Lily’s POV Paglabas ni Charlie ay saglit akong humilata sa kama at tumitig sa kisame. Alam kong hindi ko dapat pinagsinungalingan si Mommy, pero iyon lang ang tanging paraan na alam ko para hindi na sila magkagulo pa. “Ganito ba talaga kahirap magmahal?” nausal ko sa sarili. Pumikit ako at agad na naglaro sa isip ko ang guwapong mukha ni Charlie habang nakatingin sa akin at nakangiti. Kumirot ang puso ko dahil isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Pagbibigyan ko siya sa isang buwan na gusto niya. We will just enjoy our time here together so he will not hesitate to bring me back home. But after this… after this… “Bahala na! Saka ko na lang iisipin iyon kapag dumating na!” Dumilat ako at bumangon. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay tinungo ko ang walk-in closet na naroroon.

