Hindi makatanggi si Gracy kay Mayet, tita ni George ng ayain at pilitin ito sa birthday outing nito kaya napilitan siyang sumama na lang.Sa probinsya nina Mayet ang handaan kaya napilitan si Gracy na kausapin si George para hindi mahalata ni Mayet na iniiwasan niya ang pamangkin nito ngunit ganun pa man tipid ang ginagawang pakikipag-usap ni Gracy kay George, isang-tanong-isang-sagot lang.Kaya si George hindi makahanap ng pagkakataon para kausapin si Gracy.
Hindi man sabihin ng dalawa ang nangyayaring cold war sa pagitan nila batid at ramdam ni Mayet ang bagay na iyon kaya gumawa ito ng paraan para makapag-usap ang dalawa kaya pinilit ni Mayet na sumama si Gracy.Dahil talagang matigas si Gracy kinailangan muli ni Mayet na gumawa ng paraan.Ang dalawa lang ang inutusan ni Mayet na maghintay sa bahay ni lola Pacing,ang ina ni Mayet para hintayin ito kaya walang nagawa ang dalawa kundi ang magpa-unahang matuyuan ng laway hanggang matuyo ang mga lalamunan nila.
"Gracy,may g-gusto akong sabihin sa'yo," hindi na nakatiis si George at nagsalita na ito.Kaagad naman kinabahan si Gracy.Gusto niyang iwasan ang kaibigan kahit anong mangyari hindi niya ito kakausapin.
" Ma-mamaya na lang George," sagot ni Gracy.
"Hindi.....," pagpupumilit ni George, "kailangan kong sabihin sa'yo 'to baka tuluyan ko ng hindi masabi sa'yo 'to.Isa pa bakit mo ba ako iniwasan?," nakita ni Gracy na seryoso si George.
" Ayaw kong marinig ang sasabihin mo," pinilit ni Gracy na magpatigas kay George.Para walang pag-uusap ng maganap tumayo si Gracy para lumabas pero kaagad siyang hinarangan ni George nagulat si Gracy sa ginawa nito.
" Ano ba?!....padaanin mo nga ako," pagpupumilit ni Gracy pero hindi pumawag si George.
"Makakadaan ka lang kapag tapos ka ng makinig sa'kin.Please pakinggan mo naman ako kahit saglit lang tapos pwede mo na akong hindi kausapin kahit gaano pa katagal na gusto mo," pakiusap ni George.
Nakita ni Gracy na wala naman siyang pagpipilian kaya hahayaan na niya ang kaibigan pero nagdesisyon na siya na kahit ano man ang sabihin ni George buo na ang loob niya.Sasanayin niya ang sariling wala ito.
Huminga ng malalim si George kumukuha siya ng lakas ng loob para masabi ang lahat-lahat, " Gracy, matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to pero palagi akong takot sa pinakamalalang bagay na pwedeng mangyari kapag sinabi ko na sa'yo.Sinubukan ko rin na maraming beses at paulit-ulit akong nagtangka pero lahat pero palaging kapalpakan.......," pagsisimula ni George habang deretsong nakatingin sa mga mata ni Gracy.Hindi alam ni Gracy kung bakit bigla siyang kinakabahan.
"......napakadisperado ko na nga.....akalain mo pumayag akong magpanggap na boyfriend ni Joice para lang pagselosin ka pero hindi ko rin natagalan.....," hindi makapaniwala si Gracy sa mga sinabi ni Georgie.
" Bakit mo naman ginawa 'yun?," nalilitong tanong ni Gracy.
" Kasi.....Gracy...I like you...mali I love you...simula bata pa lang tayo gustong-gusto na kita hanggang minahal na kita pero ang duwag ko para aminin ang lahat ng iyon dahil alam kong hindi mo'ko gusto at kahit kailan hindi mo'ko magugustuhan pero kahit na ganun gusto kong malaman mo na nandito lang ako para sa'yo.Hindi mo kailang sumagot o makonsensya para sa nararamdaman ko ang gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal......okay na ako dun," hindi maipaliwanag ni George kung gaano siya kasaya, gaano kagaan sa pakiramdam niya ngayong nasabi na nito kay Gracy ang lahat-lahat.Gusto niyang sumigaw ng malakas....sobrang lakas.......
Hindi kaagad nakapagsalita si Gracy sa dami-dami ng sinabi ni George.Wala siyang ideya o kaalam-alam na ganun na pala kalalim ang nararamdaman ng bestfriend para sa kanya.
" Sorry hah, kung sobra akong naging manhid sa feelings mo para sa'kin,Sorry talaga..." sagot ni Gracy.Inaasahan na ni George ang ganoong sagot at kahit masakit napaghandaan na niya kahit papaano.
"Hindi mo kailangang mag-sorry.Hindi mo naman kasalanan na wala kang gusto sa'kin.Gusto ko lang sabihin ang bagay na matagal ko ng sabihin sa'yo, 'yun lang," pinilit ni George na maging okay sa harapan ni Gracy kahit nasasaktan na siya.
Niyakap ni Gracy ang kaibigan,"I love you too," sabay bulong.
Hindi sigurado si George sa narinig nito mula kay Gracy, ayaw niyang umasa o magkamali ng akala, " Anong sinabi mo?," tanong nito matapos ang yakapan nila.
" Akala ko ba matagal mo ng gustong marinig 'yun,e bakit nabingi ka 'ata......ang sabi ko.....I love you too," ulit ni Gracy.
"Totoo ba 'to?....totoo ba ?," hindi makapaniwala si George sa sinabi ni Gracy.
Ngayon batid na ni Gracy kung ano ang nararamdaman niya.Selos, hindi bilang kapatid o kaibigan kundi makita ang mahal mong may iba, dahil pinakawalan mo siya.
" Oo nga....gusto mo bawiin ko na lang para maniwala ka," biro ni Gracy na walang pagsidla ang tuwang nararamdaman ng puso niya.
" Hindi!....huwag...wala ng bawian.......I love you Gracy....I love you so much," isang mahigpit na yakap mula kay George.
" True love is a blessing and it should be share and cherish,"
The End.....Friendzone over.........!!!!!
Gerona J.R...