“Simula sa araw na ito, palagi mo ng kasama si Raffy. Siya ang maghahatid at magsusundo sa iyo. Subukan mo lang takasan siya, humanda ka sa amin ng daddy mo!” may diing sabi ni Angelica sa anak. Hindi umimik si Lorna. Sa halip, sumakay na lamang siya sa kaniyang sasakyan na pinaandar ni Raffy. Kasing edad ito ng daddy niya at matagal na ring driver ng pamilya ng mommy niya dahil madalas may ibang pinupuntahan si Joseph at inaasikaso. Naging katiwala na rin ito. “Ma’am Lorna, hindi naman sa nakikichismis pero totoo po ba ang relasyon ninyo ni sir Lucian?” tanong ni Raffy habang nagmamaneho. Bumuga ng hangin si Lorna. “Yes po, kuya. Hindi ko lang maintindihan sina mommy at daddy kung bakit ayaw nila na maging kami ni Lucian eh hindi naman kami magkapatid talaga. Hindi ko na siya tatawagin

