(When all else fails, complicate matters) AYVA’S POV MASYADO na akong okupado ng nangyari noong isang gabi. Wala akong naisagot sa tanong ni Calix ngunit nakangiti pa rin ito. Willing daw ito maghitay. Iyan ang kaek-ekan mo, Ayva! Ikaw ang mismong naglagay sa sitwasyong hindi mo alam kung paano lalampasan.Kung baga sa isang kasabihan, naghanap ka lang ng ipupukpok mo sa bato. Hay naku! Tulog pa si Calix nang iwan ko ito sa condo. Sinamantala ko iyon upang hindi na ito magpumilit pa na ihatid ako sa bahay. Dumiretso ako ng silid ko. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Raine, please give me a chance. I know masyado akong nagmamadali but I’m sure about my feelings. Mahirap man paniwalaan but it is my first time to officially court someone. Can you give me the chance to court you? Ang

