Third Person Pov. (My Future Wife) Mahimbing ang tulog ng dalaga mula sa kanyang silid. Alas otso na ng umaga at mainit na ang sinag ng araw ngunit nakahilata pa rin ito sa kama, nakapag handa na ng almusal ang kanyang lola kaninang alas siete 'y medya. Nakapaglaba din ito ng iilang kumot ngunit heto't ang dalaga'y ngayon pa lang nagising. Awtomatikong napaupo siya ng masilayang maliwanag na ang kanyang bintana. Hinagod nito ang buhok bago sipatin ang wall clock na nakasabit sa haligi ng kwarto. Pabulong siyang napamura ng makitang pasado alas otso na. Binaba nito ang paa sa higaan at agarang sinuot ang pambahay niyang tsinelas, tumayo siya at bahagyang inunat ang dalawang kamay. Bago siya lumabas ng silid, biglang tumunog ang cellphone nitong nakacharge sa ibabaw ng side table. Luma

