Silenced stretch as we drove off to the center of the town.
Malayo ang bahay namin sa sentro kaya kailangan namin magdala ng sasakyan.
Kahapon lang ang uwi ni Mommy galing Canada. Summer ngayon kaya laking pasasalamat ko na nakauwi siya. Pero ikinalulungkot ko naman ang pag-uwi niya ngayong taon kasi baka hindi sila makauwi ni Daddy sa disyembre ngayong taon.
Hindi ko din sila maiintidihan bakit hindi nalang nila ako isama sa canada at total seventeen naman ako at pinangako ko sa kanila na hindi na ako magiging sakit sa ulo kapag nasa ibang bansa na.
Na alarma kasi sila noong nalaman nila na na-suspended ako sa dati kung pinapasukan. Dahil sa ginawang pag-va-vandal ng bagong laboratoryo. Walang nagawa ang Madre naming principal kundi ipa drop out ako.
Bago ang laboratoryo at kailanman hindi pa nagagamit at pinagbabawal na pasukan iyon sa hindi pa sa tamang panahon kundi sa susunod na pasukan sa Augusto.
Sino ba naman kasi ang hindi ma-d-drop-out? Ako lang naman ang naglakas loob na nag-vandal sa bagong bukas na laboratoryo sa pribadong paaralan namin na bagong donasyon sa pamilya ng kaaway ko.
Si Chelsea Madrigal!
Kaya banned ako sa paaralan na iyon. Cool diba? Kaya tuloy ng magalit si Sister natakot ako agad baka kasi magmukhang valak siya kalaunan. Mabuti naman na hindi.
Needless to say, walang magawa ang magulang ko na ilipat ako sa bagong paaralan kaya balik ako sa probinsya namin dito na napaka boring! Lalo na tuwing bakasyon. Lalo na sa lugar na tinitirhan namin.
Iyong iba na tagadito ay lumuwas sa syudad para magbakasyon ako naman bumalik diti sa minamahal kung hometown.
Bumaba kami sa sasakyan. Kinuha ni Mama ang kanyang mamahaling wallet. Paborito kung brand pa iyon. Ballenciaga. Kinukulit ko siya na akin nalang pero ayaw niya.
Imagine kapag ako mayroong ganoong brand. Tiyak maiingit mga kaklase ko. Lalo na ngayon na dito na ako mag aaral sa probinsyang ito.
Pero mabuti na din iyon at baka hold-up ako o di kaya ipatapon dahil sa wallet na mamahalin. Hindi ko nga alam kung ang mga tao ba dito ay may taste sa mga ganyaang bagay.
We never know... Pero anyway, I'm still the coolest/badass chic in town.
Inayos ko ang pilikmata ko ng napansin na sinapawan iyon ng hibla sa aking bangs, sa susunod na araw papasama ako ni Ate Lanna sa malapit na salon dito pagugupitin to kasi mahabahaba na rin.
Nagsalita ang aking Ina habang inayos ang mukha kung may dumi ba o wala.
"Magkikita kami ngayon ng kaibigan ko. Wag kang bastos sa harap. Kaya please, Blair." paalala ni Mama sa akin.
"Ma, come on. I've changed. That was on January. Okay?" Paniguradong tugon ko sa Ina. Tinignan siya," I'm not here for a cat fight."
I rolled my eyes. Damn smirking.
Balita ko din na umuwi ngayon ‘yong si Kelly. Kelly Ortega. The one who whistle blow the whole thing. The bestfriend of Chelsea Madrigal. Dahil sa kanya kaya nalaman ng buong school lalo na ni Sister ang katutohanan.
That, Blair Dorothy Castañeda was the one who vandal the newest laboratory.
Kaya humanda ka talaga sa akin Kelly kapag nakita kita dito. Nakakainis lang kasi hindi ko man lang siya napatikim sa revenge ko sa kanya.
Sa probinsyang ito marami silang negosyo at isa na dito ang limang pinatayong grocery store sa buong probinsya.
Yes, her family are all business minded. Itong pinuntahan namin ay isa sa mga pagaari nila may apat pa silang naglalakihang tindahan sa buong lalawigan.
Pero kahit naman na ganon at sikat ang buong pamilya dito ay hindi iyon ang magiging dalhin na tumunganga lang ako.
Nagkahiwalay kami ni Mama siya pumunta sa may vegetables section at ako naman ay pumunta sa sanitary pads. Bibili na siguro ako hanggat nandito pa kami lalo na ngayon na wala na akong planong lumabas at gumala sa boring na lugar dito.
Pwede ko naman na ibilin ko nalang ang mga ito sa kasambahay namin pero dahil nandito narin naman kami ay ayos na. Wala rin ang mga kasambahay namin tuwing nandyan si Mama.
Para akong nanalo sa patimpalak ng makita nga dito si Kelly Ortega! Nasa mga drinks section siya.
Nakita ko siya pagkatapos kung umalis doon sa pinanggalingan. Mahigpit kung hinawakan ang handle na basket ko. Doble ang lamig ng aircon at sa mga drinks na nakahelira dito hanggang dulo kung nasaan siya nakatayo.
Vengeful mode activated.
Iniwan ko ang aking Ina na kinausap ngayon ang magarang babae kaedad niya. Siguro ito ang tinutukoy niya na kaibigan. Umismid ako sa malayong distansya namin. Maraming tao pero sa aisle na ito ay hindi ganon karami.
Only an older woman and a two girls near the vicinity so I think I can work this out without a help or to draw attention. Well, to tell you frankly I am not that b***h you think I am.
Hindi ko lang gusto na hindi lumaban ng patas. Gusto ko makahiganti sa kanya kahit sabihin man na wala na dahil nakaraan na, no.
I refuse to become a loser, is not on my nature, baby.
Gusto ko kasi maraming tao para masaya. Pero kung maghihintay pa ako ng isang dosenang tao baka umalis na siya. Nagtungo na ako ngayon sa kaniya na hindi man lang napansin ang mabilis na lakad ko.
I cannot deny that this girl have a sense of fashion! Pero sorry nalang kasi wala yan ngayon ang mamahaling damit na suot niya sa gagawin ko ngayon sa kanya.
Pakialam ko ba kung sa kanila itong store na'to? I devilishly smirk at the thought.
"God! I cannot believe that I will see you here in flesh!" I said, relieved and smiled widely.
But damn inside my mind is playing something evil already!
Tumingin siya ngayon sa banda ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
Every students way back in Seville High School scared of me. I don't know why but I indeed have that kind of air even if I did nothing wrong.
I smiled wider at her reaction.
May hawak siya ngayong gatorade na bukas. Siguro, dahil anak siya ng may-ari dito. Libre siguro siyang kumuha sa mga gusto niya.
"W-what are you doing here?" Ramdam ko ang takot sa boses niya.
"Oh Kelly h’wag kanang matakot ikaw naman!" Birong tugon ko sa kanya at lumapit pa hanggang maabot ko na ang braso niya at birong tinampal ko naman siya sa balikat.
Napaatras naman siya sa ginawa ko. At sinunod ang kamay ko patunggo sa kung saan. Hindi maiwasan ang takot na kita ko sa mga mata.
Wow! Kelly?! Is scared of me? Hindi naman siya takot nung sinumbong niya ako, ah?
Nalakasan ko ba? Nalakasan ko ba ang tampal sa balikat niya? My bad, tsk! Tumingin-tingin ako sa paligid. Doon ko lang napansin ang nakalatag na mga iba't ibang klase ng cooking oil na nakahilera sa kabilang banda ko na kaharap ng mga drinks.
"Hindi ka nga natakot ng isinumbong mo'ako ni Sister diba?" ginawa ko ang maawaing tono ng boses.
"Blair please..." banta niya at mukhang maiyak na.
"Oh? Bakit ka ganyan?" taray kong sagot. Nakataaas ang kilay- tinignan siya mula ulo hanggang paa puno ng lait ang tingin ko sa kanya.
Pumunta ako sa mga nakalatag na cooking oil. At kumuha ng isang plastik na botelya na minola ang brand. Alam mo naman siguro ang gagawin ko diba? I made a face at her telling her that its okay.
Ginaya ko pa ang nagmamakaawa niyang mukha.
"You're in the wrong place to lash out your anger."
"Bakit? kasi kayo ang may ari dito?!" I said like who cares if your family own this building?
Who cares?!
Binuksan ko ito at napatingin siya doon. Natanaw ko sa mukha niya ang takot at napa atras siya nito.
"Sorry to ruin your dress right now princess," sabi ko sa madramang boses.
At dahan dahan na ibuhos sa kanya. May narinig akong suminghap na babae sa malapit.
"Anticipate the feels right now." I said devilishly smirking.
"Oh m-my god..." Napasinghap si Kelly tila hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Natatawa ako sa reaksyon ng basang sisiw nato! Damn girl!
Inubos ko sa kanya ang natirang oil. Walang siyang nagawa basa na ang dibdib niya at ang hand bag niya. Itinapon ko ang plastic bottle sa sahig at gumawa ito ng ingay sa tiles.
Kinuha ko ngayon ang itim na marker na dala ko sa aking bag. At sinulatan ang noo niya ng "Loser" ang marka.
Nanigas siya ngayon sa kinatatayuan niya. At biglang may lumapit na lalaki. Gulat na tumingin ito sa akin na puno ng panlalait ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Tila ba hindi makapaniwala na ginawa ko iyon.
The heck? Umamba na lumapit ito sa akin pero pinigilan siya ni Kelly and she whispered something to him.
Umalis ako doon ng tumunog ang cellphone ko at tumalikod sa dalawa at sinagot ang tawag ng Ina.
I walked away and threw the marker towards them.