sang-ayon ko sa pinsan ko. “Happy birthday, Lily!” bati niya sa akin. “Hi, Ayanna!” baling din niya sa pinsan ko. “Hi, Kuya Charlie! Ang guwapo mo ngayon, ah! Sana wala kang kasamang girlfriend,” bati rin sa kaniya ni Ayanna. “Wala… sa ganda ninyong dalawa ni Lily, mahirap makahanap ng babaeng puwedeng tumapat sa inyo,” pabirong komento naman ni Kuya Charlie. “This is for you!” iniabot niya sa akin ang isang malaking bouquet ng pink na roses at ang isang pulang paper bag na hindi ko alam kung ano naman ang laman. Ang hilig pa namang magregalo ni Kuya Charlie ng mamahalin sa akin. “Thanks, Kuya!” sagot ko naman at inamoy pa ang mga bulaklak. “Let’s go, ladies? Ako na ang mag-e-escort sa inyo,” alok nito kaya sabay kaming tumango ni Ayanna at nagkatinginan pa nga. “Kuya, totoo bang may something kayo noong actress na si Felicity Sandoval?” maya-maya ay tanong ni Ayanna kay Kuya Charlie. Palabas na kami ngayon para pumunta sa venue ng party ko. “No way! That woman is just creating a hype for herself, tapos ginagamit pa ako,” tila inis na sagot ni Kuya Charlie. “Then, why don’t you issue a statement to contradict her claim?” tanong pa ni Ayanna. “Well, I am just trying to protect her image. Kapag nagsalita ako, siguradong mapapahiya siya at baka masira pa ang career niya,” napapailing na sagot ni Kuya Charlie. “Pero kahit na. Kaysa naman iniisip ng lahat na may relasyon kayo. She’s so pathetic! Masiyadong assuming,” naiinis na saad naman ni Ayanna. “I think Ayanna is right, Kuya Charlie. You shouldn’t let that woman use you. Iba pa namang mag-assume ang mga netizens. Mamaya, kapag may ibang babaeng ma-link sa iyo, iisipin nila na babaero ka or niloloko mo siya,” sang-ayon ko naman kay Ayanna. Hindi ko alam pero halatang naiinis ang pinsan ko sa Felicity na iyon. Sabagay, ako man ay hindi palagay sa pagpapalabas ng Felicity na ‘yon may relasyon sila ni Kuya Charlie. Napatango-tango si Kuya Charlie bago muling nagsalita. “Okay. Thank you, girls… I will have my PA to issue a statement denying the issue,” aniya. Nagkatinginan kami ni Ayanna at sa wakas ay ngumiti na rin ito. Pagdating namin sa party ko ay nagsimula na agad ang programa. Nagkaroon muna ako ng grand entrance hanggang sa marating ko ang pinaka-stage sa harap. Sa bandang baba ay naroroon ang table nina Mommy at Daddy, kasama ang mga kapatid ko. Sa mahabang hilera naman ng mesa ay nakaupo sina Tita Ashnea at Uncle Marcus kasama ang mga anak nila. Naroroon din sina Uncle Marco at Tita Addie, kung saan dumiretso na roon si Ayanna para makatabi ang nga kapatid niya. “At this point in time, let us call on the parents of the birthday girl for their message. Let’s give them a round of applause, please…” anunsyo ng emcee. Pinanood ng lahat ang pag-akyat nina Mommy at Daddy sa stage. Nakatingin sila sa akin habang nakangiti. Lalo tuloy napuno ng kaligayahan ang puso ko. Lalo na at maliban sa kumpleto ang pamilya ko ngayon ay naririto rin ang pinakamalalapit naming mga kaibigan at kamag-anak. “Hello, baby…” panimula ni Daddy kaya naluluha na agad ako sa matinding saya na pumupuno sa puso ko ngayon. “I wrote my message here,” inilabas niya sa bulsa ng slacks niya ang isang papel na kulay pink at green. “Damn, Stan! I bet it took you months to finish that!” sigaw ni Uncle Charles bilang biro sa Daddy ko. Nag-dirty finger naman si Daddy sa kaniya kaya nagkatawanan ang lahat ng mga naririto. “Stan! May mga bata rito,” mahina ngunit mariiing saway naman ni Mommy kay Daddy dahil sa ginawa nito. Natawa tuloy ako sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, araw-araw akong kinikilig sa mga magulang ko. Kaya nga sana ay magkaroon din ako ng love story na gaya sa kanila. Iyong everyday ramdam mo talaga iyong love nila sa isa’t isa. Kahit nagkakatampuhan sila, gagawa agad ng paraan si Daddy para magkabati sila. Gaya ni Ayanna sa mga parents niya, ang pagsasamahan nina Mommy at Daddy din ang standards ko kapag nagkaroon ako ng asawa. Tumikhim at sumeryoso na si Daddy nang i-unfold ang sinasabi niyang sulat. “Happy 16th Birthday, my darling daughter! It feels like just yesterday, I was holding you in my arms, marveling at your tiny fingers and toes. Now, here you are, sweet sixteen and blossoming into such a remarkable young woman. As I reflect on the past sixteen years, my heart swells with pride and gratitude. You've filled our home with laughter, joy, and endless love. Watching you grow, learn, and chase your dreams has been the greatest privilege of my life.” Saglit na huminto si Daddy at kita kong tila nagpipigil siyang maluha. Pero kami ni Mommy ay pareho nang umiiyak ngayon. “You’re so sweet, Daddy…” komento ko agad. “I am not yet finish…” sagot naman niya kaya natawa ako at bumagsak ang mga luhang namuo sa mga mata ko. Agad ko namang pinunasan iyon. “Lily, you are a shining light in this world. Your kindness, compassion, and strength inspire me every day. Whether you're excelling in school, pursuing your passions, or simply being a supportive friend and sister to your siblings, you do everything with grace and determination. I want you to know how incredibly proud I am of the person you've become. Your kindness knows no bounds, and your intelligence knows no limits. You have a heart of gold and a spirit that shines bright, illuminating the lives of everyone around you. As you celebrate this milestone birthday, my wish for you is simple yet profound. May you always believe in yourself as much as I believe in you. You are highly capable of achieving anything you set your mind to, and I'll be here in every step of the way, cheering you on with unconditional love and support. Happy birthday, Lily Eshthrin Sylverio Makhalov! May this year be filled with endless blessings, unforgettable moments, and dreams fulfilled. Here's to the incredible journey ahead and to many more beautiful memories together. I love you, my lovely Lily,” pagtatapos ni Daddy sa binasa niyang mensahe. Napatayo ako at tinakbo siya at niyakap. “I love you so much, Daddy! Thank you for that heartwarming ang motivational message,” lumuluhang saad ko. “Happy 16th birthday, anak,” nakiyakap na rin sa amin si Mommy at napuno ng masayang palakpakan ang buong lugar. “Wow! That was an amazing message!” masiglang pahayag ng emcee. “At this point in time, may we request Mr. Josh Espinosa for his birthday greetings to Lily!” deklara niya kaya napatingin ako sa audience. Nagtama ang mga mata namin ni Ayanna at may makahulugan itong ngiti. Kaya sigurado akong siya ang may kagagawan kaya kasama si Josh sa mga magbibigay ng messages. “Hi, Lily! Happy, happy 16th birthday. I heard you are a fan of me and my works, so I brought a gift for you!” saad ni Josh kaya napangiti ako. Pero mas nakaramdam ako ng excitement sa sinasabi niya regalo. Maya-maya lang ay may apat na lalaking nakabuhat ng malaking frame na nakabalot ng kulay silver na makintab ang balot. “I painted this myself to give it to you as a gift,” pagpapatuloy pa niya. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko pero pinipigil kong magpakita ng matinding reaksyon. Very strict pa naman si Daddy pagdating sa mga lalaking napapalapit sa akin. Nang makaakyat na sa stage ang may bitbit ng higanteng frame ay lumapit sa akin si Josh at tinulungan akong makatayo at makalapit sa frame. Maging ang lahat ng mga nasa audience ay halatang excited na makita ang laman niyon. “Lily, you can now unwrap my gift,” udyok sa akin ni Josh kaya lalo akong natuwa. Una kong tinanggal ang malaking pulang laso na nakatali rito. Pagkatapos ay tinanggal ko na ang balot. Napasinghap ako nang makita ang portrait ko habang nasa gitna ng maluwang na hardin. Napapaligiran ako ng iba’t ibang magagandang bulaklak at malapad ang ngiti kong nakatingin sa mga ito at inaabot ang mga pulang rosas. “Oh, my gosh! This is so beautiful! How… how can you do this?” hindi makapaniwalang tanong ko. Sobrang ganda ng painting at nafi-feel ko talaga iyong pagiging peaceful at maganda ng lugar. “I just needed one picture and that’s it! I hope you’ll like it,” sagot niya. “I like it! It is so pretty!” naibulalas ko. Nagpalakpakan ang mga tao at maging sila ay halatang nagandahan sa painting. Ngunit nang mapatingin ako sa gawi nina Kuya Charlie ay napansin kong madilim ang mukha nito at tila ba galit na nakatingin kay Josh. Nang magsalubong ang mga paningin namin ay mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at ngumiti sa akin. Tinugon ko rin naman iyon ng matamis na ngiti saka nagbawi ng tingin May nagbigay pa ng mga mensahe hanggang sa ang pinakahuli ay si Ayanna. Pagkatapos ay dumako na sa sayawan, kantahan, kainan at inuman. “May I have this dance with you?” Napaangat ang mukha ko at nakita ko si Josh na nakalahad ang kamay. Tumango naman agad ako. “Of course!” tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan niya akong tumayo. Tinungo namin ang dance floor kung saan naroroon din ang ibang mga magkakapareha na sumasayaw. “I was contemplating earlier kung isasayaw ba kita. Kinakabahan ako sa Daddy mo,” tila may kaba ngang saad niya kaya natawa naman ako. “Mabait naman ang Daddy ko kaya wala kang dapat ipag-alala,” sabi ko naman. “Yeah. Pero nagpaalam muna ako sa kanila ng Mommy mo bago kita niyayang sumayaw. Mahirap na at baka dito pa ako bugbugin ng Daddy mo,” pag-amin pa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at totoong humanga sa kaniya. “Talaga? Nakakatuwa ka naman!” pigil ang kilig na saad ko. Pangarap namin pareho kasi ni Ayanna na iyong bago gumawa ng isang hakbang ang lalaki sa amin ay ipapaalam muna kami sa mga Daddy namin. Lalo tuloy akong kinilig dito kay Josh. “Yeah. And of course, a girl like you must be–” “Let’s change partners now,” bigla ay narinig naming saad ni Kuya Charlie kaya napahinto si Josh sa pagsasalita. Ni hindi nga niya hinintay na umoo si Josh at kinuha na lang ako mula sa kaniya. Pagkatapos niyon ay isinayaw na ako ni Kuya Charlie palayo kay Kuya Josh kung saan si Ayanna na ang kasayaw niya. Hindi ko na nakita ang reaksyon sa mukha ng pinsan ko. “Teka lang, Kuya, nag-uusap pa kami, eh!” reklamo ko. “Bakit? Ano’ng pinag-uusapan ninyo at bumubungisngis ka pa at namumula,” inis niyang tanong kaya nagulat ako. Literal na hindi ako makapaniwala kasi parang hindi lang siya naiinis kung hindi ay galit talaga. “Secret! Bakit ko naman sasabihin sa iyo,” saad ko at muling tiningnan ang gawi nina Josh. Hindi na sila sumasayaw bagkus ay inihahatid na niya si Ayanna sa upuan nito. Siguro ay hindi komportable si Ayanna na kasayaw siya. “Tell me, Lily, nanliligaw ba sa iyo ang gagong iyon?” humigpit ang pagkakahapit niya sa baywang ko kaya tila bigla akong nahirapang huminga. “Ano ba’ng pakialam mo kung sakali? Saka huwag mo siyang tawgain ng gano’n!” naiinis nang asik ko sa kaniya. Hindi na kasi ako komportable sa puwesto naming dalawa. “You are a minor, Lily. Hindi ka dapat nagpapauto sa lalaking iyon,” ayaw patalong sambit naman niya. Humigit ako ng hangin at marahas na ibinuga iyon. Ibinaling ko ang paningin ko sa ibang mga sumasayaw. “Hindi siya nanliligaw. At kung sakali mang manligaw siya, wala ka nang pakialam doon. Mabuti pa, maupo na tayo. Medyo sumasakit na ang mga paa ko,” reklamo ko pa. Sa totoo lang ay okay pa naman ako. Medyo naiinis lang kasi ako sa inaakto niya. Mas malala pa siya sa Daddy ko kung maghigpit. “Lily… look, I’m sorry, okay? I was just trying to protect you because–” “Protect me from what? This is my party, and my parents are here, as well as our families and friends. So saan mo naman ako kailangang protektahan?” naguguluhang putol ko sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot at pirmeng nakatitig lang sa akin. Bumitiw na ako sa kaniya at wala na siyang nagawa pa kung hindi ihatid ako sa upuan ko kanina. “Lily, please, don’t be mad at me. I am sorry if I made you feel annoyed,” muli ay pakiusap niya pagkatapos humingi ng tawad. Bumuntong-hininga naman ako at tumingin sa kaniya. “Okay na iyon, Kuya. Huwag mo nang isipin. Maybe I was just surprised that you acted that way towards Josh. Thanks for the concern though,” tugon ko. Ngumiti na rin ako sa kaniya para naman patunayang hindi na talaga ako galit sa biglaang pagsusungit niya. “Thanks, Lily. Again, happy, happy birthday!” nakangiting bati niya sa akin pero napansin ko pa rin ang tila lambong ng lungkot sa mga mata niya. “Thanks, Kuya!” mas niluwangan ko ang pagkakangiti ko para tuluyang alisin ang pagkaasiwang naramdaman ko kanina. Bago natapos ang party ay tinawag na ako ng emcee para sa aking words of gratitude. Umalingawngaw ang masigabong palakpakan habang naglalakad ako papunta sa gitna ng stage. Iniabot na sa akin ang wireless microphone. “I am incredibly thankful to each and every one of you for coming to celebrate my sixteenth birthday with me. Your presence brought happiness, love, and priceless memories to the day,” panimula ko. Nagpalakpakan naman sila. “I'm grateful to my family for being my pillar of support, my biggest fans, and my source of strength. I am very grateful of our unique bond and your everlasting love and wisdom, Mom, Dad and to my siblings, mean the world to me,” naluluha na naman ako nang makita ang mga tinging punong-puno ng pagmamahal mula sa Mommy at Daddy ko, gayundin sa mga kapatid ko. “I would want to express my gratitude also to my relatives for sharing in my journey and for bringing fun and warmth to the festivities. I treasure the memories we built together, and your presence added even more significance to the day. And I also want to thank my beloved friends for sticking by me during the good times and the bad. Lalo na sa iyo, Ayanna…” napahinto ako saglit at malapad ang ngiti nang kumaway at mag-flying kiss sa akin ang best friend ko. “Ayanna, I am very grateful to have you in my life, and your friendship brightens my days. I'm grateful for all our shared laughs, joy, and endless experiences. To everyone, I'm excited to start this new chapter in my life and am so appreciative of the amazing people in my life. I am so grateful to have you in my life, and I appreciate your love and support so much. Again, Ogromnoye spasibo za to, chto otprazdnovali moy shestnadtsatyy den' rozhdeniya so mnoy i moyey sem'yey! (Thank you so much for celebrating my sixteenth birthday with me and my family!).” *** Guys mamaya po ako mag-update sa Hot Broken Heiress. Kararating ko lang kasi dito sa hauz. Salamat po sa mga nag-aabang. Super busy kasi ngayon sa pag-compute ng grades at pag-check ng mga late outputs huhuhu Gustuhin ko man magdouble-double update hindi kaya ng time ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD