Chapter 5

1300 Words
"SH*T! Ano ba, ilalagay mo ba yan o hindi!?" sigaw ng Alpha sa Pack Doctor. Naiinis na wika ni Alpha Dwight. Kanina pa nanginginig at nagdadalawang isip ang Dokto kung ilalagay ba nito ang silver na kutsilyo sa mga sugat ng mate ng Alpha o hindi. "Kumalma ka lang, alam mo namang natatakot lang siyang saktan ang mate natin. Remember, silvers are weakness of our kind." Hindi napigilan ni Light na magsalita. The wolf was just waiting patiently but, it seems that the Alpha is not the patient one. "Tss, narinig mo naman ang sinabi ng kapatid niya hindi ba? Iyon lamang ang paraan upang para gumaling ang mate natin." The Alpha snarled at his own wolf. Mas alam ng kapatid ng mate nila ang kung ano ang makakabuti o hindi sa babae dahil mas matagal niya itong nakasama kaysa sa kanila. "I know, but you need to learn how to relax first." Mahinahong wika ng wolf ng Alpha. "Relax daw, halos patayin mo na nga sa sigaw natin ang mga Pack members natin kanina.'' The Alpha retorted at his wolf. The Alpha knows his wolf is rolling his eyes. "Psh." Wika nalang nito dahil alam niyang talo siya sa agrumento nila. "Ako na nga ang maglalagay!" Mukhang nawalan na rin ng pasensya ang kapatid ng mate ng Alpha dahil inis itong tumayo sa kinauupuan na malapit sa kapatid nito. She glared at the Pack Doctor. Nangunot pa ang noo nito tila ba nagtataka kung Doktor ba talaga ito o hindi. "Ako nalang po, Miss." Ani pa ng Pack Doctor na mukhang natauhan sa ginawa ni Rose. But, the Rose seems really pissed-off this time. "Kanina ka pa dyan, maraming dugo na ang nawawala sa kapatid ko.'' Singhal ni Rose. Nagulat naman ang Alpha dahil kausap lang nito ang wolf nito kanina pero ito ang mga tao sa loob ng silid niya maliban sa mate niya ay nag-aaway na. Ito kasing si Rose ay naiinis na sa kabagalan ng Pack Doctor. Maging ang Alpha ay nababagalan na sa Pack Doctor kaya naman hinayaan na niya ang kapatid ng mate niya. "Ibigay muna sa kanya Lea siya na bahala mas alam niya kung ano makakabuti sa kapatid niya." Utos ni Alpha Dwight. Tumango ang Pack Doctor at tumabi at hinayaan si Rose sa gagawin nito. Rose rolled her eyes. "Tss, tatabi din naman pala." Inis pa nitong sabi sa Pack Doctor at padaskol na kinuha ang kutsilyo sa nagbabagang lalagyan nito. The Alpha gulped, he knows it is painful. Napangiwi pa ito. Unti-unti niya itong nilagay. Kinakabahan ang Alpha sa kinatatayuan nito kaya naman tumabi siya sa kung saan nakahiga ang mate niya. Akmang ilalagay na ni Rose ang kutsilyo nang magsalita ang Alpha. Pinagpapawisan pa ito para sa mate nito. "Sigurado ka bang hindi siya masasaktan niyan?" Nangangamba tanong nito sa kapatid ng mate nito. Tumingin si Rose kay Alpha Dwight at ngumiti ng nangangasar. "Sigurado ka bang ikaw ang mate ng kapatid ko?" Pabalik na tanong ni Rose sa mate ng kapatid. Sinusubukan niya ang lalaki. "Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. "Dito palang takot ka ng masaktan siya? Paano pa kaya sa susunod?" Makahulugan wika ni Rose sa Alpha ni hindi napansin ng lalaki na nagawa na ng kapatid ng mate nito ang paggamot sa mate ng Alpha. "Hindi lang ito ang huli at unang beses na may mangyayari sa kanya. Marami pang darating." Matapos sabihin ito ni Rose ay tumayo na ito at lumabas sa kwarto. Iniwanan nito ang Alpha at ang kasamang Pack Doctor na si Lea nang nagtataka. Pag-ilang beses nang sinabihan siya nito ng mga makahulugang mga salita. "There are secrets behind those words Alpha,” sabi ni Lea sa kanyang Alpha. Indeed, there are secrets behind those words and Alpha Dwight needs to figure this out. "Yeah, I think so." Tango ng Alpha kay Lea. He was trying to unlock the puzzle pieces that his mate’s sister was trying to say. "Nagtataka ako Alpha, your mate her blood, it's not normal. It is silver, not red." Nag-iisip na sabi nito sa Alpha. Hindi lang naman ang Doktor ang nagtataka maging siya ay ganoon din. He dismisses Lea without giving her the answer she wanted to know. Dwight looked at his mate. He needs to ask her later. "Paano kung ayaw niyang sabihin?" Singit na naman ng wolf ni Dwight. "Then, hihintayin natin ang panahon na ito'y sasabihin niya sa atin." Dwight seriously said to his wolf. Ginapgap pa nito ang kamay ng mate niya na natutulog pa din at masuyo itong hinalikan. "I agree, kaysa naman umalis siya iyon yata ang hindi natin makakaya." The wolf said whimpering as if he is imagining that his mate will leave them. Mamatay si Dwight kapag nawala ito sa tabi nila kaya kahit ano pa ang tinatago nito ay hinding-hindi siya pipilitin ng lalaki na sabihin. He rather loses everything than losing his mate. He needs his mate and his mate needs him too without one of them, they can’t survive living. Samantala, si Rose naman ay tahimik lamang sa isang tabi sa labas ng Pack House. She was deeply thinking. Nasa isipan niya ang mga sinabi niya ka nina sa mate ng kanyang kapatid. Tama ang tinuran ni Rose na maraming bagay o pagsubok ang susubukin ang pares na katatagpo lamang. Hindi magpapatalo ang kapatid ni Rose, alam niyang lalaban at lalaban ang kapatid niya. Maraming hahabol at susubukin sila dahil hindi lamang iisa ang uri na narito sa Pack na ito kundi dalawa sila. Ang uri nila ng kanyang kapatid ay siyang hinahabol ng isa pang uri na napakasama. Malaki ang sekretong kanilang tinatago. It's between their kind and the Moon Goddess. Kapag nalaman ito ng ibang mga masasamang lobo pwedeng magkagulo at ang mas malala ay pwedeng magpatayan sila nang dahil sa magkapatid. Dalawa na lamang silang natitira sa lahi nila. Siya at si Selene. Her sister could tell her mate their secrets but, it is a burden to the Alpha. Hindi alam ni Rose kung tatanggapin ito ng Alpha ngunit, sana… sana lang dahil hindi kakayanin ni Selene kung hindi sila tatanggpin ng lalaki. Kaya nga, binigyan na ni Rose ng mga palatandaan ang lalaki. Kung isa nga itong tunay na Alpha ay alam nito ang nangyari noon. The history is already written and they are present in those books where the Werewolf History is written. Some may be written on the journals and diaries of the old generation of wolves. Napailing na lamang si Rose habang nagmumuni-muni sa nakaraan. "Rose, sa inyong dalawa ng Ate mo, ikaw ang matatag kaya dapat bantayan mo siyang mabuti," sabi ng kanilang Ama. Rose smirked as if she’s teasing her sister who just rolled her eyes and listened to their father. "Protektahan niyo ang sekreto natin, hindi natin alam ang utak ng ibang mga lobo kaya bilang isang malakas sa lahi natin. You are destined to fight and protect," seryosong dagdag nito na siyang nagpaseryoso din sa mga reaksyon ng magkapatid. "Alam kong mas malakas si Ate kesa sa akin lalo na kapag emosyonal siya. Nakakapatay siya pag ganoon." ani ni Rose na nag-aalala sa bagay na iyon. "Mate niya lang ang magpapakalma sa kanya. Wala na tayong magagawa roon."Buntung-hininga ng matanda at tila inaalala ang bagay na iyon. "Pero Ama, maililihim ba namin ito sa Mate namin pag-nagkataon?" Rose asked their father. Ngumiti ang matanda at ginulo ang buhok ng anak. "Nasasainyo na iyan hindi kami pwedeng manghimasok sa inyo lalong-lalo na't sila ang kalahati ng inyong buhay." Rose sighed and looked at the moon. She stared as if she’s asking for help. She was hoping she will be heard by the Moon Goddess. Napabulong na lamang si Rose habang pinagmamasdan ang buwan nang puno ng pag-aalala. “Kaya, kaya namin o mas madaling tanong kaya, kaya ng Alpha Mate ni Selene?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD