Kabanata II

803 Words
Bago pa dumilim ang kapaligiran ay nagtungo na ako sa bayan para makipagkita sa iilang mga kaibigan ko. May plano kasi kaming mag-inuman ngayong araw na ito ksi pare-pareho kami ng ineschedule na rest day.  Natanggao ko din ang mensahe ni Kaiden na gagabihin siyang umuwi sinabihan ko na din siya na gabi din ako makakauwi kasi kasama ko mga kaibigan ko.  Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.  "Asan ka na?" Tanong ni Cammy sa akin.  "Burnham pa lang. Walang taxi ako mahanap dito na lang ako sa Town maghihintay ng sasakyan." Sagot ko.  Narinig ko ang ingay ng tugtugan at mga taong naghihiyawan sa loob. Nagkakasiyahan na sila ata.  "Ano?!" Sigaw niya. Napailing ako.  "Papunta na." Pahayag ko at hindi na hinintay pang maksagot kaya agad ko ng binaba.  Nang nakalagpas na ako sa Burn ham ay tumawid na ako sa may kalsada at naglakad sa may mga sakayan ng jeep. Hinanap ko sa maliit na pouch ang aking wallet.  Nang mahanap ko ito ay agad kong hinugot para tignan kung magkano ang dala kong pera. Habang binibilang ko ang mga papel ko ay muntikan na akong madapa dahil may bato akong naapakan.  Iginala ko ang paningin ko. Nasa may hagdanan na ako paakyat sa tawiran ngunit ang nakakapagtaka ay ako lang mag-isa ang tao dito.  Asan sila? Bakit wala ang mga tao? Muli kong iginala ang nga mata ko sa paligid. Walang sasakyan na bumabyahe, nawala na din ang nga jeep at mga tao kanina. Nakakapagtaka.  Hindi ko alam pero kinilabutan ako.  Maslalo akong nanginig ng maramdaman ko na para bang may humawak na kamay sa aking buhok. Agad akong napatingin sa likuran ngunit wala akong makita. Muli ko nanamang naramdaman na may kamay sa likuran ko kaya naman napalingon ako doon pero paglingon ko ay biglang natakpan ng isang kamay na puno ng dugo ang mukha ko.  "Ah!" Sigaw ko.  "Miss okay ka lang?" Napatalon ako dahil sa isang babaeng humawak sa balikat ko.  Napalingon ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin.  Napatango na lang ako bilang sagot at agas na pinara ang taxi na papunta sa kinaroroonan ko. Agad akong sumakay.  "Gen Lu po." Sagot ko.  Hindi ako umimik. Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan at pinapanuod ang mga ilaw at puno na aming nalalagpasan.  "Salamat po." Pahayag ko sa driver at bumaba na.  Muling tumunog ang aking cellphone ngunit hindi ko na ito pinansin.  Naglakad na ako pababa ng hagdanan para makapunta na sa nga kaibigan. Ipinakita ko ang ID ko sa mga bouncer kaya agad naman akong pinapasok ng mga ito.  Agad kong nahanap ang mga kaibigan ko dahil sa ingay ng bunganga nila.  "Ky!" Bati sa akin ni Cammy at hinalikan ako sa pisngi. Nginitian ko siya at agad na umupo.  "Uy, Ky ganda natin ngayon ah." Biro sa akin ni Bryan.  Ngumiti lang ako sa kanya at agad na kinuha ang isang baso ng iinumin.  "Ano 'to?"  "Emba coke." Sagot ni Cammy.  Nandito kami ngayon sa Onepiece. Actually, dito sa pinuntahan namin ay dikit-dikit ang mga inuman dito pero dahil nakasanayan na namin dito at kilala na kami ng mga tao dito, eto na lang ang pinili namin.  Agad kong kinilahati ang inumin ko at agad na dumampot ng popcorn at agad na nginuya ito.  "Ky ito pala si Teejay at pinsan niyang si Franco." Tumango ako at ngumiti sa kanila.  Ginantihan naman ako ng ngiti nung chinito na si Teejay habang ang pinsan naman niya ay parang wala siyang pake-alam sa mundo. Hindi ko na lang pinansin at muling uminom na lang ako.  "Saturday ngayon diba? Amper tayo?" Tanong ni Cammy sa mga kasama.  Sumang-ayon silang lahat pero ako ay nanatiling walng sagot sa sinabi nito. Hindi naman sa ayaw kong sumama ngunit meron pa akong trabaho at walang kasama si Kaiden sa bahay.  "Ikaw, Ky?" Tanong ni Bryan.  "Pass muna ako ngayon. Kayo muna may pasok ako bukas ng maaga at walang kasama ang kapatid ko sa bahay." Sagot ko sa mga ito.  "Ay oo nga pala lumipat na pala kayo sa may City Camp diba? Saan banda dun?" Usisa ng Cammy.  "Sa Alley." Sagot at nilagyan pa ng maiinom ang baso ko.  Hindi mo namalayan ang oras mag aalas dose na nung matapos kaming mag-inuman at magkayayaan sila papuntang Amper.  Hindi na ako sumama. Kinuhanan na nila ako ng taxi para maka-uwi na agad dahil naka-ilang tawag na pala sa akin ang aking kapatid.  "Ingat ka." Ani Cammy. Tumango ako at niyakap siya.   Tinanguhan ko lang silang lahat at pumasok na sa taxi tyaka umuwi.  Pagbaba ko ng taxi ay agad na akong pumasok sa may gate. Kinatok ko ang pintuan ngunit walang sumasagot.  'Tulog na ba si Kaiden?' Tanong ko sa sarili ko.  Hinanap ko ang susi sa pouch ko at nung mahanap ko na ay agad ko ng sinusihan ang pintuan.  Pinihit ko ang door knob ngunit ganun na lang ang pagkagulat ko at kasabay nun ang pagbagsak ng susi at pouch ko dahil sa aking nakita.  Nakadapa si Kaiden sa may sahig habang walang malay.  ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD