(OFFICIAL) Winter Pov. Dalawang beses ang naging pagkurap ko habang nakatingin kay ashong. Naisara ko ang bibig sa panandaliang gulat na nangyari dahil sa presensya n'ya. Kalaunan ay umayos ako ng tayo, ngunit hindi ako makakuha ng salita upang maibato kay ashong. Halatang mainit ang ulo nito, sa pagkakasalubong ng kilay niya maging ang tingin nito sa akin ay naiiba. "K-kanina ka pa ba diyan?" sa wakas ay nakapagsalita ako. Mas lalo lang nalukot ang mukhang meron siya. Hindi ko mabatid kung may hindi ba siya nagustuhan sa tanong ko, ngunit iyon talaga ang nais kong itanong. "Saan kayo nanggaling ni calix?" imbes na sagutin ang tanong ko ay iniba niya ang usapan. Siya ngayon ang nagbato ng katanungan na hindi ko agarang nasagot, nahahabag kasi ako sa reaksyon ng mukha niya. Parang doon

