Kabanata labing-syam- Pagmamakawa ni Lucas kay Scarleth

1426 Words
" Isang taon ang nakalipas mahirap man ang kalagayan ni Scarleth pero lahat kinaya at hinarap niya ito. Hindi narin muling nagpakita si Rain sa club siguro ay natakot na magsumbong siya sa mga pulis. Hindi nalang ginawa yun ni Scarleth dahil sa trabaho niya panigurado walang maniniwala. Alam naman niyang wala siyang laban sa kanilang mayayaman. " Scarleth okay kalang ba? Oo momshe' Namiss ko lang ang baby ko. Ganon ba? Pasensya kana Scarletj dipa kita mapayagan umalis kulang talaga tayo eh. Okay lang po momshe! Ang bait mo talaga. mas okay na siguro sa pag sasayaw kalang para iwas gulo. Salamat po! Ligtas na ako sa mga customer na hegal. Ganyan talaga. Sige na balik kana sa trabaho mo! Salamat po! Muli na naman akong sumayaw sa intablado wala parin pinagbago. Ganon pa din sila nag hihiyawan nag sisipol. Pero ang diko lang kayang tingnan ang lalaking titig na titig sa'kin. Scarleth baba ka muna saglit! Bakit? May naghanap sayo lasing na ata siya e. Sino naman? Diko kilala! Harapin mo nalang kaya. Di pwede sabi ni momshe dito lang ako! Anong gagawin ko? Sabihin mo nalang bawal na akong makipag table. Okay balikan ko nalang siya. Sir excuse me po pasensya na po sir hindi na po kasi pwedeng makipag table si Scarleth. Bakit? Yon lang po sabi ni momshe ehh! Sabihin mo si Lucas! Gusto ko lang siya mausap. Saglit lang hindi rin ako magtatagal. Dipo talaga pwede sir. Humanap nalang po kayo ng iba. Ayaw ko. Kakausapin ko lang naman siya ah. Kong ayaw niya akong kausapin? Ako ang pupunta sa kanya. Sir please!! Lasing na po kayo. Ayaw niya eh ako nalang ang lalapit. Scarleth Scarleth mag-usap muna tayo saglit lang. May sasabihin lang ako sa'yo harapin mo naman ako. Nako patay mukhang nag wala pa ata! Scarleth gusto lang naman kita makausap sige na ohh miss na kita Scarleth. Sir bawal po kayo dito umakyat! Wala akong pakialam! Hoy wag kang bastos nag sasayaw pa siya para aliwan natin. Tapos ngayon susulohin mo? Hindi naman ata pwede yon. Tumahimik ka? Wala akong pakialam sayo. Kakausapin ko naman siya. Ahh ganon? " Nakipag away nalang si Lucas sa kapwa niya customer dahil kay Scarleth. Kahit nakalipas na ng isang taon hindi parin kasi siya hinarap ni Scarleth. Umiwas lang sa gulo si Scarleth kaya nagtatago ito sa kanya. " Sir tama na. Please wag kayo mag away dito tama na Lucas ano ba? Awat na! Ano bang nangyari dito? Momshe pasensya na po! May customer kasi gusto akong ka table. Sabi ko dina pwede kaya ito umakyat at pinag susuntok ng mga yan! Nako naman Scarleth ohh! Bakit ba lapitin ka sa gulo? Pano ngayon yan? Pasensya na po!! Alisin mo nga yan sa club ko! Para diko ma report yan sa mga pulis. Sige po momshe iuwi ko nalang po siya momshe. Mabuti pa nga!! Nakaka bwesit naman kahit saan kita ilalagay may gulo talagang mangyari. Santa tulongan mo naman ako ohh!! Sige-sige ang bigat naman niya Scarleth. Paano mo kinaya to? Pwede ba dalhin ko muna ito sa apartment natin? Mabuti pa Scarleth! Ilayo mo muna siya dito subrang lasing na ehh ayan may pasa pa. Sayang ang poge pa naman niya. Sige tulongan mo muna ako palabas. Andito na tayo tayka lang maghahanap ako ng masakyan namin. Hawakan mo muna siya para hindi makahiga sa lupa. Bilisan mo Scarleth ang bigat kaya nito.. Ito na!! Sir paki tulong naman po ohh. Sige po ma'am. Santa mauna na kami. Scarleth ha' Alam mo na? Oo na' Ilang sandali pa ang byahe namin nakarating na kami sa apartment. Manong diyan lang po sa tabi. Sige ma'am. Tayka lang po tutulongan ko kayo! Salamat manong. Okay na po ba dito ma'am? Oo manong salamat ito ang bayad ko. Salamat po ma'am. Ano bang nakain mo lalaki ka! Bakit ka nag lalasing? At nakipag away kapa talaga sa ibang customer? Ano bang nangyari sa'yo? Scarleth' mahal na mahal kita. Bakit kaba umiwas sa'kin? Ano ho? Ako mahal niyo? Nako sir wag mo akong sabihan niyan kahit lasing ka mamahalin parin kita.. Scarleth bakit ka lumalayo sa'kin? Ano-ano nalang sinasabi nito! Tayka nga lang po kuha mona ako ng basahan para mahimas-masan kayo. Buhay mo nga naman Scarleth oh nilalayuan mo na nga! Kusa pa talaga lalapit sayo? Pinunasan ko nalang siya at pinahiga na kama ni Santa pinalitan ko nalang ng kumot. Scarleth! Ano? Dito kalang wag mo akong iwan. Nagmamakaawa ako sa'yo please Scarleth. Sir sa susunod pag dimo kayang malasing? Wag kang inom ng inom ha. Pasensya kana Scarleth. Wag kang malikot ginagamot ko pa ang sugat mo. Dito kalang sa tabi ko Scarleth.. Itulog mo nalang yan sir. Nakalipas ang tatlong oras nang hating gabi. Tulog na rin siya hay salamat. Na pagod ako don tayka nga lang maliligo muna ako ang init. Pagkatapos kong maligo bumalik agad ako sa kwarto ko at na bigla nalang ako dahil nakaupo na siya. Naligo kalang pala. Akala ko iniwan mo na naman ako? Sir! Uuwi na po ba kayo? Pasensya kana dito kita dinala sa apartment namin. Ako ang dapat hihingi niyan scarleth! Dahil ginulo kita. Tayka lang po mag bibihis lang ako! Scarleth na miss kita subra. Sir! Bitawan mo naman ako o. Magbibihis lang muna ako sir. Scarleth please naman oh wag muna ulitin yon? Ang alin sir? Yong pag iiwas mo sakin! Sir lasing lang po kayo. Kong kaya niyo na pong umowi? Sige na po uwi na kayo baka hinanap na kayo ng asawa niyo. Dito lang ako scarleth! Gusto pa kita makasama. Kailangan ba talaga nakayakap kayo sakin? Scarleth mahal kita! Akala ko noon wala lang yon? Akala ko naawa lang ako sa'yo? Pero hindi eh mula nong may nangyari sa'tin? Hindi kana maalis sa isip ko Scarleth. Ikaw nalang ang laging laman nito. Pero sir hindi pwede may asawa kana. At dahil lang sa pera kaya nangyari ang bagay na yon sa atin. Hindi ganon Scarleth! Dahil nong una palang gusto na kita kahit isa kang bayaran Pero mahal na kita Scarleth mahal na mahal. Bakit nga? Dala lang siguro ng alak yan sir kaya ayaw kong maniwala sa mga sinasabi mo. Bakit kaba ganyan? Nagbago kana Scarleth. Hindi ako nagbago sir. Tinanggap ko lang kong saan ako nararapat. Bakit? Dika ba pwedeng mahalin? Oo sir dahil isa akong bayaran aliwan ninyong mga lalaki. Pero hindi ganyan ang tingin ko sayo mahal kita noon pa. Wag sir!! Wag mo akong mahalin. Dahil una palang hindi tayo para sa isat-isa. Darating ang araw Scarleth papatunayan ko sayo! Kong gaano kita ka mahal at karapat dapat kang MAHALIN higit kanino man. Wag mong ibaba ang sarili mo dahil sa trabaho mo. Isipin mong malinis ka alam mo yan at alam ko rin. Kaya wag mong sabihin hindi ka dapat mahalin. Pagkatapos kong sinabi yun bumaba na agad ako sa apartment nila para makauwi na. Hindi na talaga ako kayang mahalin ng babaeng tinalukoran ko noon. Salamat at umalis narin siya. Napaiyak nalang ako sa huling sinabi niya. Diko akalain minahal mo ren pala ako? Pero hindi pwede eh mali ang nararamdaman natin pariho. Kong noon palang alam ko na yan? Siguro mabago mo pa ang decision ko. Pero ngayon hindi na pwede may asawa kana at kasal pa kayo. Huhuhuhu sorry kong nasaktan kita dimo lang alam mas lalo akong nasaktan sa tuwing pinagtataguan kita. Sa tuwing iniiwasan kita sa tuwing sinasabi ko hindi kita mahal. Pero dito sa loob ng puso ko subra kitang mahal Lucas subra. " Umalis si Lucas sa apartment nila Scarleth pero hindi ito umowi sa asawa niya kundi doon sa condo niya. Umiinom naglalasing para kalimotan ang problema sa asawang taksil. " LUCAS POV.. Bakit ganyan kana ngayon Scarleth? Nagbago kana. Hindi na ikaw yong dating nakilala ko. Bakit ngayon pa? Gayong minahal na kita Scarleth. Bakit ngayon ko pa inamin sa'yo ang tunay na naramdaman ko? Akala ko ay makakalimutan kita sa paglipas ng panahon. Malaking pagkamamali ang ginawa kong desisyon sa buhay ko noon. Kong sinigurado ko muna ang pag-ibig ko sa'yo bago ako nagpatali sa iba. Sana ikaw ang nakasama ko ngayon. Sana ikaw ang pinakasalan ko! Sana ikaw nalang ang hinarap ko sa altar. Sana masaya ako ngayon kasama ka. Paano ko pa ibabalik ang dating ako? Kong hindi ako naging masaya sa babaeng pinakasalan ko. Kong maibabalik ko lang ang panahon? Hindi ko sasayangin ang oras nating dalawa. Mamahalin kita at ipag-sigawan ko pa sa buong mundo. Na ikaw' ikaw ang babaeng mahal ko. ABANGAN..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD